|
Usapang pangkapayapaan, ipinagpaliban
Inianunsyo ng National Democratic Front ang pagpapaliban nito sa ikaapat na round ng usapang pangkapayapaan na nakatakdang isagawa nitong Agosto 24-30 sa Oslo, Norway. Ito ay dahil sa kabiguan ng rehimeng Arroyo na isakatuparan ang mga obligasyon nito sa una at pangalawang round ng usapan noon pang Pebrero 14 at Abril 3. Kabilang dito ang paggawa ng mga mapagpasyang hakbang upang tanggalin ang pangalan ni Kasamang Jose Maria Sison, ng Bagong Hukbong Bayan at ng Partido Komunista ng Pilipinas sa listahan US ng mga terorista; ang pagpapalaya ng mga detenidong pulitikal at ang kagyat na indemnipikasyon ng mga biktima ng paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng diktadurang Marcos.
Nitong Agosto 15, inianunsyo ng US na mananatili sa kanilang listahan ng mga terorista si Kasamang Sison, ang BHB at PKP. Palagiang mailalagay sa alanganin ang NDFP kung patuloy na ituturing na terorista ang mga alyadong organisasyon at ang senior consultant nito. Patuloy ding gagamitin ng reaksyunaryong militar ang paglilistang ito upang maglunsad ng mararahas na kampanyang militar laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan.
Handa ang NDFP na ipagpaliban ang usapang pangkapayapaan upang bigyan ng pagkakataon ang rehimeng Arroyo na ipatupad ang mga kaisahan. Kung patuloy na tatanggi ang rehimen, iminumungkahi ni Kasamang Sison na magbukas ang NDFP sa suspensyon kung hindi man pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 21 Agosto 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|