![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa usapin ng mga bihag ng digma, lubos na magkasalungat ang pamantayan ng rebolusyonaryong kilusan at ng reaksyunaryong estado. Kung paanong tinatrato nang mahusay ng pambansademokratikong kilusan ayon sa internasyunal na makataong batas sina Maj. Noel Buan at PCI Abelardo Martin, buong kahayupan namang pinahirapan at pinaslang si Kasamang Armando Cerna Jr. (Ka Sixto) ng mga pasistang tropa. Nasugatan sa isang labanan si Ka Sixto. Tinamaan siya sa braso matapos i-reyd ng 5th Scout Ranger Company (SRC) at 49th IB ang tinitigilang bahay ng yunit na kinabibilangan ni Ka Sixto. Naganap ito bandang 5:30 ng umaga nitong Enero 29 sa Sityo Mainaw, Barangay San Antonio, Victoria, Oriental Mindoro. Nang mahuli siya at makilala, iniutos ni 1Lt. Samuel Manzano, pinuno ng 5th SRC na huwag gamutin at hayaang maubusan ng dugo upang mamatay. Dahil nga sa braso lamang ang tama ng kasama, nainip ang pasistang tropa kaya binali ang kanyang leeg upang mapadali ang pagkamatay. Sa pagaakalang patay na si Ka Sixto, itinali siyang parang baboy. Dinala sa poblasyon ng Victoria ang kanyang hubad na katawan at ibinilad sa plaza mula umaga hanggang tanghali. Naghihingalo pa si Ka Sixto nang dalhin ng 5th SRC sa may basurahan upang ipalibing. Subalit bago nagawa ang paglilibing, nahabol ito ng mga myembro ng organisasyon sa karapatangtao at nakuha ang katawan. Nang dalhin ng organisayon si Ka Sixto sa punerarya, tinanggihan ng embalsamador na ayusin ang kanyang katawan dahil gumagalaw pa ito. Sinikap na sagipin ang buhay niya subalit namatay din ang magiting na mandirigma. Nang madakip, malinaw na si Ka Sixto ay hors d'combat (walang kakayahang lumaban) at dapat magtamasa ng karapatang tulad ng isinasaad sa mga internasyunal na batas sa digma. Siya ay biktima ng kalupitan ng rehimen at martir ng rebolusyon. Nangyari man ito, ipagpapatuloy pa rin ng rebolusyonaryong kilusan ang mahusay na pagtrato kina Major Buan at Chief Inspector Martin dahil walang bahid ng pagkukunwari at panlilinlang ang patakaran ng rebolusyonaryong kilusan sa makataong pagtrato sa mga bihag ng digma. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|