![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nagdaos ng People's Summit (Kataastaasang Kapulungan ng Mamamayan) ang iba't ibang militante at progresibong organisasyong masa para tasahin ang kalagayan ng bayan at tukuyin at pagkaisahan ang igigiit na kahilingan ng masang naghihirap. Ginanap ang patitipon noong Hulyo 19, 2001 sa Film Center, UP Diliman, Quezon City. Ang deklarasyong pinagtibay rito ay inihapag sa pagbubukas ng ika-12 Kongreso para itapat sa state of the nation address ni Macapagal-Arroyo. Isang mainam na bagay ang pangkalahatang deklarasyong binuo ng People's Summit. Malinaw na tinukoy nito ang mga mahigpit na kinakailangang ipaglaban ng mamamayan para sa kanilang kagyat na benepisyo at panimulang lunas sa harap ng mga hagupit ng umiiral na sistemang panlipunan at dala-dala nitong krisis. Ang mga ito ang lalamnin ng mga pang-araw-araw na laban ng mamamayan. Mahalagang maiugnay ang mga pang-araw-araw na laban sa mga estratehikong usapin na nilalaman ng pangmatagalang laban ng mamamayan. Sa anim na buwang nakalipas, tuluy-tuloy ang pagbulusok ng ekonomya. Tumataas ang presyo ng mga serbisyo't bilihin habang bumabagsak ang halaga ng sahod. Tulad ng mga naunang gubyerno, itinataguyod ng pamahalaang Macapagal-Arroyo ang mga patakaran ng imperyalistang globalisasyon na nagdudulot ng napakalaking pinsala sa ating bayan. Sa halip na itakwil, ipinagpapatuloy pa nito ang mga bigo at kontra-mamamayang patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon. Inuuna nito ang interes ng dayuhang monopolyo kapital, mga dambuhalang negosyong lokal at malalaking panginoong maylupa bago ang interes ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang inaapi at pinagsasamantalahang uri. Walang makabuluhang repormang pang-ekonomya ang bagong pamahalaan. Wala itong maibigay na kahit kagyat o pansamantalang lunas man lamang sa kahirapan ng mamamayan. Sa halip, pinagkakaabalahan nito ang mga pakitang-taong hakbang na naglalayong makabig ang suporta ng mga maka-Erap sa masa. Ang matinding karukhaan ng masa ay pinabibigat pa ng kawalan ng hustisya at tuluy-tuloy na paglabag sa mga karapatang-tao. Halos ipagbawal na ang welga at pagtatayo ng mga unyon sa mga pabrika. Bagamat wala na raw ang patakarang "todo-gera" ng rehimeng Estrada, nagpapatuloy sa buong kapuluan ang militarisasyon at mga opensibang militar na labis na sumasalanta sa masa laluna sa kanayunan. Mistulang pinaiiral ang batas militar sa Timog Mindanao sa ngalan ng pagpuksa sa Grupong Abu Sayyaf. Samantala, malabo pang makamit ang katarungan sa mga kasong kriminal laban kina Estrada at kanyang mga kakutsaba. Nakaba-bahala ang mga senyales ng maniobra at pakikipagkompromiso sa kasong ito. Kailangan ding pag-ibayuhin ang pag-uusig sa kaso ng ill-gotten wealth (nakaw na yaman) ng mga Marcos at ng kanilang mga kroni at ng mga paglabag sa karapatang-tao sa panahon ng diktadura. Tunay ngang hindi pa nakakamit ang lubos na katarungan at pagbabago na inaasam sa People Power 2. Kailangan pang pag-ibayuhin ang militante at sama-samang pagkilos para sa mga kagyat at pangmatagalang interes ng sambayanan. Kailangang ipaalala sa pamahalaang Macapagal-Arroyo ang malaking pananagutan nito sa taumbayan. Kung gayon, sa bisa ng PEOPLE'S SUMMIT, isusulong ang sumusunod na kahilingan ng mamamayan:
P125 across-the-board na dagdag sa sahod ng mga pribadong manggagawa P3000 across-the-board na dagdag sa sweldo ng mga kawani ng gubyerno pagkontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo pagtigil sa lahat ng demolisyon, paglulunsad ng on-site relocation at programang pangkabuhayan sa mga maralitang-lunsod paghinto ng lahat ng pagpapalit-gamit ng lupang sakahan at pagtigil sa pagpapalikas ng mga magsasaka pagkilala sa karapatan ng pambansang minorya sa lupang ninuno pagtigil sa liberalisasyon ng kalakalan sa mga produktong agrikultural pagtigil sa mga di-makatarungang singil sa mga migranteng Pilipino pagtigil sa pagbabayad ng mga di-makatarungang utang panlabas at pagtigil sa awtomatikong paglalaan ng pondo na pambayad-utang pagdagdag ng pondo para sa batayang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, pabahay at kalusugan
pagtigil sa militarisasyon sa kanayunan pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal indemnipikasyon ng mga biktima ng paglabag ng karapatang pantao sa panahon ng batas-militar pagpapawalang-bisa sa mga mapanupil na batas pagpapatupad ng CARHRIHL, laluna ang pagbubuo at pagpapaandar sa Joint Monitoring Committee pagtigil sa mga opensibang militar laban sa mamamayang Moro at lansakang paglabag sa mga karapatang-tao at sa Internasyunal na Makataong Batas paggawad ng hustisya at serbisyong ligal para sa mga migranteng bilanggo ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|