Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sumusulong ang rebolusyong agraryo sa Central Luzon

 Read this article in English

Makabuluhan na ang mga tagumpay na natamo ng masang magsasaka sa pagsusulong ng mga pakikibakang antipyudal sa Central Luzon.

Partikular sa Nueva Ecija, nagsimula nang sumaklaw sa buong prubinsya ang iba't ibang kampanya sa pagpapababa ng upa sa lupa, paglaban sa usura, pagpapataas sa sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapababa ng upa sa makinarya at pagpapataas ng presyo ng kamatis, palay at iba pang produkto ng magsasaka.

Aabot sa mahigit 4,000 manggagawang bukid sa 13 baryo sa tatlong bayan ang nakinabang sa mga kampanyang ito.

Pinakamasigla ang pakikibakang agraryo sa isang tipak ng anim na bayan sa prubinsya. Sa isang bayan dito, siyam na ektaryang lupa ng panginoong maylupa ang pinusisyunan ng walong magsasaka. Ilang taong hindi nakilusan ang lugar kaya natigil ang paglulunsad ng mga pakikibakang agraryo roon. Subalit nang maisaayos muli ang organisasyong masa ay muli ring bumwelo ang mga rebolusyonaryong pagkilos, laluna ang pakikibakang antipyudal. Naibaba nang mahigit 50% ang tantos ng usura bunga ng tagumpay sa paglaban sa malaking usurero-komersyante sa lugar na dating nagpapautang nang may 30% interes kada buwan. Tatlong magkakanugnog na baryo ang kumilos para rito.

Napababa rin ang upa sa traktora mula sa P2,000-P2,200 tungong P1,800 kada ektarya. Umabot sa 70 ektarya ang sinaklaw nito noong Nobyembre 2003 at 70 magsasaka ang nabiyayaan.

Sa Nueva Ecija at iba pang lugar sa Central Luzon, kaakibat din ng mga pakikibakang agraryo ang pakikibaka laban sa militarisasyon.

Sa dalawa pang bayan dito, 3,150 manggagawang bukid ang nakinabang nang maitaas ang sahod mula P1,200 kada ektarya sa 15 kataong magtatanim (14 manggagawang bukid at isang kabesilya) tungong P1,400-P1,500 kada ektarya. Naipatupad ito sa walong baryo. Tinatayang di bababa sa 2,000 ektarya ang saklaw ng sakahang tinatamnan ng mga nabiyayaang manggagawang bukid.

Isang malawak na patubig naman sa isang baryo ang sama-samang isinaayos ng may 100 kasapi ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid. Aabot sa daang ektarya ang nagkaroon ng patubig.

Sa Nueva Ecija at iba pang lugar sa Central Luzon, kaakibat din ng mga pakikibakang agraryo ang pakikibaka laban sa militarisasyon. Dahil tagapagtanggol ng mga panginoong maylupa at iba pang mapagsamantalang uri ang reaksyunaryong militar, sabay na nilalabanan din ng masang magsasaka ang pandarahas at pamiminsala ng AFP sa simula, sa gitna at matapos ang mga kampanyang antipyudal.

Iba pang prubinsya. Sa Bulacan, naisulong ang pagpapababa ng pasahe ng sitaw, naitaas ang presyo ng uling, napusisyunan ang ilang lupang tiwangwang at nilabanan ang pagpapalayas ng panginoong maylupa. May nailunsad ring organisadong pangangapa (panghuhuli ng isda o hipon sa pamamagitan ng mga kamay), pagpapataas ng sustento o sahod ng bantay-palaisdaan mula P3,000 tungong P4,500, pagtataas ng upa sa mananambak mula P120 tungong P150.

Sa Pampanga, naisulong ang pakikibaka para sa pagtataas ng presyo ng produkto ng mga Aetang nagkakaingin. Patuloy ding ikinakampanya sa kabundukan ang pagtatanim at produksyon ng palay.

