![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nauna nang bumiktima sa mga katutubo at iba pang ordinaryong sibilyan ang Balikatan 2000 noong Enero-Marso. Nang patapos na ang Balikatan, pinagbubugbog noong Marso 6 ng tatlong sundalong Amerikano si Marcelo Batistil, isang drayber ng taksi sa Cebu. Ang mga sundalo ay kabilang sa USS Blue Ridge na dumaong sa Cebu bago ito bumalik sa punong himpilan nito. Hindi gumagampan ng upisyal na tungkulin ang tatlong sundalo nang bugbugin si Batistil. Subalit imbes na parusahan sa ilalim ng batas ng Pilipinas, pinauwi ang mga ito at ipinaubaya sa mga korte ng US ang paglilitis sa kanila. Labag ito sa mismong isinasaad maging ng buktot na VFA. Noong huling linggo ng Hunyo, namatay si Arnelo Gabiola, 18, at ang pinsan niyang si Rolley Narvares, 17, at nasugatan si Jordan Villarmina, 11, nang sumabog ang isang granada ng M79 habang nagiipon sila ng panggatong sa pinagdausan ng Flash Piston 007 sa Lunsod ng Toledo, Cebu. Hindi ipinagpaalam sa lokal na pamahalaan ng Toledo ang paggamit sa loob ng Atlas Consolidated Mining Development Corp. mula Agosto 14 hanggang 19 bilang firing range ng may 30 sundalong US Navy SEALS at Philippine Navy. Bukod rito, wala ring inilabas na babala para sa kaalaman ng publiko hinggil sa naturang pagsasanay. Hindi rin tinupad ng mga tropa ang obligasyong linisin ang lugar na pinagdausan ng pagsasanay. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi inaako ng US ang responsibilidad nito sa pinsalang tinamo ng mga biktima. Samantala, muling lumalaganap ang prostitusyon sa mga lugar na saklaw ng Balikatan sa Clark at Subic sapul nang lansagin ang mga base militar ng US noong 1991. Bunsod rin ng VFA ang talamak na pagsasamantala sa kababaihan at kabataang pumapasok sa prostitusyon dahil sa matinding kahirapan. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|