Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Karagdagang balita mula sa Kabikulan

 Read this article in English

Patuloy na umaani ng tagumpay ang armadong pakikibaka sa Kabikulan.

Ayon sa pinakahuling pahayag ng Romulo Jallores Command ng Bikol, may 16 pang mga taktikal na opensibang nailunsad mula Setyembre hanggang Nobyembre bukod sa mga dati nang naiulat ng Ang Bayan:

  • Pagsalakay ng isang kumpanya ng BHB sa punong detatsment ng pulisya at munisipyo ng bayan ng Caramoan, Camarines Sur noong Nobyembre 18. Namatay sa reyd ang isang pulis at isang elemento ng CAFGU at nasugatan ang dalawa pang pulis. Nakasamsam ang BHB ng mga armas at iba pang kagamitang pangmilitar, pangkomunikasyon at pangupisina.
  • Pagparusa noong Nobyembre 17 ng isang tim ng BHB kay SPO1 Ronilo Hermosa, isang pusakal na pulis sa Barangay Curbada, Cataingan, Masbate. Bago nito, noong Nobyembre 16 ay pinarusahan din ng BHB sa Masbate ang isang pusakal na pulis na may mabibigat na kasalanan sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan.
  • Pagtambang sa mga tropa ng 202nd Bde na lulan ng isang Kennedy-type na dyip sa Barangay Pe�afrancia, Daraga, Albay noong Nobyembre 13. Tatlong sarhento ang namatay at dalawa pang sundalo ang nasugatan.
  • Pagparusa noong Nobyembre 8 kay T/Sgt. Regino Satur, upisyal sa paniktik ng 203rd Bde, na responsable sa mahabang listahan ng mga krimen laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan, kabilang ang pag-oorganisa ng mga impormer sa mga bayan ng San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Labo, Camarines Norte, pamumuno sa mga operasyong kombat at psywar na naghasik ng lagim at nagwasak ng mga tahanan ng mamamayang pinaghihinalaang mga tagasuporta ng BHB sa mga barangay ng Mahawan-hawan, Benit, Bautista, Iberica, Mabilo II at San Antonio, lahat ng Camarines Norte, at pagiging imbwelto sa mga iligal na sindikato sa droga, sugal at pangangahoy.
  • Pagparusa noong Nobyembre 2 kay Fernando Bernardino, pusakal na impormer na nagsilbing giya sa 31st IB na nagreyd sa kampo ng BHB sa Sitio Maniknik, Pag-asa, Labo, Camarines Norte kung saan limang kasama ang napaslang at tatlo ang nadakip.
  • Pagtambang noong Nobyembre 1 kay SPO1 Antonio Rico Yansana, elemento ng PNP sa Castilla, Sorsogon at pagkumpiska ng kanyang M16, 9 mm na pistola at mga bala.
  • Pagsalakay noong Oktubre 29 sa bahay ni SPO3 Claro Dumalaon sa bayan ng Prieto Diaz, Sorsogon at pagkumpiska ng isang M16 at 9 mm na pistola.
  • Pagparusa kay Manuel Herang, isang impormer, sa Barangay San Isidro, Jose Panganiban, Camarines Norte noong Oktubre 27.
  • Pag-ambus noong Oktubre 24 ng isang iskwad ng BHB kina SPO1 Romeo Pielago at SPO3 Abrajam Sibulo, mga pusakal na elemento ng PNP ng Pasacao, Camarines Sur. Kaagad na namatay ang dalawang pulis sa pananambang at nasamsaman ng dalawang 9 mm na pistola.
  • Pagsalakay ng isang iskwad ng BHB sa bahay ni SPO1 Tomas Halog sa Sorsogon noong Oktubre 17 at pagkumpiska ng isang M16, sampung magasin nito at may 80 bala ng .45.
  • Pagharas noong Oktubre 16 ng isang tim ng BHB sa detatsment ng �C� Coy ng 2nd IB sa Baryo Bato, Bacon, Sorsogon. Isang sundalo ang namatay.
  • Pagtambang ng isang iskwad ng BHB kay T/Sgt. Joel Alarcio, upisyal paniktik ng 2nd IB noong Oktubre 6 sa Barangay Aroroy, Juban, Sorsogon.
  • Pagpaparusa ng BHB noong Setyembre 3 kay German Beruega, aktibong elemento ng CAFGU at kabilang sa �A� Coy ng 42nd IB na kumikilos sa Panaytayan, Ragay, Camarines Sur.
  • Pagtambang kay SPO2 Agapito Milor at pagkumpiska sa kanyang .45 sa Castilla, Sorsogon noong Setyembre.
  •  


    Previous articleBack to top 

Disyembre 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Iluwal sa pagpasok ng 2001 ang makapangyarihang unos na magwawakas sa rehimeng US-Estrada

Mga sipi:
Pakilusin ang malawak na masa ng sambayanan upang igawad ang pamatay na dagok sa rehimeng Estrada �Armando Liwanag

Rehimeng Estrada: nasa bingit ng kamatayan:
Mabilis na pagsadsad ng krisis ng ekonomya

Rehimeng Estrada sa bingit ng kamatayan:
Papet, bulok, pasista

PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO
Kaguluhan sa mga malakolonya
Liga ng mga pakikibaka ng mamamayan ng daigdig, pinaghahandaan
Mga balita sa pakikibaka
Karagdagang balita mula sa Kabikulan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.