Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bilateral na kasunduan, niluluto nina Bush at GMA

 Read this article in English

Tuluy-tuloy na itinutulak ng imperyalismong US ang "globalisasyon ng malayang pamilihan" sa iba't ibang paraan upang maisulong ang pang-ekonomyang hegemonya nito sa daigdig. Tuluy-tuloy itong nambabraso upang itulak ang mga pandaigdigang kasunduan sa balangkas ng General Agreement on Tariffs and Trade/World Trade Organization (GATT/WTO). Kasabay nito, nagmamaniobra ang US upang ilatag at patatagin ang mga bilateral at rehiyunal na mga kasunduan sa pagitan nito at ng iba't ibang bansa. Sa pamamagitan ng gayong mga kasunduan ilulusot ng US at mga papet nitong rehimen ang ibayong liberalisasyon sa kalakalan at pamumuhunan.

Lalong naging makabuluhan para sa imperyalismong US ang pagpapabilis sa pagbubuo ng mga bilateral at rehiyunal na kasunduan at pagpapahigpit sa umiiral nang mga kasunduan sa gayong antas sa harap ng pagbagsak ng pag-uusap ng WTO sa Cancun, Mexico. Sa pakikipagkasundo ng US sa mga rehiyon at bansa, layunin nitong palambutin ang pusisyon ng mga tumutol at bumigo sa mga panukala ng US sa Cancun, at makamit pa rin ang mga adyenda sa likod ng mga panukalang ito. Sa gayon, tuluy-tuloy na itong makapandadambong sa mundo.

Kabilang ang mga ito sa adyenda ni Bush sa paspasang pag-ikot sa Southeast Asia at pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand. Mayor na adyenda rin ni Bush ang pangangampanya ng patuloy at higit na suporta ng mga alyado at papet ng US sa "gerang anti-terorista" at pagsusuhay ng mga ito sa humihirap na okupasyon ng US sa Iraq.

Sa Pilipinas, ang bilateral na kasunduang binabalak ay hindi nalalayo sa Laurel-Langley Agreement noong 1954 at Bell Trade Act ng 1946. Bibigyan ng bilateral na kasunduang ito ng kapantay na karapatan ang mga dayuhan, sa partikular ang mga Amerikanong monopolyong korporasyon, na buung-buong magmay-ari ng mga negosyo at lupain at magkaroon ng kontrol sa iba�t ibang aspeto ng ekonomya.

Noon pa mang nakaraang taon ay iginigiit na ng mga higanteng korporasyong Amerikano ang pagkakaroon ng komprehensibong bilateral na kasunduan para sa "malayang kalakalan" sa pagitan ng US at Pilipinas. Noong Abril 2002, pinirmahan ang Business Framework Agreement (BFA) sa pagitan ng US-Philippines Business Committee at US ASEAN Business Council sa isang panig at, sa kabilang panig, ng RP-US Business Council na aktibong nagtulak para mabuo ang komprehensibong kasunduang ito. Habang wala pa ito, ang BFA ang tatayong kasunduan para sa �malayang kalakalan� na sumasaklaw sa sumusunod:

  1. Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan
  2. Liberalisasyon ng airlines industry
  3. Deregulasyon ng sektor ng enerhiya
  4. Deregulasyon ng mga negosyong nakatutok sa e-commerce tulad ng call centers
  5. Pagtutulak ng genetically-modified organisms (GMO) sa sektor ng agrikultura
  6. Pagpapalakas ng turismo

Kabilang sa US-Philippines Business Council ang ilan sa mga higanteng korporasyong Amerikano tulad ng AOL Time Warner, Boeing Company, British Petroleum, Chevron Texaco, Federal Express, Kellogg Brown & Root, Monsanto Company, Motorola, Unisys at United Technologies Corporation.

Ang mga korporasyong katulad nito ang pangunahing makikinabang sa isang kasunduan para sa kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng US at Pilipinas. Itinutulak din ng mga korporasyong ito ang mga pagbabago sa konstitusyon upang alisin ang mga probisyon na nagdedeklara ng proteksyon sa pambansang patrimonya.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Oktubre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Hepeng imperyalista at terorista, itinakwil ng sambayanang Pilipino

Nagliliyab na mga protesta, sumalubong kay Bush
Bilateral na kasunduan, niluluto nina Bush at GMA
Mga Ulat Koresponsal:
Mga aral at tagumpay sa pakikibakang agraryo sa Isabela

Mga Ulat Koresponsal:
Bigo ang �Orgullo� Brigade sa Bicol

Mga Ulat Koresponsal:
Pagtutol ng mamamayan sa SOT sa Cordillera

Mga Ulat Koresponsal:
Ang kwento sa likod ng reyd sa Oras, Eastern Samar

Usapang pangkapayapaan ng NDF at GRP, muling bubuksan
Dalawang bagong aklat ni Ka Joema, inilunsad
Tangkang ekstorsyon ng Malakanyang, ibinunyag ng Fraport
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Mga Tampok na Opensiba

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.