Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

I. Dakilang mga tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan

 Read this article in English

Ang kasalukuyang bagong-demokratikong rebolusyon ay pagpapatuloy ng lahat ng mga nagdaang rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Pilipino upang makalaya sa dayuhan at pyudal na paghahari. Ipinagpapatuloy natin ang rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya sa isang bago at mas mataas na antas.

Ang malaking kaibhan ng luma at ng bagong demokratikong rebolusyon ay pinamunuan ng umuusbong na liberal burgesya ang una at ang huli naman ay pinamumunuan ng uring manggagawa ay pinamumunuan ng uring manggagawa sa pamamagitan ng abanteng destakamento nito, ang Partido Komunista ng Pilipinas, nakabatay sa alyansang manggagawa- magsasaka at naglalayong ilatag ang batayan para sa sosyalistang rebolusyon.

Ang pamumuno ng Partido at ng uring manggagawa ay nagbibigay-kakayahan sa sambayanang Pilipino na lutasin ang problema sa lupa, na siyang pangunahing problema ng demokratikong rebolusyon at tupdin ang mga bagong rebolusyonaryong tungkulin sa pandaigdigang panahon ng imperyalismo at proletaryong rebolusyon.

Sa patnubay ng rebolusyonaryong syensya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, naitakda ng Partido ang wastong rebolusyonaryong linya sa uri, ang pangkalahatang linyang pampulitika at ang estratehikong linya ng matagalang digmang bayan. Sa gayon, ang BHB ay nakasulong na mula sa Katipunan at Rebolusyonaryong Hukbo ng Pilipinas ng lumang demokratikong rebolusyon.

Nahigitan ng BHB ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon at ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan dahil mula 1969 ay inilinaw ng ating Partido nang higit kailanman sa nakaraan ang mga batayang kundisyon, katangian, mga motibong pwersa, mga kaaway, mga yugto at mga tungkulin ng rebolusyong Pilipino. Naitakwil na natin ang rebisyunismo at oportunismo ng lumang pinagsanib na partidong komunista at sosyalista.

Nagagap natin ang mga saligang turo ni Kasamang Mao hinggil sa estratehiya at mga taktika ng matagalang digmang bayan sa mga kalagayang malakolonyal at malapyudal. Kasabay nito, nakahalaw tayo ng mga aral mula sa ating sariling karanasan at nakapag-ambag sa ibayo pang pag-unlad ng teorya at praktika ng matagalang digmang bayan.

Ang BHB ay siya ngayong pinakamakapangyarihang rebolusyonaryong hukbo sa buong kasaysayan ng sambayanang Pilipino. Nahigitan na nito ang lahat ng dating rebolusyonaryong pwersa sa Pilipinas sa usapin ng pambansang saklaw at malalim na pagkakaugat sa masang manggagawa at magsasaka. Nakamit na paggawa at puspusang pakikibaka alinsunod sa prinsipyo ng pag-asa sa sarili.

Mula sa maliit nitong simulang may 60 mandirigmang may siyam na ripleng awtomatik at 26 na mahihinang baril sa ikalawang distrito ng Tarlac noong 1969, ang BHB ngayon ay may kabuuang bilang na mahigit 20 batalyong armado ng matataas na kalibreng armas, na dinaragdagan ng ilampung libong katao sa mga milisya at mga yunit sa pagtatanggol-sa-sarili. Mula sa 50,000 hanggang 80,000 baseng masa noong 1969, mayroon na tayo ngayong baseng masang bumibilang ng milyun-milyon sa mahigit 80 larangang gerilya na nakalatag sa kabuuan ng bansa.

Naitatag ng BHB ang lakas nito sa pamamagitan ng matapat na pagtalima sa linyang masa at magiting na paglaban sa kaaway. Nasubok ito sa napakaraming ng Partido ang makasaysayang karangalan ng pagtatatag sa Bagong Hukbong Bayan sa pamamagitan ng pagsalig at pagtitiwala sa masa at sa pamamagitan ng masikhay mga labanan at napangibabawan ang napakaraming mga kampanya ng pagsupil na inilunsad ng kaaway laban dito. Nakapagpunyagi at nakapagpalakas ito laban sa lakas-dibisyong mga task force tulad ng Task Force Lawin at Task Force Saranay mula 1969 hanggang 1972, sa 14-taong pasistang diktadura na naglunsad ng mga pambansang kampanya ng pagsupil tulad ng Cadena de Amor at Oplan Katatagan at sa mga pambansang kampanyang Lambat Bitag I, II, III at IV ng mga rehimeng Aquino at Ramos.

