Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

DYnastiya sa Isabela

 Read this article in English

Sa nakaraang 40 taon, ang reaksyunaryong pulitika sa prubinsya ng Isabela ay nasa ilalim ng mahigpit at madugong kontrol ng warlord na dinastiyang Dy. Napanatili at napalawak ito sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihang burukratiko at pulisya-militar at pagmamantine ng private army, mga maniobrang pampulitika, tahasang pandarahas sa kanilang mga kalaban at lansakang paglabag sa mga karapatang-tao ng mamamayan.

Nagsimulang mamayagpag ang angkang Dy noong dekada 1960 nang maging meyor ng Cauayan ang yumaong si Faustino Dy Sr. Bilang gubernador, naghari si Faustino Sr., gamit ang kamay na bakal upang supilin ang mamamayan at lipulin ang mga kalaban sa pulitika. Ginamit niya ang kapangyarihang burukratiko at pakikikutsaba sa militar upang mula sa isang maliit na kiskisan ay mapalawak ang mga negosyo ng pamilya sa lupa, agribisnes, pagtotroso at sugal.

Upang mapanatili ang kanyang pusisyon, sinuportahan ni Faustino Sr. ang lahat ng kandidato sa pagkapresidente at mabilis na kinakatigan ang sinumang nananalo. Nakipagtulungan siya kay Benigno Aquino Jr. noong huling bahagi ng dekada 1960 sa paniniwalang ito ang papalit kay Marcos. Nang ipataw ang batas militar noong 1972 at ikinulong si Aquino, si Dy ay kaagad na naging kroni ng diktador.

Nang mapatalsik si Marcos noong 1986, muling bumalimbing si Dy at nakuha niya ang pagkagu-bernador ng Isabela noong 1988. Mula noon, tiniyak ni Faustino Sr. na mahahawakan ng mga anak at apo niya ang iba�t ibang pwesto sa prubinsya.

Sa kasalukuyan, ang anak ni Faustino Sr. na si Junior Dy ang gubernador ng Isabela. Ang isa pa nitong anak na si Faustino III ay kongresman ng ikalawang distrito; samantalang meyor ng Cauayan si Caesar Dy.

MARAHAS NA REKORD NG PAMILYANG DY

Madugo ang rekord ng pamilyang Dy sa Isabela. Upang bigyang-proteksyon ang kanilang kapangyarihan, itinransporma ni Faustino Sr. noong 1970 bilang private army ang mga pulis, militar at kriminal sa prubinsya. Noong 1970-72, ang Isabela ay pangalawa sa Tarlac sa bilang ng Barrio Self-Defense Unit. Noon namang 1988, kakutsaba ang 5th ID na nakabase sa Isabela, binuo ni Dy ang 15 kumpanya ng CAFGU at inarmasan ang mga ito ng 600 M14 galing kay Gen. Ramon Monta�o, hepe noon ng PC-INP.

Mula pa sa panahon ni Faustino Sr., ipinapapatay ang sinumang humadlang sa kanilang monopolyong paghahari sa pulitika o maglantad sa kinasasangkutan nilang mga anomalya at iligal na aktibidad. Noong Pebrero, ipinasara ni Mayor Caesar Dy ng Cauayan ang Bombo Radyo - Cauayan dahil sa matalas na pagbatikos nito sa mga Dy.

Walang pakundangan din ang mga pulitikong Dy sa paglaban sa rebolusyonaryong kilusan. Hindi kailanman makalilimutan ang utos ng nakatatandang Dy noong 1971 para pwersahang palayasin ang 50,000 mamamayan mula sa kanilang mga tirahan sa Forest Region sa silangang Isabela. Si Dy mismo ang bumubugbog sa mga nadarakip na pinaghihinalaang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan, kayat binansagan siyang "Gubernador Dos por Dos".

IMPERYO NG PAMILYANG DY

Malalaki ang kumpanya sa pagtotroso na pag-aari, inagaw o kontrolado ng pamilyang Dy. Ang deklaradong pag-aari ng mga Dy sa 99,000 ektaryang trosohan ang pinagmumulan ng P900 milyong taunang netong kita nila. Higit pa rito ang nagmumula sa iligal na pagtotroso at ismagling ng troso patungong Taiwan.

