Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Paghandaan ang mas malalaki pang laban, kamtin ang mas malalaki pang tagumpay!

 Read this article in English

Makaraan ang 100 araw mula nang maluklok ang rehimeng Macapagal-Arroyo, wala pang naisasagawang nakasasapat na hakbangin na direktang nakatuon sa paglutas ng mga pundamental na suliranin ng mamamayan at pagbabago ng umiiral na mapang-api at mapagsamantalang sistema.

Walang naipakikitang direksyon ang rehimeng Macapagal-Arroyo tungo sa pag-ahon ng minana nitong ekonomya mula sa kinalulugmukang krisis na mas malala kaysa kailanman sa nakaraan. Walang palatandaang babaligtarin ng naghaharing rehimen ang pagtataguyod sa imperyalistang "globalisasyon" at mga patakarang liberalisasyon, deregulasyon, denasyunalisasyon at pribatisasyon, na pawang nagwawasak sa kabuhayan at nagdaragdag ng pasanin sa balikat ng masang anakpawis sa bansa. Lalo pang lalala ang krisis pang-ekonomya sa harap ng pagtumal at pagtungo sa resesyon ng pandaigdigang sistemang kapitalista.

Walang binabago sa kontra-rebolusyonaryo at mapaniil na pagharap ng reaksyunaryong sandatahang pwersa sa mga rebolusyunaryong pwersa at masa, kahimat pumapasok na ang rehimen sa usapang pangkapayapaan sa NDFP at MILF. Patuloy na nakapananaig sa rehimen ang malakas na presyur at impluwensya ng mga militarista.

Sa kabila ng pagkatalo sa ngayon at pagkaaresto ni Estrada at mga mayor niyang kasapakat, nananatiling sutil, mapanggulo at mapanganib ang napilayang kampong Estrada.

Nagpapakitang-gilas ang kampong Estrada na dinedestabilisa ang rehimeng Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng bayaran at binaluktot na bersyon nila ng pag-aalsang mamamayan sa EDSA. Mapagpanggap na tinatagurian nila itong �EDSA 3�. Walang tatamasahing istabilidad ang bagong luklok na rehimen at higit pang titindi at hahantong sa mas mataas na antas ang hidwaan sa hanay ng mga reaksyunaryo.

Lumakas nang higit kailanman ang Partido at rebolusyonaryong kilusan bunga ng mga naipong tagumpay sa pagpapalawak at pagpapalakas ng rebolusyonaryo at progresibong hanay sa buong proseso ng wala pang katumbas na lahatang-panig na pagsusulong ng mga gawain sa rebolusyon. Napakahalagang salik din ang mahusay nating pagkakapusisyon sa matagumpay na kilusang protesta at pag-aalsa at pamumuno sa makabuluhang bahagi nito.

Higit kailanman, nasa mahusay na tuntungan ngayon ang pambansa-demokratikong rebolusyon para harapin ang mas mabibigat pang laban at kamtin ang mas malalaki pang tagumpay.

Muli nating inilalahad ang naisaad nang mga tungkulin natin sa kasalukuyang sitwasyon:

  1. Ipursige at ibayong palawakin at palalimin ang pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa iba�t ibang sektor ng mamamayan. Anihin at konsolidahin ang mga tagumpay sa pakikibaka para sa pagbabagsak ng rehimeng Estrada at mangahas sa mas malawak pang pag-abot, pag-impluwensya, pagorganisa at pagpapakilos sa mamamayan, laluna sa hanay ng batayang masa at mga demokratikong sektor. Irekluta sa Partido ang pinakasulong at pinakadesidido sa rebolusyon.
  2. Igiit ang pag-uusig at pagpaparusa kay Estrada at mga kasapakat niya. Pagsilbihin ang pakikibakang ito sa pagsusustine ng militansya ng malawak na masang namulat at napakilos sa kilusang protesta at pag-aalsa, sa pagbabantay sa bagong gubyerno at sa pagpapalawak ng saklaw ng mga iginigiit na reporma. Kabigin ang malaking bahagi ng mamamayan, lalo na ng mga masang anak-pawis na patuloy na nalilinlang ng kampong Estrada sa islogang "Erap para sa mahirap". Ituon sa paglaban sa naghaharing mapagsamantala at mapang-aping sistema sa halip na sa pagsuporta kay Estrada ang mga hinaing nilang dulot ng kahirapan, gutom at kaapihan. Patuloy na labanan ang mga sagadsaring reaksyunaryo sa hanay kapwa ng mga nasa kampong Estrada at mga nakabalik sa kapangyarihan. Kaugnay nito, kailangang igiit din ang matagal nang nabalahong pag-usig at pagparusa sa mga Marcos.
  3. Isulong ang mga pakikibaka para sa saligan at kagyat na interes ng mamamayan, laluna ng batayang masa. Sa harap ng ibayong paglala ng krisis at kagipitan ng sitwasyon ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ibayong titindi ang kahirapan at mga problema ng mamamayan. Ipaglaban ang pagpapatupad ng tunay at komprehensibong mga pagbabagong panlipunan alinsunod sa linya at programa ng demokratikong rebolusyong bayan. Patampukin, palawigin at igiit ang mga ito pangunahin sa pamamagitan ng mga militanteng pakikibakang masa, at gayundin sa pamamagitan ng iba pang parlamentaryong pakikibaka, usapang pangkapayapaan at pakikibakang elektoral. Igiit ang pagsasakatuparan ng Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Igiit ang paniningil sa mga pasistang krimen ng GRP at mga sandatahang pwersa nito at ang kaagad na pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal, at labanan ang panghihimasok ng US sa usapin. Ipaglaban din ang mga pambansa at demokratikong nilalaman ng mga panukala ng NDFP para sa Comprehensive Agreement on Socio- Economic Reforms (CASER).

