Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat:
Dambuhalang propagandista ng imperyalismo

 Read this article in English

Ilang malalaking kumpanyang masmidya sa US ang walang kahihiyang nagsisilbing tagapagsalita ng militaristang gubyernong Bush

Malaki ang ginagampanang papel ng midya sa pagpapalaganap ng imperyalista at reaksyunaryong pananaw at paninindigan. Malinaw ito sa ginawang coverage ng pinakamalalaking media network sa US sa "gera kontra-terorismo" sa pangkalahatan at sa pananalakay ng US sa Iraq noong Marso sa partikular.

Sa parehong pagkakataon, mahusay na nagamit ng Pentagon at Central Intelligence Agency (CIA) ang malalaking media network na ito � mula telebisyon at radyo hanggang dyaryo at internet � bilang katuwang sa pagpapalaganap ng sarisaring disimpormasyon at hakahaka at "linisin" (sanitize) ang parusang dala ng imperyalistang gera sa buhay at kabuhayan ng mamamayang Iraqi.

Ang mga reporter na embedded o nakasanib sa mga yunit-militar ng US ay nagsilbing mga tagapagsalita ng naturang mga yunit. Sa pamamagitan nila, sinalamin ng 24 oras araw-araw na coverage ng mga dambuhalang media outlet ang kalkuladong propaganda ng CIA at Pentagon. Pinalakpakan ng Fox News, CNN at MSNBC ang bawat maliit na aksyon ng mga sundalong Amerikano sa Iraq at nilimita ang pag-uulat sa mga opinyon at pangyayaring sumasalungat sa upisyal na bersyon ng CIA at Pentagon. Naging daluyan ang mga ito ng pinakamasasahol na porma ng propaganda ng CIA at Pentagon, kabilang ang mga mala-pelikulang iskrip at palabas (Tingnan ang kaugnay na artikulo).

Sa kabilang banda, ginamit ng mga media network ang kanilang "matalik" na relasyon sa mga tropang Amerikano upang tuluy-tuloy na magpalabas ng mga footage na sensationalized at ngayon lamang makikita kaugnay ng mga piling pangyayari at pahayag ng mga upisyal-militar sa pag-asang makalamang sa kani-kanilang mga karibal at makaakit ng mas marami pang manonood at mambabasang walang kamalay-malay.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Hunyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ibayong inaarmasan ng US ang rehimeng Arroyo

Mas malaking palagiang presensyang militar, itinutulak ng US
Sa kabila ng tigil-putukan:
Patuloy ang atake ng AFP sa MILF

Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay sa rebolusyong agraryo, inaani sa Samar

Sa Ibayong Dagat:
Kasinungalingan sa likod ng gera sa Iraq

Sa Ibayong Dagat:
Bagong planong nukleyar ni Bush

Sa Ibayong Dagat:
Dambuhalang propagandista ng imperyalismo
Sa Ibayong Dagat:
Mga sundalong British, nantortyur ng mga Iraqi

Sa Ibayong Dagat:
Parang pelikulang Rambo

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.