Niloloko ng kaaway ang sarili sa pangangalandakang nakamit na nito ang �estratehikong tagumpay� sa panahon ng rehimeng US-Ramos at napahina ang lakas-sandata ng BHB mula sa 25,000 noong 1985 tungo sa 5,000 na lamang noong 1992 bunga ng serye ng mga kampanyang Lambat Bitag. Ang totoo ay mayroon lamang 5,600 malalakas na armas ang BHB noong 1985, bukod sa mahihinang sandatang hawak ng mga milisya at mga yunit sa pagtatanggol-sasarili.

Ang mga kampanya ng kaaway sa pagsupil ay hindi siyang tangi ni pangunahing naging sanhi ng kapansinpansing pagdausdos ng baseng masa at mga taktikal na opensiba ng BHB mula 1988 hanggang 1991. Pangunahing nagamit ng kaaway ang mga kamalian ng rebisyunismo at �Kaliwang� oportunismo na itinulak ng mga rebisyunistang taksil at ayaw magwastong mga oportunistang nagpagamit sa kaaway, hanggang sa ang mga ito ay mapigil ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto na nagsimulang manaig noong 1992. Hindi kinayang wasakin ang BHB kahit nagkataong sumabay ang Lambat Bitag, taglay ang �abanteng deployment�, �gerang mabilis na tinatapos� at �gradual constriction� nito, sa malulubhang �Kaliwa� at Kanang oportunistang pagkakamali at sa madudugong witchhunt na ipinatupad ng mga taksil. Ito ay dahil gaano man kataas ang kanilang katungkulan, hindi kinayang wasakin ng mga rebisyunistang taksil at mga ayaw magwastong oportunista ang Marxista-Leninista- Maoistang pamunuan ng Partido at pundasyon ng BHB.

Hindi nila kinayang ganap na ipataw nang sabay-sabay sa buong Partido at BHB ang kanilang lihis na linya ng �estratehikong kontra-opensiba�, �linyang Pulang Purok-Puting Purok�, �teorya ng pagtatagpo� (convergence theory) at iba-ibang anyo ng insureksyunismo. Ang mga proletaryong rebolusyonaryong kadre at ang mga Pulang kumander at mandirigma ay nagpunyagi sa estratehikong linya ng matagalang digmang bayan at nagsakatuparan sa estratehiya at mga taktika ng pakikidigmang gerilya. Ang paglaki ng BHB, mula sa umpisa at sa panahon ng pasistang diktadura, ay bunga ng maliitang mga opensibang gerilya at hindi dahil sa mga yunit na pinalaki at sinobrahan ng tauhan nang wala sa panahon, na naging pabigat at hiwalay sa masa at madaling ihiwalay at gawing pasibo ng kaaway. Ang pagdami ng mga larangang gerilya, na platun ang siyang relatibong konsentradong sentro de grabidad, at ang kaakibat na pagpapalawak at pagpapatatag ng baseng masa ay nabansot at nadiskaril saan man may mga hindi napapanahong pagbubuo ng mga kumpanya at mga batalyong palagiang nakakonsentra at pagkaligta sa masikhay na gawaing masa at solidong pag-oorganisa sa hanay ng masa na ibinunga nito.

Ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto ay nagkamit ng kahanga-hangang tagumpay dahil sa katatagan at militansya ng mga proletaryong rebolusyonaryong kadre at mga Pulang kumander at mandirigma. Ang BHB ay nabigyan natin ng panibagong oryentasyon, nareorganisa at muling naipakat para sa gawaing masa. Kapag hindi pa maglulunsad ng opensiba, maging ang platun bilang sentro de grabidad ay hindi nakahiwalay sa masa kundi may mas maliit na saklaw para sa pagganap ng gawaing masa kaysa mas maliliit na yunit na sadyang nakapakat sa gawaing masa sa mas malawak na saklaw. Sa gayon, nabawi, napalawak at napatatag natin ang rebolusyonaryong baseng masa. Dagdag pa, tuluy-tuloy nating naparami ang mga taktikal na opensiba alinsunod sa ating kakayahan mula 1996.

Napangibabawan natin ang mga banta noon ng mga ayaw magwastong oportunista at mga rebisyunistang taksil sa buhay ng Partido, ng hukbong bayan at ng buong rebolusyonaryong kilusang masa. Ang BHB ay hindi lamang nakapagpreserba ng sarili kundi nakapagpanibagong- sigla at ibayong nakapagpalakas bilang rebolusyonaryong hukbo para sa pagkamit ng tagumpay ng bagong-demokratiko at sosyalistang rebolusyon sa ika-21 siglo.