    Puspusang ipaglaban ang mga saligang pagbabago para sa pagpuksa sa pinakaugat ng mga saligang problemang panlipunan. Labanan ang mga maniobra at maruruming taktika ng GRP sa usapan. Matyagan, ilantad at tuligsain ang mga pakana ng mga militaristang kinakandili ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

  4. Patuloy na palawakin at palakasin ang nagkakaisang prente. Sikaping mamantine at mapaunlad sa abot ng makakaya ang mga ugnay na nabuo sa kilusang protesta at pag-aalsa at magpalawak pa sa iba. Maksimisahin ang tuluy tuloy na pakikipagtalastasan at konsultahan, iba�t ibang tipo ng relasyong pormal at impormal, pakikipagtulungan at koordinasyong hayag at lihim sa pinakamalawak na posibleng hanay. Palakasin ang relasyon sa pinakamalalapit at maaasahang alyado.

    Gamitin ang kasalukuyang kampanyang elektoral para sa pagpapatupad ng pundamental na tungkuling ilantad ang kabulukan ng buong umiiral na sistema, estado, parlamento at maging ng reaksyunaryong halalan at ipahayag ang rebolusyonaryong alternatiba; at para sa pagpapalawak ng pakikipagalyansa at pakikipag-ugnayan, pagpupwesto ng mga progresibo sa gubyerno at pagkakamit ng ilan pang taktikal na bentahe.

  5. Mapangahas na palawakin at palakasin ang mga larangang gerilya, pasiglahin nang higit ang antipyudal na kilusang magsasaka at isulong ang armadong pakikibaka.

    Tanging sa pamamagitan ng masiglang pagsusulong ng pakikibakang antipyudal

    makokonsolida at mapa lalalim ang baseng masa ng rebolusyon sa malawak na kanayunan. Magpakahusay sa pagkukumbina ng ligal, malaligal at iligal na paraan para mapangahas na mapalawak at maisulong ang mga pakikibakang magsasaka at iba�t ibang kilusang masa sa kanayunan.

    Masigasig na ilatag at palakasin ang mga rekisito sa pulitika, organisasyon, militar, kultura at ekonomya para sa matatag at mas mataas pang antas ng pagsusulong ng armadong pakikibaka.

    Sa bagong sitwasyon, nananatiling tungkulin ng BHB ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba. Kailangang bigyan ng higit na pansin ang pagpapaliwanag sa publiko ng makatarungang mga batayan at layunin ng bawat taktikal na opensiba at pagpaparusa, laluna sa malalaki at kilalang target.

  6. Ibayo pang palawakin at palakasin ang rebolusyonaryo at progresibong propaganda.

    Pag-ukulan ng pansin, tao at rekurso ang gawaing propaganda upang higit itong palakasin at komprehensibong pabweluhin kapwa sa lihim at hayag. Maagap na ilinaw ang pananaw ng Partido at rebolusyonaryong kilusan sa napapanahon at nagbabagang mga isyu at laban ng mamamayan. Aktibong labanan ang propaganda ng kaaway. Sistematisahin at paun larin ang paggamit sa establisadong masmidya para sa rebolusyonaryo at progresibong propaganda. Gamitin at paunlarin ang mga popular, bago at mapanlikhang pamamaraan gaya ng mga presentasyon sa video, komiks, mga pangkulturang pagtatanghal at iba pa. Kaalinsabay, seryosong paunlarin ang pagpapalawak ng abot ng propaganda at paggamit ng mga modernong pamamaraan ng komunikasyon, sa pamamagitan ng dyaryo, radyo, telebisyon, telepono, internet at iba pa.

 


 Back to topNext article

Abril 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Paghandaan ang mas malalaki pang laban, kamtin ang mas malalaki pang tagumpay!
Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Patuloy na dumadausdos ang pambansang ekonomya

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Tunggalian at aregluhan sa hanay ng naghaharing uri

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Mainit ang pagtanggap ng mamamayan sa pag-aresto kay Estrada
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal
Pambansang Tagapagsalita,
Partido Komunista ng Pilipinas
Abril 26, 2001

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Nagpapatuloy ang pananalanta ng pasistang estado

Central Cordillera Agricultural Programme:
Pagsasamantala sa likod ng "tulong pangkaunlaran"

Maj. Noel Buan:
Bihag ng digma, pinalaya ng BHB

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.