|
Usapang pangkapayapaan, isinaisantabi ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Binuwag na ni Macapagal-Arroyo ang mga panel ng GRP na nakikipag-usap sa NDFP at MILF at sinabing idaraan na lamang ang mga usapan sa back channel (mga di upisyal na daluyan) sa pamamagitan ng mga emisaryo. Dalawang linggo bago nito, sinuspinde ng rehimen ang pormal na pakikipag-usapang pangkapayapaan nito sa MILF. Noon pang nakaraang taon sinuspinde ng rehimen ang pormal na pakikipag-usapang pangkapayapaan nito sa NDFP at iginigiit nitong panatilihin na lamang sa back channel ang mga pag-uusap.
Inilinaw ng NDFP na ang mga back channel na usapan "ay hindi maaaring pumalit sa seryosong pagpupunyaging isinagawa ng mga negotiating panel, mga subkomite, konsultant at istap." Ayon kay Luis Jalandoni, tagapangulo ng NDFP peace panel, sa di pagkilala sa mga kasunduan sa pagitan ng NDFP at mga nakaraang rehimen, isinasaisantabi na ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang usapang pangkapayapaan. Ani Jalandoni, "Walang ipinakikitang interes (si Macapagal Arroyo) na pumasok sa usapang pangkapayapaang lulutas sa ugat ng armadong tunggalian. Sa halip, nananawagan siya ng pagsuko at nagbabanta ng todo-todong digma." Sinabi rin ni Jose Ma. Sison na "(si Macapagal-Arroyo) ay nagpapanggap na pabor sa negosasyong pangkapayapaan, subalit naghahasik ng mga brutal na kampanyang panunupil."
Nitong Marso 16, hiningi ng Malakanyang sa NDFP at MILF na magsalong na ng armas at sumuko sa gubyerno. Kasabay nito nagbigay din ang rehimen ng bruskong babala sa NDFP at sa MILF na kapag magpapatuloy ang diumano'y mga terorista at kriminal na pag-atake sa mga pwersa ng gubyerno, gagamitin nito ang lahat ng kakayahan nito laban sa NDFP at MILF.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) Marso 2002 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|