|
|
Dati nang nabuo ang MAKIBAKA sa baryong ito matapos mabuo ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) sa lugar noong nakaraang taon. Subalit nireorganisa ito nitong Hunyo dahil sa unang pagbubuo, hindi naisali sa kasapian ang kababaihang kasapi ng PKM. Muling nagdaos ng kumperensya ang kababaihan mula sa lahat ng sityo ng baryo upang muling buuin ang balangay ng MAKIBAKA. Sa tulong ng BHB at Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL), naging madali ang paghahanda sa mga rekisito para sa pagbubuo ng MAKIBAKA. Noong Hunyo 15, inipon upang ayusin ang mga nakuhang talambuhay na may mga kulang o malabong datos. Kasabay nito, inihanda rin ang mga datos hinggil sa rebolusyonaryong kasaysayan ng baryo. Kinabukasan, nagpulong ang mga kasamang nakatutok sa paghahanda ng mga rekisito. Pinaghati- hatian nila ang pagsasaayos ng borador ng isang taong programa ng MAKIBAKA, ng rebolusyonaryong kasaysayan ng baryo at ng mga talambuhay ng kasapian. Nagpulong din ang ilang mga kasama mula sa hukbo at ang Komiteng Tagapagpaganap ng SPL (KT-SPL) para tumulong sa paghahanda ng iba pang mga rekisito. Inihanda na rin ang mga teknikal na pangangailangan ng kumperensya katulad ng mga kagamitan at pagkain at ang paghahanap ng mga mag-aasikaso at magtitiyak sa kusina at seguridad. Hunyo 18 ang kumperensya ng muling pagbubuo ng balangay ng MAKIBAKA. Sa 68 target na kababaihang kasapi, 42 ang nakadalo. Nagkataong nakasabay nito ang pulong ng mga magulang sa isang kalapit na paaralan, ngunit matapos mapaliwanagan ng mga kababaihan ang mga titser nito, iniatras ng paaralan ang nakaiskedyul na pagpupulong. Sa kumperensya, binati ng masigabong palakpakan ang talumpati ng tagapangulo ng lokal na balangay ng PKM hinggil sa kahalagahan ng pagtatayo ng mga samahang masa at ang pagsisikap na hakbang-hakbang na maitaas ang antas ng pagkakaisa ng mamamayan sa baryo. Matapos ito, inilahad ng isang kumander ang kasaysayan ng baryo. Upang magkakilanlan ang mga kasapi ng balangay, binasa ang kanilang mga talambuhay sa harap ng kumperensya. Bandang hapon na nang tinalakay ang borador ng isang taong programa ng balangay. Ibinukas ito sa mga komentaryo at mungkahi ng kasapian bago inaprubahan. Ilan lamang sa tampok na laman ng programa ang pagtatayo ng isang kwerpo ng mga instruktor, pagsapi sa grupong pandepensa ng baryo at paglulunsad ng mga proyektong pampinansya. Matapos ito, inihalal ng kapulungan ang 16 sa pinakamahuhusay at aktibo sa samahan bilang kasapi ng Komiteng Balangay (KB). Mula sa 16, inihalal ang tagapangulo at mga pangalawang tagapangulo sa organisasyon; edukasyon; pinansya at ekonomya; kalusugan; at tanggulan. Masigla ang bawat isa sa araw ng pagbubuo. Dama nila ang mahigpit na pagkakaisa ng kababaihan at ng hukbo. Sa pagtatapos ng maghapong kumperensya, itinanghal ang Awit ng Pag-asa na paboritong kantahin ng mga kasama sa mga kumperensya sa pagbubuo ng mga samahang masa. � �Dahil mithi nati�y palayain, Bawat isa sa pagkaalipin, Sa gitna man ng gutom, kahirapa�t pasakit Hinding-hindi tayo susuko��
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|