Matatagumpay na opensiba ng BHB
19 na armas nasamsam sa 2 opensiba sa Bontoc
Labinsiyam na malalakas na riple at iba pang gamit-militar ang nasamsam ng mga mandirigma ng Leonardo Pacsi Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa dalawang magkasunod na taktikal na opensiba nitong Hulyo 15 sa Bontoc, Mountain Province.
Pauwi sa kanilang hedkwarters sa Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija ang mga tropa ng 71st IB nang tambangan ng isang platun ng BHB ang sinasakyan nilang siksbay bandang alas-3 ng hapon sa Sityo Sukib, Talubin, Bontoc.
Nakasamsam ang mga Pulang mandirigma ng pitong M16, isang M14 at isang .45. Namatay sa labanan ang walong sundalo at malubhang nasugatan ang isa pa.
Bago ito, sinalakay ng BHB noong umaga ring iyon ang detatsment ng 54th IB sa Talubin Proper. Nakontrol ng mga Pulang mandirigma ang detatsment at sinunog ito. Naagaw nila ang limang M14, limang garan, isang karbin at mga bala. Dalawang sundalo ang napatay at nasugatan ang dalawa pa.
Samantala, ayon sa pinakahuling mga ulat, siyam na sundalo ang napatay sa labanan sa pagitan ng BHB at AFP noong Hulyo 5 sa East Maguisguis, Botolan, Zambales. Naunang iniulat na limang sundalo ang sugatan.
PNP sa Catbalogan, inambus; 2 armas naagaw
Isang M16 at isang 9 mm ang nakumpiska at isang pulis ang nasugatan nang tambangan ng BHB noong hapon ng Hulyo 16 ang kotseng sinasakyan ni P/Supt. Conrado Calvario, hepe ng PNP sa Samar. Papunta ang mga pulis sa Tacloban City upang sumalubong kay Pres. Arroyo nang masabugan ng bomba ang sinasakyan nilang patrol car sa haywey sa Barangay Socorro, Catbalogan.
Mga sundalo, pulis inambus sa Abra
Inambus ng isang iskwad ng Agustin Begnalen Command ng BHB sa Abra ang pinagsanib na mga elemento ng 17th IB at PNP noong Mayo 16 sa Barangay Lingas, Lagangilang, Abra. Dalawang sundalo ang namatay at apat ang sugatan sa ambus. Ligtas na nakaatras ang BHB samantalang hindi man lamang nakapaglunsad ng operasyong pantugis ang mga nagulantang na kaaway.
Para pagtakpan ang kanilang kahihiyan, nagkalat na lamang ang 17th IB ng intriga laban sa BHB. Pinasurender nila ang dalawang lalaking 10 taon nang tumiwalag sa Hukbo at sinabi na namang nagrerekrut ng mga menor de edad ang BHB. (mula sa Dangadang, rebolusyong pahayagan sa Ilocos-Cordillera.)
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|