![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa harap ng tumitinding krisis sa bansa, patuloy na lumalakas ang armadong rebolusyon sa Mindanao. Aabot sa 60 ang mga nailunsad na taktikal na opensiba sa nakaraang taon. Mula sa mga ito, mahigit 150 malalakas na baril ang nasamsam ng BHB. Sa rehiyon ng Southern Mindanao, aabot sa 57 ang patay sa mga tropa ng kaaway at 54 ang sugatan. Sa rehiyong Northeastern Mindanao, 41 ang patay sa kaaway at isa ang sugatan. Sa kabilang banda, nalagasan ng ilang kadre at kasama ang BHB bunga ng malulupit na atake ng kaaway. Kabilang dito ang dalawang rehiyunal na kumander at ilang antas-kumpanya at -platun na mga upisyal militar at giyang pampulitika. Pinararangalan ng buong rebolusyonaryong kilusan ang kanilang pag-aalay ng buhay. Ilan sa mga tampok na tagumpay sa armadong pakikibaka ang sumusunod: Enero. Reyd sa Highway Patrol sa Antongalon, Butuan City. Pebrero. Pag-agaw sa inisyatiba sa atake ng kaaway sa Tambacan, South Cotabato. Marso. Engkwentro sa 27th IB sa Danlag, Tampacan, South Cotabato. Reyd sa Marsmann Detachment, Maco, Compostela Valley. Ambus sa Mahanog, Gigaquit, Surigao del Norte. Ambus sa 25th IB sa Kidlawan, Magsaysay, Davao del Sur. Abril. Reyd sa detatsment sa Nabunturan, Compostela Valley. Pagdis-arma sa Anislagan, Tagbina, Surigao del Sur; Tambulig, Zamboanga del Sur; Loreto, Agusan del Sur. Ambus sa convoy ng 25th IB sa Malapatan, Sarangani Province. Mayo. Ambus sa Leon Postigo, Zamboanga del Norte. Ambus sa Concepcion, Misamis Occidental. Hunyo. Reyd sa istasyon ng PNP sa Bayugan, Agusan del Sur. Reyd sa munisipyo ng New Corella, Davao del Norte. Hulyo. Pagdis-arma sa Philippine Navy sa Bulawanon, Rosario, Agusan del Sur. Agosto. Ambus sa Guinabsan, Buenavista, Agusan del Norte. Setyembre. Pagligtas kay Ka Jovan, isang bilanggong pulitikal, sa Nabunturan, Compostela Valley. Disyembre. Ambus sa Salaysayan, Nasipit, Agusan del Norte. (Halaw sa ulat ng NDF-Mindanao Information Bureau) ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|