Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Makatao ang pangangalaga ng BHB sa mga prisoner of war

 Read this article in English

Ipinamalas ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang mataas na disiplina bilang rebolusyonaryong hukbo sa kakayahan nitong mahusay na alagaan ang mga bihag ng digma (POW o prisoner of war) at sa ligtas at maayos na pagpapalaya sa kanila nitong Agosto 18.

Sa loob ng halos anim na buwan, inalagaan at iginalang ng Romulo Jallores Command (RJC) sina Lt. Ronaldo Fidelino at Pfc. Ronnel Neme�o alinsunod sa mga alituntunin ng BHB, mga batas ng rebolusyonaryong gubyernong bayan, mga kaukulang probisyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at mga pandaigdigang alituntunin sa digmaan kabilang ang Geneva Conventions.

Matapos sila mabihag, inilinaw agad ng RJC kina Fidelino at Neme�o ang kanilang mga karapatan alinsunod sa mga alituntunin ng BHB. Sa abot ng nakaya ng RJC, tiniyak nito na maayos ang kalusugan, pagkain at kundisyon ng dalawa sa lahat ng pagkakataon. Sinikap din ng RJC na agad silang mapalaya.

Ang makataong pagtrato ng BHB sa mga POW ay taliwas sa patakaran at gawi ng teroristang imperyalismong US at rehimeng Arroyo na walang pakundangang lumalapastangan sa mga karapatang-tao at sa mga batas ng digmaan.

Ang mga Pulang mandirigmang hors de combat (wala na sa katayuang lumaban) na nahuhuli ng AFP sa labanan ay karaniwang tinotoryur at tuluyang pinapatay. Ang mga binubuhay ay itinuturing at tinatratong parang hayop. Sinasampahan sila ng mga kasong kriminal at ilang taong ibinibimbin sa mga di makataong kundisyon sa loob ng masisikip na kulungan.

Ang mahusay na pangangalaga at maayos na pagpapalaya ng BHB sa mga POW ay isang aktong taliwas sa terorismo. Alinsunod ito sa layuning gawing sibilisado at makatao ang kondukta ng kasalukuyang digmaang sibil sa Pilipinas at ipatupad ang mga alituntunin at patakarang halaw sa kasaysayan ng digmaan sa buong mundo.

Sa pagsulong ng digmang bayan, tiyak na mayroon pang ibang tauhan ng AFP at PNP na mabibihag ng BHB. Katulad ni Fidelino at Neme�o, ang iba pang mga mabibihag ng BHB ay tatamasa ng mga karapatan bilang mga POW.

Tinitiyak ng BHB sa lahat ng mga sundalo at pulis na gagalangin ang kanilang mga karapatan kung sakaling mabihag sila sa labanan. Kung kaya't mas mabuti pa para sa kanila ang kusang sumuko kung masukol sila sa labanan kaysa isapanganib ang kanilang buhay para sa digmang nagsisilbi lamang sa interes ng bulok at mapang-aping naghaharing sistema.

Bibigyang-katiyakan din ng BHB ang maagap na pagpapalaya sa lahat ng nabibihag nito hangga't wala silang mabibigat na kasalanan sa mamamayan.

Ang isinagawang pagpapalaya ng BHB sa mga POW ay bahagi ng mga obligasyon nitong nakasaad sa CARHRIHL, ang kasunduang pinirmahan ng NDF at ng GRP (Gubyerno ng Republika ng Pilipinas).

Inaasahan ng mga rebolusyonaryong pwersa at ng sambayanang Pilipino na ang pagpapalaya sa mga POW ay tutumbasan ng GRP ng pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal at pagtupad sa iba pang mga obligasyon nito sa usapang pangkapayapaan.

 


 Back to topNext article

21 Agosto 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Makatao ang pangangalaga ng BHB sa mga prisoner of war
Tagumpay ang maayos at ligtas na pagpapalaya sa mga bihag ng digma
Mahigit 100 kaso, isinampa sa JMC
Pamilya, iligal na ikinulong
Usapang pangkapayapaan, ipinagpaliban
Sistematikong pagsisinungaling ng AFP
Ang rebolusyonaryong peryodismo, ayon kay Manong Tony Zumel
Panunuhol at pambabraso sa WTO
Sa kunwaring paglutas ng US sa kaguluhan sa Sudan
Kontrol sa langis ang tunay na pakay

Sa kunwaring paglutas ng US sa kaguluhan sa Sudan
Ang matinding kaguluhan sa Darfur

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.