Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Paggalang sa karapatang-Tao:
Integral sa kondukta ng digmang-bayan

Noong ika-10 ng Abril 1998, pinirmahan ng Pambansang Demokratikong Prente (PDP) sa pamamagitan ni Kasamang Mariano Orosa, Tagapangulo ng Pambansang Konseho nito, ang Komprehensibong Kasunduan sa Paggalang sa mga Karapatang Pantao at sa Internasyunal na Makataong Batas sa Pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ng Pambansang Demokratikong Prente ng Pilipinas.

Alinsunod rito, naglabas ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ng deklarasyon para sa isang buwang tigil-putukan na magsisimula sa araw na pagtitibayin ng dalawang prinsipal ang kasunduan. Ngunit hanggang ngayon ay patuloy na ibinibimbin ng prinsipal ng GRP na si Presidente Fidel Ramos ang pagpirma niya rito. Nagpahayag ang rehimen ng kagustuhan nitong magkaroon muna ng walang taning na tigil-putukan bilang kondisyon sa pagpirma ng representate nito. Urongsulong, pabagu-bago at patumpik-tumpik ang rehimen sa desisyong pagtibayin ang kasunduan.

Ang naturang kasunduan ang pinakakomprehensibong dokumentong ibinunga ng mahigit na apat na taon nang idinaraos na usapang pangkapayapaan. Una pa lamang ito sa mga kasunduang dapat na maging resulta ng negosasyong may tatlo pang nalalabing adyenda: repormang sosyo-ekonomiko; repormang pampulitika at konstitusyonal; at disposisyon ng mga pwersa. Tiyak na sa pagtalakay sa mga susunod na adyenda ay lalong mag-uurongsulong at magiging pabagu-bago ang pakikitungo ng rehimen, kung hindi man ito tuwirang tumiwalag sa usapang pangkapayapaan.

Mahalaga ang Kasunduan sa Karapatang Pantao at Internasyunal na Makataong Batas dahil makabuluhang tinutugunan nito ang pangangailangang mapangalagaan ang karapatan ng mamamayan sa gitna ng isinusulong na digma. Maaaring gamitin ito para sa kapakanan ng sambayanan at ng rebolusyonaryong kilusan.

Maaaring maging dagdag na sandata at pansuporta ito lalo na sa pagtatanggol sa karapatan-tao ng mamamayan at sa paglalantad sa pasistang pangaabuso ng rehimen sa kondukta nito ng digma.

Palagiang binibigyan ng rebolusyonaryong kilusan ng pinakamataas na pagpapahalaga ang paggalang at paninindigan para sa mga karapatang-tao ng mamamayan. Integral ito sa kondukta ng digmang bayan. Patunay dito ang pagpasok ng PDP sa komprehensibong Kasunduan sa Karapatang Pantao at Internasyunal na Makataong Batas nang walang reserbasyon, kundisyon o limitasyon. Dagdag dito, kusang nagsumite ng Deklarasyon ng Pananagutan sa Pagpapatupad ng Kumbensyon sa Geneva ng 1949 at Protokol 1 ng 1977 ang PDP sa Swiss Federal Council at International Committee of the Red Cross. Higit sa lahat, mahigpit na pinanghahawakan ng mga rebolusyonaryong pwersa ang Tatlong Pangunahing Alintuntunin ng Diisiplina at Walong Punto ng Atensyon bilang gabay sa pang-araw-araw na pagkilos nila sa hanay ng mamamayan.

Patuloy na magpupursige ang PDP at ang rebolusyonaryong kiilusan sa negosasyon alinsunod sa prinsipyo ng paggamit sa lahat ng paraan para maisulong ang pambansa at demokratikong adhikain ng mamamayan. Malinaw sa PDP, PKP at Bagong Hukbong Bayan (BHB) na ang pagpasok sa usapang pangkapayapaan ay alinsunod at hindi salungat sa linya ng pambansademokratikong rebolusyon. Sa lahat ng pagkakataon, buo ang rebolusyonaryong integridad ng PDP, BHB at PKP at hindi ito kailanman sumusuko sa sistemang ligal ng rehimen. Gayundin, kinikilala ng PDP, PKP at BHB na hangga't isinasagawa ito ng itinalagang panel, ang usapang pangkapayapaan ay isang porma ng pakikibakang ligal na napapasailalim sa armadong pakikibaka at kilusang masa.

Natatangi ang usapang pangkapayapaan sa pagpapakilala sa PDP, PKP at BHB bilang kinatawan ng mamamayang Pilipino sa internasyunal na komunidad at kapantay sa rehimen sa ilalim ng batas pandaigdig. Sa kabilang banda, kinikilala ng PDP ang peligro na gagamitin ng rehimen ang usapan para maghasik ng kalituhan sa rebolusyonaryong hanay at ibulid ito sa kapitulasyon. Kung kaya't nagsasagawa ang PDP ng karampatang pagpapaliwanag at paghahanda sa hanay ng mga rebolusyonaryo at maging sa sambayanan hinggil sa katangian at papel ng usapang pangkapayapaan sa buong rebolusyonaryong proseso.

Malinaw sa rebolusyonaryong kilusan ang kontrarebolusyonaryong katangian ng rehimeng US-Ramos. Malinaw din sa kilusan kung aling porma ng pakikibaka ang dapat pangunahin at sekundaryong isulong para makamit ang adhikaing pambansa- demokratiko ng mamamayan. Sa kasalukuyan, maaaring hamunin ang rehimeng US-Ramos na kilalanin ang mga batayang suliraning nagbubunsod ng armadong pakikibaka at sa proseso'y ilantad ang kahungkagan ng "inisyatibang pangkapayaan" ng rehimen. Napipilitang makitungo at makipag-usap ang rehimen sa harap ng pagsulong at pagpapanibangong sigla ng rebolusyonaryong kilusan at ng nagbabadyang protesta at pakikibaka ng mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Abril 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Erap Kontra Mahirap

Mula sa tagapaglathala:
Bagong kapasyahang muling ilathala ang Ang Bayan

Ang pagbabalik ng mga Marcos sa poder
KS: Arestuhin ang mga alipures ng diktador
Rebolusyonaryong Kilusan sa Gitnang Luzon
Pagbangon at Pagpapanibagong-Lakas

Nueva Ecija: Matingkad na Pagsulong
Tungkol sa mga Buladas ng Triong Magdangal-Bill-Olive
Hambalos ng "Globalisasyon" at Krisis sa Manggagawang Pilipino
Rebolusyonaryong Kilusang Lihim sa Pabrika, Sumusulong
25 Taong Tagumpay sa Rebolusyonaryong Nagkakaisang Prente
Paggalang sa karapatang-Tao:
Integral sa kondukta ng digmang-bayan
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.