![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nagpakana ang Malakanyang ng sarisaring panlilinlang para pagtakpan ang totoong mga pangyayari sa Mindanao at may maibalitang kaiga-igaya ang midya kaugnay ng isang linggong dalaw ni Gloria Macapagal-Arroyo doon nitong Hunyo. Pinakamatingkad rito ang pagpapalabas ng Malakanyang ng gawa-gawang sulat mula raw kay Hashim Salamat, tserman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagsasaad na kusa umanong hindi kikilos ang MILF sa dalawang bayan sa Maguindanao (Pagalungan at SK Pendatun) at isang bayan sa North Cotabato (Pikit) upang maging "sona ng kapayapaan" ang naturang mga lugar. Binasa ang sulat nang pumunta si Gloria Macapagal-Arroyo sa Pagalungan, Maguindanao. Subalit sa isang panayam sa radyo, mariing itinanggi ni Mohagher Iqbal, chief information officer ng MILF, na
Ang pagdedeklara ng mga "sona ng kapayapaan" ay dati nang taktika ng reaksyunaryong gubyerno para maling ilarawan na ang anumang karahasan sa isang lugar ay pawang nagmumula sa mga rebolusyonaryong pwersa tulad ng BHB at MILF. Isa itong malaking ipokrisiya dahil habang pinagbabawalang pumasok sa lugar ang mga rebolusyonaryo, libre pa ring pumasok ang AFP para maghasik ng takot at labagin ang mga karapatang-tao ng mamamayan. Sa kanyang panayam, idineklara ni Iqbal na paiigtingin pa ng MILF ang mga opensiba nito dahil pinag-ibayong operasyong militar ang naging tugon ng rehimeng Arroyo. Ito ay sa kabila ng pagpapaunlak ng MILF sa kahilingan ng mga tagapagtaguyod ng kapayapaan na magdeklara ng tigil-putukan mula Hunyo 2 hanggang Hunyo 12, na pinalawig pa hanggang Hunyo 22. Bago dumating si Arroyo ay sapilitang pinaalis ang internal refugees mula sa iba't ibang evacuation center kahit hindi pa humuhupa ang mga pananalakay ng AFP sa mga lugar na kanilang nilikas. Binigyan naman ng dagdag na pagkain ang mga naiwan bilang pakitang-tao. Agad itong nahinto pag-alis ni Arroyo. Mismong ang DSWD ay nag-ulat na umaabot na sa 215 ang bilang ng mga sibilyang namamatay sa walang humpay na mga operasyon ng AFP laban sa MILF at mamamayang Moro. Sa mga kaswalting ito, 43 o 20% ay mga batang edad 10 taon pababa na namatay sa tigdas, pulmonya, pagtatae at kakulangan ng tubig sa katawan (dehydration), karamihan sa mga evacuation center. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|