![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
"Ipinapakita ng matatagumpay na taktikal na opensibang ito na nakahanda ang mga rebolusyonaryong pwersa na harapin at biguin ang all-out war campaign ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Alinsunod sa panawagan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas, patuloy na paiigtingin ng mga rebolusyonaryong pwersa ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng paglulunsad ng paparaming mga armadong taktikal na opensiba." - Ka Roger, Setyembre 29, 2002 Munisipyo sa Quezon, nireyd ng BHBSinalakay ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang munisipyo ng Lopez, Quezon noong hapon ng Setyembre 27. Namatay sa naturang reyd ang hepe ng pulisya sa Lopez na si Supt. Cesar Santander, si Supt. Nestor Santiago at isa pang elemento ng PNP. Mabilis na nakapasok sa munisipyo ang mga gerilya gamit ang taktikang panlalansi. Ang ilan sa kanila ay nagsuot ng barong at nagkunwang magsasampa ng kaso at ang ilan naman ay nagpanggap na mga sundalo ng AFP at ahente ng National Bureau of Investigation. Nakapwesto na sa loob ng munisipyo ang mga gerilya nang makahalata ang ilang pulis at manlaban. Nakontrol ng mga Pulang mandirigma ang munisipyo pagkatapos ng ilang minutong labanan at kinumpiska ang lahat ng armas sa armori bago sila ligtas na umatras. 33 armas, nakumpiska sa reyd sa Compostela ValleyUmabot sa 33 armas ang nasamsam nang ireyd ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Rhyme Petalcorin Command-Bagong Hukbong Bayan (RPC-BHB) ang istasyon ng Philippine National Police sa Maco, Compostela Valley noong Setyembre 24. Kabilang dito ang 17 armalayt, tatlong M14, apat na garan, dalawang karbin, tatlong pistolang 9 mm, tatlong pistolang .38, isang Browning automatic rifle, mga bala at isang VHF radio. Ayon kay Diomabok Kadyawan, tagapagsalita ng RPC-BHB, pinatunayan ng mapangahas na reyd ang kakayahan ng BHB na maglunsad ng mga sorpresang atake sa mga lehitimong target. Aniya, naging matagumpay ang reyd dahil sa kooperasyon ng mamamayan sa BHB. Naisagawa ang mapangahas na reyd nang walang putok dahil sa taktikang panlalansi. Dinakip muna ng mga gerilyang nagpanggap na mga sundalo ng Philippine Army si Meyor Miller Alaba ng Maco at bandang 6:30 ng gabi ay dinala ito sa istasyon ng pulis sa Barangay Mapaang. Ipinakilala ni Alaba ang mga Pulang mandirigma bilang mga sundalo ng 72nd IB kaya madali nilang napasok ang istasyon at nadisarmahan ang mga pulis. Nilimas ng mga Pulang mandirigma ang armori ng istasyon sa loob ng 15 minuto. Maalwan silang nakaatras sa kalapit na gubat. Dahil sa kahihiyan, agad na ipinatanggal ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang buong pwersa ng PNP sa Maco at kinasuhan ng "treason" o pagtataksil si Alaba. Pinaiimbestigahan na rin ang kainutilan ng lokal na grupong paniktik. Scout Rangers, inambus sa LeyteApat na elemento ng Philippine Army Scout Rangers ang namatay at dalawa ang nasugatan sa ambus na inilunsad ng isang platun ng BHB sa Barangay Mabuhay, Mahaplag, Leyte noong Setyembre 20. Naganap ang ambus bandang 3:15 n.h. habang patungo ang mga elemento ng 3rd Scout Ranger Company sa Tacloban City. Lulan ng Kennedy-type na dyip ang apat nang tambangan. Limang matataas na kalibreng armas ang nasamsam ng BHB sa naturang labanan kabilang ang isang M203, dalawang M16, isang Baby-M16 at isang M14. Ang sumaklolong reimporsment na isang platun mula sa 3rd SR Company at Charlie Company ng 53rd IB PA ay tinambangan ng isang blocking force ng BHB. Isa ang patay sa panig ng kaaway. Samantala, noong araw ding iyon ay nakaenkwentro ng isang yunit ng BHB ang mga pwersa ng 63rd IB. Isang sundalo ang namatay dito. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|