![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
DALAWAMPU'T dalawang malalakas na armas ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) mula sa matatagumpay na taktikal na opensibang inilunsad sa iba't ibang panig ng bansa nitong Agosto at Setyembre. Pitong pwersa ng kaaway ang napatay at anim ang nasugatan sa naturang mga opensiba. Sa Compostela Valley. Isang sundalo ang napatay at apat ang nasugatan nang tambangan ng mga Pulang mandirigma ang mga nagpapatrulyang sundalo ng 45th Scout Ranger Company sa Barangay Andap, New Bataan nitong Setyembre 4. Sa Bukidnon. Sinalakay ng mga Pulang mandirigma ng Ernesto Roa Command nitong Agosto 28 ang isang detatsment ng Bravo Company ng 8th IB sa Valencia City. Anim na M14, anim na garan, isang M16 at dalawang karbin ang nakumpiska ng BHB. Hindi nagkaroon ni isang putok sa reyd na itinaon habang kumakain ang mga reaksyunaryong tropa.
Sa Masbate. Pinasabugan ng BHB ng bomba noong Agosto 29 ang sasakyan ng isang grupo ng mga pulis at militar sa Sityo Sug-ong, Barangay Lagta, bayan ng Baleno. Napatay ang dalawang pulis at tatlong elemento ng CVO. Ang naturang mga tropa ay reresponde sana sa pagpaparusa ng BHB sa isang retiradong pulis. Sa Camarines Sur. Nireyd ng BHB ang PNP Kababayan Center 6 sa Barangay Carolina, Naga City, bandang alas 11:30 ng umaga nitong Setyembre 2. Napatay ang isang pulis at nasugatan ang dalawa pa. Sa Mindoro. Labinlimang malalakas na armas ang nasamsam ng BHB sa magkasunod na taktikal na opensiba noong Agosto 19 at 20 sa dalawang prubinsya ng Mindoro. Ayon kay Victor Rivero, tagapagsalita ng Lucio de Guzman Command, kinabibilangan ito ng 56mm bazooka, isang M203, mga pistola, mga bala at iba pang kagamitang militar. Inambus ng BHB noong Agosto 19 ang Special Forces Company sa Sityo Singco, Barangay Bukal, Bongabong, Oriental Mindoro. Kinabukasan, tinambangan naman ang "C" Company ng 16th IB sa Sityo Kambingan, Barangay San Agustin, Sablayan, Occidental Mindoro. Sa Quezon. Iniulat ng Apolonio Mendoza Command na tatlong kalibre .50 masinggan at dalawang M16 ang nasamsam ng BHB sa pagsalakay nito noong Agosto 19 sa isang barko ng Philippine Navy at himpilan ng Coast Guard sa Barangay Ungos, bayan ng Real. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|