Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sagot sa tuluy-tuloy na atake ng kaaway sa Gitnang Luzon: Puspusang pagtangan at pagpapakahusay sa pakikidigmang gerilya

 Read this article in English

Masinsing nakapakat at aktibo ang kaaway sa pagtugis sa rebolusyonaryong kilusan sa Gitnang Luzon. Tuwirang nakatutok dito ang 7th ID ng Philippine Army (PA). Nasa ilalim ng dibisyong ito ang dalawang brigada ng PA: ang 702nd Bde na kinapapalooban ng 70th IB at 71st IB at ang 703rd Bde na kinapapalooban ng 69th IB at 24th IB. Gumaganap bilang strike force ng dibisyon ang 68th IB na nakabase sa Laur, Nueva Ecija.

Erya ng mga operasyon ng 702nd Bde ang kabundukan ng Sierra Madre sa Gitnang Luzon. Nakatutok ang 71st IB sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan at silangang Pangasinan. Ang 70th IB naman ay nakatuon sa lalawigan ng Aurora, ang tanging lalawigan sa Gitnang Luzon na kinokonsentrahan ng isang batalyon. Nakapakat naman ang 703rd Bde sa mga lalawigan sa paligid ng kabundukang Tarlac-Zambales.

Idinagdag ng kasalukuyang rehimen sa rehiyon ang 54th IB na hinugot sa hilaga. Responsibilidad na erya nito ang kahabaan ng Dalton Pass sa Nueva Ecija-Nueva Vizcaya.

Sa San Miguel, Bulacan nakabase ang buong pamunuan ng Special Operations Command (SOCOM) na siyang namumuno sa Scout Rangers at Special Forces ng PA. Nakakonsentra ang isang kumpanya ng Scout Rangers na nakahimpil sa Balanga, Bataan, ang 34th SR, sa parte ng Manila Bay na nasa Gitnang Luzon. Aktibo rin sa mga operasyong kontra-rebolusyonaryo ang tropa ng Air Force na nakabase sa Floridablanca, Pampanga at ang Special Action Force ng PNP sa rehiyon.

Magkakalayo at may kanipisan ang pusisyon ng mga detatsment sa kapatagan samantalang masinsin at makapal naman sa kabundukang tulad ng Aurora.

Patuloy na itinatayo sa Gitnang Luzon ang Citizens� Armed Forces Geographical Unit (CAFGU). Pandagdag ito sa lakas-tauhan ng reaksyunaryong militar. Bukod sa ginugugol na pondo para rito ng rehimen, pinopondohan din ng mga pulitiko sa rehiyon ang iba�t ibang yunit at pwersa nito para magamit bilang private army.

Kasa-kasama rin ng kaaway sa pagtugis sa BHB at sa masa ang mga kriminal at bandidong pangkat sa rehiyon. Ang mga ito ay ang "Rebolusyonaryong Hukbong Bayan" o RHB, ang pangkating Baguisa at ang "Rebolusyonaryong Gerilya sa Arayat" o RGA. Aktibong ginagamit sa paniniktik sa rebolusyonaryong kilusan at sa baseng masa ang mga pangkating ito.

Nananatiling masinsin ang pakat ng paniktik ng militar sa kabundukan at kapatagan. Nagsasariling nakapakat ang Military Intelligence Group (MIG) sa iba�t ibang lugar sa Gitnang Luzon. Sa ahensyang paniktik na ito nakaasa ang mga pwersang impantri ng kaaway. Bukod sa MIG, may sarili ring lambat-paniktik ang mga yunit ng kaaway. Halimbawa nito ang 3rd Intelligence Service Unit (ISU) na tulad ng MIG na kumikilos nang nagsasarili at ang 65th Military Intelligence Company (MICO) na nakapaloob mismo sa mga pormasyong kumpanya ng PA. Aktibo silang nagrerekluta ng mga asset na ipinapaloob sa barrio intelligence network o BIN sa mga lugar na pinaglulunsaran nila ng modified special operations teams o MSOT.

Ipinapasa ng mga yunit pangkombat ang kanilang naipong impormasyon sa yunit-paniktik ng dibisyon. Binubuo ang mga plano ng pag-atake mula sa mga datos na ito. Mabilis na naipatutupad ang planong pang-operasyon dahil sa nakatalagang strike force ng dibisyon. Habang lumalarga ang maliliit na operasyong pangkombat ng mga yunit na nasa mga detatsment, nakapaglulunsad naman ng strike operations ang dibisyon.

Ibinukas ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang Clark, Subic at iba pang lugar sa Gitnang Luzon para sa mga magkasanib na pagsasanay-militar ng mga tropang Amerikano at Pilipino. Bilang pagsuporta nito sa pananalakay ng US sa Afghanistan, ibinukas din ng rehimen ang Clark at Subic para sa refueling at transit point ng mga sasakyang pandigma ng US.

