|
|
Sa kasalukuyan, kumikilos ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa 19 prubinsya at sa mahigit 200 sentrong bayan at syudad sa isla ng Mindanao. Nakalatag sa buong isla ang 35 larangang gerilya na patuloy na lumalawak at nadadagdagan. Umaabot sa ilang libong baryo ang nakikilusan at mahigit daan-daang libong mamamayan ang nakapaloob at naiimpluwensyahan ng Pulang kapangyarihan. Kumpara sa nakaraang taon, lumaki ng 36% ang kinikilusang mga baryo at nadagdagan ng ilampung libo ang organisadong mamamayan. (a) reyd sa kapitolyo ng Mati, Davao del Norte, 7 HPR ang nasamsam; (b) ambus sa isang kumpanya ng 72nd IBPA sa Talaingod, Davao del Norte, 9 HPR ang naagaw; (k) reyd sa Talacogon, Agusan del Sur, nakasamsam ng 10 HPR. Ang unang tatlong TO ay inilunsad lahat nitong nakarang Pebrero; (d) Reyd sa munisipyo ng Carmen, Agusan del Norte noong Disyembre 2002, nakasamsam ng 9 HPR; (e) reyd sa Maco, Compostela Valley noong Setyembre 2002, nakasamsam ng 27 HPR at maraming bala. Matagumpay ding naisulong ng BHB ang minimum na programa ng rebolusyong agraryo na lubos na ikinatuwa at pinakinabangan ng mamamayan. Maraming larangang gerilya sa Mindanao ang nakapaglunsad ng iba�t ibang porma ng antipyudal na aksyong masa tulad ng pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapababa ng upa sa lupa, pagpapataas ng mga presyo ng mga produkto at iba pa. Libu-libong mamamayan ang nabenepisyuhan ng mga paglabang ito. Sa hilagang gitnang Mindanao, mahigit 30 baryo ang nakapaglunsad ng mga antipyudal na pagkilos at mahigit 3,500 mamamayan ang direktang nakinabang.
Patuloy na lumalawak ang BHB sa Mindanao. Umaabot sa ilang libo at lumaki nang 20% sa nakaraang taon ang bilang ng mga mandirigma rito. Dumami ang mga pangunahing yunit gerilya sa mga larangang gerilya at rehiyon. Patuloy ring pinauunlad ng BHB dito ang mga teknik at taktika ng kanilang mga yunit gerilya. Bukod sa matatagumpay na mga TO, may mga pagkakataong naagaw ng BHB ang inisyatiba sa umaatakeng kaaway na mas malaki at mas nakakalamang ang pormasyon. (Halaw sa pahayag na pagbati ng National Democratic Front-Mindanao sa okasyon ng ika-34 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan noong Marso 29.)
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|