Ang pagbabalik ng mga Marcos sa poderKasabay ng pagpasok ni Joseph Estrada sa Malakanyang bilang bagong reaksyunaryong presidente ang kawan ng mga alipures at kroni ng dating diktador na si Marcos.
Nangunguna sa mga ito sina Bongbong at Imee, mga anak ni Marcos, na nahalal bilang Gobernador at Representante sa Kongreso ng Ilocos Norte.
Bukod sa mga ito, may mga hihirangin si Estrada sa kanyang Gabinete na mga prominenteng tauhan ng diktadurang Marcos. Si Estrada mismo at Edgardo Angara, na tumakbo para bise presidente sa ilalim ng partido ni Estrada, ay pawang mga alipures ni Marcos noon. Ang isa sa pangunahing nagpinansya at sumuporta sa kandidatura ni Estrada ay si Danding Cojuangco, numero unong kroni ni Marcos.
Ang panunumbalik ng mga alipures ni Marcos ay nagbibigay-daan sa kanilang pagbawi sa yamang sinekwester ng pamahalaan noong 1986. Unanguna na rito ang pag-aaring bono (shares of stock) ni Cojuangco sa San Miguel Corporation (SMC) na magbibigay muli sa kanya ng mayoryang kontrol sa SMC.
Lumalaki rin ang posibilidad na ang nakaw na yaman ng mga Marcos ay muling mababawi ng kanyang pamilya. Pinagpaplanuhan na ang paguurong ng mga demanda laban kay Imelda Marcos na nakabimbin sa mga korte. Kapag nabawi ng pamilyang Marcos ang kayamanang ito, tiyak na maiipit ang kompensasyon para sa mga biktima ng pasistang pang-aabuso sa ilalim ng diktadura.
Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng iba�t ibang sektor, iginigiit ni Estrada na bigyan ng libing ng bayani ang pasistang diktador. Hindi niya lamang gustong ilibing sa limot ang walang katulad na mga krimen sa bayan ng pasistang diktador at ang libu-libong direktang biktima ng mga pasistang pag-abuso na di pa nabibigyan ng katarungan. Ginagamit pa ang libing para buhayin at mobilisahin ang mga loyalistang Marcos sa loob at labas ng burukrasyang militar at sibil.
|