Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela

 Read this article in English

Habang umaalingawngaw sa buong bansa ang isyu ng paninibasib ng burges-kumprador at kroni nina Marcos at Estrada na si Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. sa usapin ng coco levy (buwis sa niyog) at mga maniobra para sa patuloy na pagkontrol sa San Miguel Corporation (SMC), tumatampok naman sa Hilagang Luzon, Negros at Mindanao ang agresibo at malawakang pangangamkam ni Cojuangco sa lupa ng mga magsasaka.

Nagaganap ngayon sa hilaga-kanlurang Isabela ang pinakamalaking kaso ng pangangamkam at sapilitang pagpapalit-gamit ng lupa sa kasaysayan ng papet na republika. Ayon sa ulat koresponsal mula sa Larangang Filomena Asuncion ng Bagong Hukbong Bayan sa Isabela, sumasaklaw ito sa 150,000 ektaryang lupain sa mga bayan ng Mallig, Quezon, Delfin Albano, Sto. Tomas, Sta. Maria, Quirino at iba pang karatig na bayan. Ipinapatupad ito ni Cojuangco sa pamamagitan ng SMC na kasalukuyang nasa kontrol at pamamahala niya.

Ibinubunsod ng malawakang pangangamkam ni Cojuangco ng lupa ang paglaban ng libu-libong mamamayan sa kapatagan ng hilagang-kanlurang Isabela. Bunga nito, mabilis na lumalawak ang mga lihim na organisasyong masa, gayundin ang mga hayag na organisasyon ng mga magsasaka, kababaihan, kabataan, mga propesyunal at multisektoral na mga pormasyon. Sumusulong ngayon ang iba't ibang anyo ng paglaban sa iskema ni Danding - armado at di-armado, ligal at iligal.

Gayon na lamang ang pagtutol ng mga setler-magsasaka sa lugar dahil ang mga lupaing sinasaka nila ay sinasaklaw na ng dambuhalang plantasyon ng kamoteng kahoy ng SMC sa tinaguriang Mallig Plains. Sa iskema ng SMC, ipasasaisantabi sa mga magsasaka sa kapatagan ng Mallig ang pagtatanim ng mga dati nilang produkto upang maging mga contract growers ng kamoteng kahoy para sa SMC. Magiging malaking usurero-panginoong maylupa ang SMC dahil pauutangin nito ng abono, pestisidyo at iba pang farm inputs (pangangailangan sa pagsasaka) ang mga magsasakang kokontratahin nitong magtanim ng kamoteng kahoy. Ang aanihing kamoteng kahoy ay gagawing arina sa pabrikang itatayo naman sa bayan ng Quezon. Balak din ng SMC na magtayo ng pagawaan ng feeds sa lugar. Obligadong ibenta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa SMC, sa presyong itinakda nito. Ang SMC ang magpoproseso nito para maging arina at pakain sa hayop.

Kakutsaba ng SMC sa proyektong ito si Faustino Dy Jr., kongresman ng ikalawang distrito ng Isabela, at ang Department of Agrarian Reform (DAR). Lubos na sinusuportahan ng lokal na reaksyunaryong gubyerno ang proyekto sa pamamagitan ng pagtatayo ng kaukulang imprastruktura para rito.

Upang makapanlinlang at mapadulas ang pag-angkin ng SMC sa lupa ng mga magsasaka, nagtayo ito ng bogus na kooperatiba, ang Valley Planters Development Corp.(VPDC) at ipinaloob dito ang mga magsasakang kinontratang magtanim ng kamoteng kahoy. Ang VPDC ang siya ngayong kinikilala ng DAR na benepisyaryo ng "repormang agraryo" sa lupang saklaw ng proyekto. Dahil dito, magigipit at magugutom kung hindi man tahasang mapapalayas ang sinumang hindi pumayag sa iskema ni Cojuangco. Aabot sa 100,000 setler-magsasaka na malaon nang nagbubungkal ng lupa rito, ang mabibiktima ng proyektong ito.

Mula nang simulan ng SMC ang proyekto noong isang taon, umabot na sa 29,000 ektarya ang nakamkam nito. Hindi pa kabilang dito ang humigit-kumulang 3,000 ektarya sa Barangay Santiago, Quirino na ipinabuldoser na ng SMC para gawing nursery (punlaan) ng kamoteng kahoy.

Nakatalaga na rin ngayon ang isang kumpanya ng 45th IB para bantayan ang pagpapatupad ng proyekto.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Isang taon ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mamamayan
National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Krisis sa ekonomya: Ilang mahahalagang datos [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Ang salamangka sa datos sa disempleyo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Resesyon sa US, Japan at Germany: Krisis sa mga sentro ng kapitalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC
Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo, umaani ng tagumpay sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Ka Haren at Ka Baste: Rebolusyonaryong kagitingan sa harap ng kaaway
Mga Ulat Koresponsal: Paglilinaw hinggil sa kalagayan ng mga bihag ng digma sa Dulong Timog Mindanao
Pananalanta ng pasistang estado: Labing-isang buwang kalbaryo ng militarisasyon sa kanayunan
Sa suporta ng imperyalismong US: Pinaiigting ang pananalakay ng Israel sa mamamayang Palestino
Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.