Naipagtagumpay naman ng mga magsasaka sa isang baryo ang pananatili sa lupang dati na nilang napusisyunan kahit natayuan na ng isang mamahaling subdibisyon ang iba pang bahagi ng lupa. Samantala, patuloy pa rin ang rehabilitasyon sa lupang natambakan ng lahar nang pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991. Mula sa dating 80 ektarya, aabot na sa 200 ektarya ang natanggalan ng buhangin at maaari nang ihanda para muling masaka. Naitutuloy din ang laban sa ilang baryo sa walang habas na quarrying (paghahakot) ng buhangin na nagreresulta sa pagkatuyo ng tubig para sa mga sakahan.

Sa Tarlac, naitaas ang parte ng mga kasam� sa isang panginoong maylupa mula sa dating 50-50 tungong 75-25 at naibigay ang iba pa nilang mga kahilingan. Pinusisyunan din ng mga magsasaka ang lupain ng isang absentee landlord. Isa pang grupo ng may 100 magsasaka ang umokupa sa tiwangwang na lupa. May nailunsad ring pakikibaka para di magbayad sa lupang residensyal na kinamkam lamang ng isang panginoong maylupa, at pakikibaka laban sa pangangamkam sa komunal na pisqueria o palaisdaan.

Organisado namang nabawi ng 56 pamilya sa Zambales ang 480 ektaryang kinamkam ng mga panginoong maylupa mula sa masa. Tuloy pa rin ang kampanyang bayanihan sa pagpapalawak ng gasak para sa pagtataas ng antas ng produksyon at kabuhayan ng masa. Matagumpay na nakipagnegosasyon ang mga maralitang magsasaka sa maliliit na panginoong maylupa sa balak nitong pagsasara ng daan sa bukid. Mayroon ding okupasyon sa apat na ektaryang lupain ng absentee landlord. Ginawa itong komunal na sakahan ng 22 magsasaka. Inokupa rin ng mga magsasaka ang lupaing pag-aari ng dalawang panginoong maylupa.

Sa Bataan, naitaas ang presyo ng mga produkto ng masang Aeta. Nasimulan na sa ilang lugar ang pagpaparami ng mga binhi ng palay-bundok at gabi para makapagtanim pa nito. Nariyan din ang pagsasaayos ng patubig sa pamamagitan ng paggawa ng maliit na dam upang mapaahon sa bukid ang tubig, at nagawang biguin ang pagtatangkang palayasin sa kanilang pusisyon ang 15 magsasaka.

Ang ilang anyo ng nailunsad na rebolusyong agraryo sa Aurora ay ang suyuan sa pagtatabas at pagkakaingin, pagsasagawa ng komunal na pagsasaka at pagpusisyon sa lupang tiwangwang kung saan 300 pamilya ang nakinabang.

Panimula pa lamang ang naturang mga tagumpay. Patuloy ang pagsisikap ng rebolusyonaryong kilusan sa Central Luzon na palawakin pa ang saklaw ng rebolusyong agraryo sa buong rehiyon upang matugunan ang mga problema at mithiin ng masang magsasaka at maging matibay silang moog ng rebolusyon.


Ang pagbubuod na ito ng mga kampanyang antipyudal ay hango sa mga ulat ng Himagsik, rebolusyonaryong pahayagan ng Central Luzon.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Hulyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Hungkag at mapanlinlang ang 10-puntong programa ng rehimeng Arroyo

Ikatlong round ng usapang pangkapayapaan, nakakadismaya-JMS
Adyenda ng US ang planong pag-amyenda sa konstitusyon
Mga aral sa kampanyang militar ng BHB sa Panay
Sumusulong ang rebolusyong agraryo sa Central Luzon
Ka Argie: Mandirigmang medik, dentista at siruhano
Sistema ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng Arroyo
Sistema ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng Arroyo:
Pondo ng pasista

Sistema ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng Arroyo:
Mga palabas ni Arroyo

Sa Ibayong Dagat:
Papet na gubyerno, itinayo ng US sa Iraq

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.