Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Puspusang ilantad, labanan at ihiwalay ang reaksyunaryo, papet at pasistang rehimeng US-Estrada

 Read this article in English

Mabilis na umiigting ang krisis sa pulitika habang patuloy na rumaragasa ang krisis sosyo-ekonomiko. Ang higanteng aksyong protesta ng malawak na hanay ng mga pwersang progresibo at demokratiko nitong Agosto 20 ay patunay sa matinding diskuntento ng mamamayan, lumalawak na kilusang protesta at umiigting na banggaan ng mga reaksyunaryo. Nasa likod ng mga pangyayaring ito ang napakalalang krisis na ibayo pang pinasasahol ng reaksyunaryo, papet, pasista at maka-Marcos na patakaran ng naghaharing rehimeng US-Estrada.

Tungkulin ng Partido sa ganitong sitwasyon na matatag na pamunuan ang mamamayan sa pamamagitan ng pagmamartsa sa kanilang unahan at pagtuturo sa kanila ng wastong rebolusyonaryong landas. Ubos-kayang labanan ang mga pakana at pananalakay ng rehimeng US-Estrada, isulong ang pakikidigmang gerilya at mga pakikibaka at protestang masa at palawakin ang pagkakaisa ng masa ng sambayanan alinsunod sa linyang anti-imperyalista, antipyudal at antipasista.

UBOS-KAYANG LABANAN ANG MGA PAKANA AT PANANALAKAY NG REHIMENG U.S.-ESTRADA, ISULONG ANG PAKIKIDIGMANG GERILYA AT MGA PAKIKIBAKA AT PROTESTANG MASA AT PALAWAKIN ANG PAGKAKAISA NG MASA NG SAMBAYANAN ALINSUNOD SA LINYANG ANTI-IMPERYALISTA, ANTIPYUDAL AT ANTIPASISTA.

Ang higanteng rali nitong Agosto 20 ay hindi mangyayari kung hindi sa pinagsamang pagsisikap ng malapad na hanay na pinangunahan ng mga pinakarespetadong institusyon at personalidad na malawak ang impluwensya sa petiburgesyang lunsod, at todong mobilisasyon ng mga ligal na progresibong pwersa na bumuo ng pinakamalaking organisadong pulutong.

Pero nasa kaibuturan ng pagtalim ng krisis sa pulitika at pagpapanibagong-sigla ng kilusang protesta ang pagpapanibagong-lakas ng armadong rebolusyon at rebolusyonaryong kilusang masa sa pamamagitan ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Ang muling paglawak at paglakas ng nagsasariling pwersa at pakikibaka ng rebolusyonaryong kilusan ang nagbibigay ng tatag ng loob sa malawak na masa na tumindig at lumaban, ibayong nagpapaigting sa alitan ng mga reaksyunaryo at nagtutulak sa naghaharing rehimen sa mas desperado pang mga hakbang na lalo lamang nagpapabilis sa kanilang pagkakalantad at pagkakahiwalay dahil sa kanilang reaksyunaryo, papet at pasistang paghahari at patakaran.

Kaya matatag tayong magmartsa kasama ang lahat ng mga tunay na progresibo at positibong pwersa. Kaalinsabay, lalo rin nating pag-ibayuhin ang lahatang-panig na pagpapalakas ng rebolusyonaryong kilusan at ang pagtataguyod sa linya ng demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Mahigpit na magkakawing ang mga patakarang ito kahit pilit pinagbabangga ng mga sagadsaring reaksyunaryo at anti-komunista, kabilang ang mga rebisyunista at oportunistang taksil.

NASA KAIBUTURAN NG PAGTALIM NG KRISIS SA PULITIKA AT PAGPAPANIBAGONG-SIGLA NG KILUSANG PROTESTA ANG PAGPAPANIBAGONGLAKAS NG ARMADONG REBOLUSYON AT REBOLUSYONARYONG KILUSANG MASA SA PAMAMAGITAN NG IKALAWANG DAKILANG KILUSANG PAGWAWASTO

Habang umiigting ang krisis sa pulitika, lalong pinaiigting din ng naghaharing rehimeng US-Estrada ang antikomunistang pananakot at pananalakay. Kapansin-pansin ang mga taktikang mapanghati ng naghaharing rehimen sa pamamagitan ng pag-aalok ng kompromiso sa mga reaksyunaryong anti-Estrada at anti-Marcos habang pinupuruhan ng paninira, intriga at marahas na pagsalakay ang rebolusyonaryong kilusan. Kabilang sa huli ang engrandeng militaristang pakanang Oplan Makabayan para sa todong pananalakay at "pagdurog" sa armadong rebolusyon.

Buong-siglang sinasalubong natin ang malaking pagsulong ng kilusang protesta ng mamamayan at ang tumitinding paglaban ng mga reaksyunaryong nilalamangan ng naghaharing rehimeng US-Estrada. Buong-tatag na sinasalubong natin ang pag-igting ng labanan sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon, gayundin sa pagitan ng pasismo at antipasismo, ng maka-Marcos at anti-Marcos, ng maka-Estrada at anti-Estrada. Handa tayong isulong at paigtingin ang malawakang pakikibaka hanggang maibagsak ang naghaharing rehimeng Estrada.

 


 Back to topNext article

00 Hulyo 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Puspusang ilantad, labanan at ihiwalay ang reaksyunaryo, papet at pasistang rehimeng US-Estrada
Agosto 20: Natitipong unos laban sa naghaharing pangkating Estrada
Tatalim ang alitan ng mga reaksyunaryo hinggil sa pagbabago ng konstitusyon
Oplan Makabayan:
Pasistang pakana ng rehimeng US-Estrada

Tugon ng Timog Katagalugan sa Oplan Makabayan:
Taktikal na opensiba, kilusang masa

Ang malupit na hagupit ng liberalisasyon at deregulasyon sa sektor ng pangisda
Ang 'corporative scheme' ni Danding:
Ibayong pahirap sa mga magsasaka

Usaping "coco levy":
Lutong Danding pa rin

Pag-iral ng mga kartel:
Monopolyo sa industriya ng asukal at iba pang pangunahing tanim

Ika-1 ng Oktubre 1999:
Ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng tagumpay ng Rebolusyong Tsino!

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.