Nagapi natin hindi lamang ang mga �Kaliwang� oportunistang puminsala sa BHB sa balatkayo ng pagpapabilis ng tagumpay kundi gayundin ang mga Kanang oportunista (kabilang yaong mga nagpabaling-baling sa �Kaliwa� at Kanan o nag-astang mga sentrista) na buong kawalanghiyaang naglako ng repormismo, rebisyunismo at likidasyunismo. Ang pinakamasasahol sa mga rebisyunistang taksil at mga ayaw magwastong oportunistang ito ay hayagan na ngayong nagpapagamit sa kontra-rebolusyonaryong estado. Natagpuan nila ang katapusan sa pulitika sa rehimeng US-Estrada.

Pare-parehong ginamit ng mga �Kaliwa� at Kanang oportunista ang maling palagay na ang Pilipinas ay hindi na malapyudal sa bigo nilang pagtatangkang ilayo ang rebolusyonaryong kilusan sa estratehikong linya ng matagalang digmang bayan at makapagrekrut para sa linya ng pagkakanulo. Nalantad na sila bilang mga nagdudunung-dunungan bunga ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at ng patuloy na lumulubhang mga kundisyong malakolonyal at malapyudal.

Ang BHB ay nakapagkamit ng makabuluhang mga tagumpay sa pagsasakatuparan sa tatlong integral na mga sangkap ng digmang bayan: armadong pakikibaka, reporma sa lupa at pagbubuo ng baseng masa. Ang lahat ng mga ito ay nasa konteksto ng bagong-demokratikong rebolusyon. Maging ang kaaway ay hayagan na ngayong kumikilala sa di-maipagkakailang katotohanan na ang BHB ay lumakas sa hanay ng masa at nasa pusisyon para bumigwas ng mas nakamamatay na mga dagok sa kanyang mga pwersa.

Nagkamit ang BHB ng maniningning na tagumpay sa mga taktikal na opensiba sa pambansang saklaw, laluna sa Timog Katagalugan, Gitnang Kabisayaan at Mindanao. Makabuluhan ang kabuuang bilang ng mga nasamsam na armas sa lahat ng mga larangang gerilya sa pamamagitan ng mga ambus, reyd at pang-aaresto. Nakasamsam tayo ng makabuluhang bilang ng mga armas mula sa mga reyd, kadalasan nang hindi man lamang nagpapaputok, at mula sa mga ambus na may iba�t ibang laki.

Nakapagreyd tayo at nakahawak ng isang panrehiyong himpilan ng pulisya at nakasamsam ng mahigit 80 malalakas na riple sa Bohol. Nakabihag din tayo ng matataas na mga upisyal ng militar at pulisya, kabilang ang isang heneral, at mahusay na tinrato ang mga ito bilang mga bihag ng digma alinsunod sa mga Kumbensyon sa Geneva at mga protokol nito, di tulad ng reaksyunaryong sandatahang lakas at pulisya na nagtotortyur at pumapatay ng mga bihag mula sa ating panig.

Ang matatagumpay nating mga taktikal na opensiba ay mga pampulitikang pahayag at nakatawag ng pambansa at pandaigdigang pansin. Nasisiyahan ang mamamayan sa mga ito, samantalang ang kaaway ay natataranta, nagpapakalat ng pinaka-di-kapani-paniwalang mga uri ng propaganda at nagpapatindi ng mga pambobomba, sapilitang maramihang pagpapalikas, blokeyo ng pagkain, mga masaker, arbitraryong pang-aaresto, panonortyur at mga pagpatay.

Mula�t sapul, ang rehimeng US-Estrada ay nagpapatupad na ng di-deklaradong batas militar, laluna sa kanayunan. Naglulunsad ito ng malulupit na kampanya ng pagsupil sa ilalim ng tinaguriang Oplan Makabayan, isang kampanyang sumasaklaw sa buong bansa. Tinapos nito ang usapang pangkapayapaan ng GRP at NDFP at isinumpang dudurugin ang rebolusyonaryong kilusan upang bigyang-diin ang kontrarebolusyonaryong linya nito ng todo-todong gera laban sa mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa.

Subalit inihanda tayong mabuti ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto upang labanan nang mas matindi at mas mabisa ang bangkarote at nahihiwalay na rehimen. Ang Partido ay nakapagkonsolida, nakapagpanibagong- sigla at nakapagpalakas sa ideolohiya, pulitika at organisasyon. Napalawak at napatatag ng BHB ang rebolusyonaryong baseng masa sa kanayunan. Masiglang umuunlad ang pambansang nagkakaisang prente.

Nagtagumpay tayo sa pagsusulong ng digmang bayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng reporma sa lupa at pagsasagawa ng masikhay na gawaing masa. Sumasalig tayo pangunahin sa mga maralitang magsasaka at manggagawang bukid, kinakabig ang mga panggitnang magsasaka, ninunyutralisa ang mga mayamang magsasaka at pinag-iiba ang mga naliliwanagan sa mga despotikong panginoong maylupa upang ihiwalay ang huli at wasakin ang kapangyarihan nito sa kanayunan. Ang antipyudal na linyang makauring ito ay isinasakatuparan sa konteksto ng pambansang nagkakaisang prente, na rebolusyonaryo ang katangian dahil ang digmang bayan ang pangunahing sangkap ng pakikibaka sa kasalukuyang mga sirkunstansya.