Sa ilalim ng kasalukuyang rehimen, lalong nadagdagan ang dati nang mahabang listahan ng mga paglabag ng reaksyunaryong militar sa karapatang-tao ng mamamayan sa Gitnang Luzon. Paparami ang mga kaso ng pangmamasaker at panananalbeyds sa mga kasapi ng BHB at sa masa. Talamak ang pagdukot, iligal na pagbibimbin, panghaharas, pananakot, panghahalughog, pagpataw ng curfew at pambabastos sa kababaihan.

Nararapat lamang ang puspusang pagtuligsa at paglaban ng mamamayan sa Gitnang Luzon sa mga paglabag sa kanilang mga karapatan ng mersenaryong militar. Noong Hulyo, sa pangunguna ng Central Luzon Aeta Association, makailang beses na nagpiket ang mga taga-Barangay Nabuklod, Floridablanca, Pampanga, upang igiit ang pagpapataalsik sa abusadong 24th IB sa kanilang lugar.

Sa harap ng masinsing pakat at tuluy-tuloy na pag-atake ng kaaway sa rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon, nagpalabas ng mga paalala at mga tungkulin ang komiteng rehiyon sa Gitnang Luzon upang wastong malabanan ang mga bigwas ng kaaway.

� Tungkulin ang pagpapakahusay sa pakikidigmang gerilya. Huwag ilalantad ang yunit lalo na sa masasamang elemento. Alamin ang mga nakatira sa paligid ng binabasehan. Iwasan ang pagbababad sa makikitid na lugar at iwasang lumikha ng padron sa pagkilos. Matamang pag-aralan ang pinupwestuhan lalo na sa mga erya ng ekspansyon. Bukod sa maayos na plano ng pagkilos, magbuo ng angkop na planong pandepensa batay sa plastada ng kalupaan, lakas-tauhan at armas. Sa panahon ng laban, matalas na suriin ang kalagayan at laging kunin ang inisyatiba.

� Maglunsad ng mga taktikal na opensiba upang malipol nang baha- bahagi ang kaaway at makakumpiska ng mga armas. Paghusayin ang gawaing paniktik.

� Buuin ang lambat-paniktik kapwa sa eryang konsolidado at ekspansyon. Kailangang malalimang alamin ang kaaway at ang kilos nito. Kasabay ng pagpapaunlad ng ating mga lambat-paniktik, kailangang matukoy ang mga lambat-paniktik ng kaaway at mawasak ang mga ito.

� Buuin o higit na palakasin ang mga pangunahing pwersang panlaban sa antas ng rehiyon at prubinsya. Kailangang itayo at tuluy-tuloy at araw-araw na paganahin ang kumand sa antas ng larangang gerilya. Susi sa pagpapakahusay ang walang humpay na mga pagsasanay at pagpapaunlad ng mga dati nang mga kaalaman at pamamaraan, lalo na sa harap ng mga pagbabago sa kalagayan.

Mahalagang salik ang mahusay na paniktik at mga taktika sa paglulunsad ng ilang taktikal na opensiba sa rehiyon.

Matagumpay na nireyd ng BHB sa Front 2 ng Nueva Ecija ang detatsment ng PNP sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya noong Nobyembre 2000 kahit pa ito ay nasa labas na ng kanilang larangang gerilya.

Matagumpay ding nadisarmahan ng isang SYP sa hilagang-kanlurang Pampanga noong Hunyo 5 ang mga sundalong Pilipinong umeskort sa mga sundalong Amerikanong kalahok sa magkasanib na pagsasanay ng AFP at US Armed Forces sa ilalim ng VFA.

 


Previous articleBack to topNext article

Oktubre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pag-ibayuhin ang mga rebolusyonaryong pagkilos sa harap ng gerang agresyon ng US at ng tumitinding reaksyon
Ang digmang agresyon ng US sa Afghanistan
Ano ang Northern Alliance?
Tuluy-tuloy ang protesta sa Pilipinas laban sa digmang agresyon at reaksyon
Nagngingitngit na galit laban sa gubyernong US at UK
Mga Ulat Koresponsal: Mga suliranin ng mga magsasaka�t manggagawang bukid sa mga niyugan sa Kabikulan
Mga Ulat Koresponsal: Mga pakikibaka ng mamamayan laban sa Lepanto Mines
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo sumusulong sa Cagayan Valley
Mga Ulat Koresponsal: Paglalabas ng Kalatas habang nasa gawaing masa
Sagot sa tuluy-tuloy na atake ng kaaway sa Gitnang Luzon: Puspusang pagtangan at pagpapakahusay sa pakikidigmang gerilya
Pagpaparami at pagpapalaganap ng Ang Bayan: Kumbinasyon ng kilusang masa at paggamit ng modernong teknolohiya
Pananalanta ng pasistang estado: Mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao (Hulyo-Oktubre 2001)
Naghuhuramentado ang mga terorista at mersenaryong AFP at PNP ni Macapagal-Arroyo sa kanayunan:
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas

Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.