Maging ang iba�t ibang uri ng sugal ay monopolisado ng mga Dy. Kontrolado nila ang hweteng, tong-its, Small Town Lottery (o Lotto) at casino sa Isabela. Noong 1988-89, ipinakana ng mga Dy, kasosyo si Rep. "Jackie" Enrile at iba pang upisyal militar, ang raket na "Pyramid Scheme" (isang huwad na paluwagan na bumibiktima sa libu-libong mamamayan).

Nagkakamal din ng yaman ang mga Dy sa pagkontrol sa mga kontrata at obras publikas. Pinakamalalaki sa mga ito ang halagang P900 milyon na Ilagan-Palanan Road (1980-85), Magat Multi-purpose Dam Project (MMDP), Maharlika Highway (1972-76) at proyektong irigasyon ng NIA.

Noong 1980-82, nakipagkutsaba ang pamilyang Dy kay Danding Cojuangco sa panga-ngamkam ng lupain sa dalawang asyenda sa Isabela, ang Hacienda Sta. Isabel at Hacienda San Antonio. Sangkot din ngayon ang mga anak sa pagpapalayas sa mga magsasaka para bigyang-daan ang malalawak na plantasyon ng kamoteng kahoy ni Cojuangco, proyektong kape ng Nestle, Bt corn testing at marami pang iba. Hindi rin binitawan ng mga Dy ang kontrol sa bigas kasabwat ang Binondo Cartel.

Bumaling din sa real estate ang pamilyang Dy. Kabilang sa mga pag-aari nila ang Tierra Pura Subdivision, Do�a Faustina, Sta. Maria Agri-Business at Isabela Hotel. Mayroon din silang mga condominium (gusali ng mga eksklusibong apartment) sa Greenhills at Quezon City.

Pag-aari rin nila ang North-eastern Publishing and Printing Corp. at kontrolado nila ang mga pahayagang lokal sa prubinsya. May mga negosyo rin sila sa transportasyon, konstruksyon, pagkukumpuni ng mga sasakyan, pelikula at pati pornograpiya (paglalabas ng malalaswang sine at komiks).

Sa nakaraang 40 taong pag-kontrol ng pamilyang Dy sa pulitika sa prubinsya, nakapagpundar sila ng bilyun-bilyong pisong imperyo sa pamamagitan ng mga maniobra at dahas. Ginagamit nila ngayong tuntungan ang mga ito para patampukin ang Isabela, sa partikular ang pinanggalingan nilang Cauayan, bilang isang "growth area" (erya ng kaunlaran).

Mga kumpanya sa pagtotroso at sawmill ng mga Dy

  1. Isabela Wood Construction Development Corp. Twin Peaks Inc.
  2. Sierra Madre Lumber Inc.(SMLI)
  3. Consolidated Lumber and Logging Mills, Inc.(CLLMI)
  4. Jones Logging Corporation(JLC)
  5. Woodland Inc.
  6. RCC Lumber
  7. Pacific Timber Exporters Corp(PATECO)
  8. Mejore Furnitures
  9. Isabela Sierra Lumber and Milling Corporation (ISLAMCO) - prubinsya ng Quirino
  10. Mayantoc Sawmill

 


Previous articleBack to topNext article

Hunyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang mabilis na nag-iibayong armadong interbensyon ng US sa bansa

Komedya sa Senado at Kongreso
Basic Education Curriculum ng DepEd:
Dagdag na salot sa sistema ng edukasyon

Kolonyal na oryentasyon
Matrikula muling tumaas ngayong pasukan
Kampanya sa niyugan:
Bikol, umaani ng tagumpay

Tulungan sa pagsasaka:
Ang lusong ni Mang Jose

DYnastiya sa Isabela
Mga anti-mamamayang negosyo ni Dy sa Isabela, poprotektahan ng CAFGU
Pananalanta ng pasistang estado
Tugon ng mamamayan sa mga lansakang paglabag sa mga karapatang-tao sa Oriental Mindoro
Mga anti-globalisasyong pagkilos, sumusulong
Mga kilusang masa laban sa mga imperyalistang dikta, lumalakas sa buong daigdig
Palayain ang mga detenidong pulitikal sa buong mundo!
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.