Itinatatag natin ang baseng masa sa saklaw na walang katulad sa nakaraan. Binubuo at pinauunlad natin ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at ang mga organisasyong masa ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, kababaihan, kabataan, aktibistang pangkultura at mga taong may iba�t ibang katayuan sa buhay. Naglulunsad tayo ng mga kampanyang masa upang itaas ang antas ng edukasyon at kultura ng mamamayan, ipatupad ang reporma sa lupa, paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan, itaguyod ang pangangalaga sa kalusugan at kalinisang pampubliko, sanayin ang milisya at ang mamamayan sa pagtatanggol- sa-sarili, pawiin ang mga antisosyal na aktibidad at palitan ang di-malusog na mga anyo ng libangan ng makatuturang mga anyo.

Bagamat ang kontra-rebolusyonaryong estado ng malalaking kumprador at panginoong maylupa ay nakatrinsera pa sa kalunsuran, binubuo na natin ang demokratikong gubyernong bayan sa anyo ng mga lokal na organo ng kapangyarihang pampulitika na sinusuportahan ng mga organisasyong masa at ng mamamayan sa kabuuan, ipinagtatanggol ng Bagong Hukbong Bayan at pinamumunuan ng Partido. Malaon na nating nakamit ang katayuang nakikidigma (status of belligerency) sa ilalim ng internasyunal na batas batay sa mga tagumpay natin sa digmang bayan at makakamtan makakamtan natin ang pagkilala ng mga bansa sa katayuang ito sa pagkakamit ng mas malalaki pang tagumpay.

Sa paalun-along paraan, patuloy nating pinalalawak ang populasyon at teritoryong nasa ilalim ng demokratikong gubyernong bayan. Marami pang mga larangang gerilya ang binubuo upang punan ang mga patlang sa pagitan ng dati nang mga larangang gerilya. Ibayo nang naaabot ng BHB ang mga bayan at mga mayor na daluyan ng transportasyon at komunikasyon. Habang ang BHB ay tumututok sa pagbubuo at pagpapalakas ng mga larangang gerilya sa kanayunan, ikinokoordina ng Partido ang mga rebolusyonaryong pwersa at pakikibakang masa sa kalunsuran doon sa mga nasa kanayunan. Nanghihikayat at nagtatalaga ito ng mga manggagawa at nakapag-aral na kabataan mula sa kalunsuran upang maglingkod sa hukbong bayan at sa kanayunan.

Minamahal ng malawak na masa ng sambayanan ang Bagong Hukbong Bayan at ang mga Pulang kumander at mandirigma nito dahil ipinaglalaban nila ang rebolusyonaryong adhikain laban sa imperyalismong US at lokal na mga mapagsamantalang uri. Lalo pang tataas ang rebolusyonaryong lakas at prestihiyo ng BHB habang ang lahat ng anyo ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan ay sumusulong.

Dahil sa ating pagpupunyagi at mga tagumpay sa digmang bayan, ang Partido Komunista ng Pilipinas, Bagong Hukbong Bayan at Pambansa- Demokratikong Prente ng Pilipinas (National Democratic Front of the Philippines) ay pawang iginagalang at nagtatamasa ng mataas na antas ng prestihiyo at suporta sa buong daigdig, sa hanay ng mga mamamayan at mga pwersang lumalaban sa imperyalismo at para sa pambansang kalayaan at sosyalismo.

Nakikinabang tayo sa mahabang rebolusyonaryong karanasan at kasalukuyang mga pakikibaka ng proletaryado at mamamayan ng daigdig at nakapag-ambag tayo nang malaki sa adhikain ng pandaigdigang rebolusyong proletaryo. Nakatitiyak tayo na habang isinusulong natin ang sulo ng armadong rebolusyon, marami pang aping mga mamamayan ang mag-aarmas at magrerebolusyon sa gitna ng lumulubhang mga kalagayan ng pang-aapi at pagsasamantala.

 


Previous articleBack to topNext article

29 Marso 2000
Edisyong Pilipino


Ipagtagumpay ang armadong rebolusyon sa ika-21 siglo
I. Dakilang mga tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan
II. Ang krisis ng imperyalismo at ang proletaryong rebolusyon
III. Mabilis na paglubha ng bulok na naghaharing sistema
IV. Pagkakamit ng tagumpay sa digmang bayan
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.