Ang moro-morong negosasyon sa pagitan ng rehimeng US-Estrada at pangkating Tabara-dela Cruz
Nitong ika-26 ng Disyembre, tumambad sa mga pahayagan ang balita hinggil sa �usapang pangkapayapaan� sa pagitan ng rehimeng Estrada at ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) na pinamumunuan ng mga rebisyunistang taksil na sina Arturo Tabara at Nilo de la Cruz.
Isinasagawa ang palabas na ito matapos wakasan ng reaksyunaryong gubyerno ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front. Ito�y dahil sa kawalang-kakayahan ng rehimen na talakayin at harapin ang mga saligang usaping nagbubunsod ng digmang bayan.
Sa gayong pakana ng rehimeng Estrada, nagpipilit ito na iangat sa pedestal ang inuuod nang pangalan ng RPA-ABB at papaniwalain ang mamamayan na isang lehitimong negosasyon ang papasukin nito.
Naganap din ito sa kalagitnaan ng walang kapantay na pagkahiwalay ng rehimen sa malawak na masa ng sambayanan.
Sa �pakikipagnegosasyon� nito sa RPA-ABB, kinakausap lamang ng rehimeng Estrada ang sarili nitong anino.
Ang pangkating Tabara-de la Cruz ay isa sa pinakamaaasahang kontra-rebolusyonaryong ahente ng rehimen.
Noon pa mang 1988, naging ahente na ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines si Tabara. Ang RPA-ABB ay isa nang yunit sa paniktik at psywar na hinahawakan ng pasistang militar. Bukod sa pagiging manggagantso ay alipures ng mga reaksyunaryong pulitiko ang pangkating Tabara-dela Cruz. Nasa kandungan din sila ng mga kumprador-burges at panginoong maylupa tulad nina Danding Cojuangco at Lucio Tan.
Tiyak na walang kahihinatnan ang hungkag na palabas na ito.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|