Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Dean Armando Malay:
Isang patriotiko at demokratikong mamamahayag at tagapagtaguyod ng karapatang-tao

 Read this article in English

Nagpupugay ang lahat ng mga rebolusyonaryong pwersa kay Dean Armando Malay. Si Dean Malay ay naging kasapi ng National Democratic Front noong dekada 1980. Isa siyang dakilang tagapagtanggol ng mga kalayaang sibil, nangungunang tagapagtaguyod ng kalayaan at

katotohanan sa pamamahayag at walang-kupas na simbolo ng patriyotismo. Namatay siya noong Mayo 15 sa edad na 89.

Si Dean Malay ay isang bukal ng inspirasyon at tapang sa ligal na demokratikong kilusan sa mahigit tatlong dekadang paglaban para sa katarungan at karapatang-tao noong panahon ng diktadurang US-Marcos at pagkatapos niyon. Kahanay siya ng mga dakilang antipasista tulad nina Lorenzo "Ka Tanny" Ta�ada, Sen. Jose "Ka Pepe" Diokno, Joaquin "Don Chino" Roces at iba pa na nagpamalas ng militansya sa harap ng panlulupig ng pasistang diktadura.

Kabilang si Dean Malay sa mga mamamahayag na nagkamit ng pinakamataas na respeto mula sa mga kapwa mamamahayag at iba't ibang sektor ng mamamayan. Ibinigay sa kanya ang pinakamatataas na gawad bilang mamamahayag, kabilang ang Lifetime Achievement Award mula sa National Press Club, Outstanding Journalists' Award at Distinguished Leadership in Journalism Award. Noong 1994, isa rin siya sa mga tumanggap ng 10 Outstanding Filipinos Award.

Siya ay naging Dean of Student Affairs sa University of the Philippines noong dekada 1960 at nasa katungkulang ito noong sumiklab ang Diliman Commune, isang malawakang pakikibaka at ilang araw na militanteng pagbabarikada ng mga estudyante sa kampus ng UP sa Diliman noong 1970. Pinuri niya ang mga estudyante at sinuportahan ang kanilang kilusan. Magmula noon, hindi na nahiwalay sa kanya ang mapagmahal na taguring "Dean."

Nirespeto siya ng mga estudyante dahil sa kanyang walang pag-iimbot na pagsuporta at paglahok noon sa mga demonstrasyon ng mga estudyante sa loob at labas ng kampus para iprotesta ang mga problema sa eskwelahan at sa lipunan na dulot ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Itinuring ni Dean Malay ang aktibismo ng mga estudyante sa harap ng paniniil ng estado na katumbas ng pakikipaglaban ng mga Katipunero sa harap ng paniniil ng kolonyalistang Espanyol.

Nang ipataw ang batas militar noong 1972, sinuportahan niya ang pakikibaka ng mga estudyante at mamamayan para sa pagpapanumbalik ng mga demokratikong karapatan.

Sumanib siya sa iba pang mga sektor na lumalaban sa pasistang diktadura. Tumulong siya sa pag-oorganisa at naging tagapangulo ng KAPATID, isang organisasyon ng mga kamag-anak at kaibigan ng mga detenidong pulitikal. Naging Pangalawang Tagapangulo rin siya ng SELDA, isang organisasyon ng mga dating detenidong pulitikal.

Isa si Dean Malay sa mga naging patnugot ng WE Forum, ang unang pahayagang bumasag sa pagpapatahimik at monopolyo ng pasistang diktadura sa masmidya, tuluy-tuloy na naglantad sa mga pang-aabuso at kasinungalingan ng diktadurang Marcos at naggumiit na makalabas sa kabila ng puspusang pagsisikap ng diktadura na sikilin ito. Ikinulong si Dean Malay, kasama ang iba pang nasa patnugutan at istap ng WE Forum, at sinampahan ng kasong subersyon noong 1982 dahil sa kanyang mga isinusulat laban sa diktadura kabilang ang paglalantad sa pahayagan ang pagiging peke ng 27 medalya ni Marcos.

Ni isang saglit ay di nawala ang diwang mapanlaban ni Dean Malay. Oras na makalabas sa piitan, kapiling niya ang mga demonstrador na sumisigaw ng pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal at pagwawakas sa diktadurang Marcos. Nang pinaslang noong 1983 ang karibal ni Marcos na si Sen. Benigno Aquino, kasama si Dean Malay sa milyun-milyong mamamayang dumagsa sa lansangan para ipaglaban ang karapatan sa pamamahayag at kalayaan ng sambayanan. Isa siya sa mga namuno sa Nationalist Alliance for Justice, Freedom and Democracy (NAJFD) noong 1984, isang nagkakaisang prente ng mga demokratiko at patriyotikong pwersang lumalaban sa diktadurang Marcos.

Nagtulungan din sila ni Felixberto "Ka Bert" Olalia ng Kilusang Mayo Uno sa pamumuno sa alyansa para sa pagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa at magkatuwang silang naging tagapangulo ng National Alliance for the Protection of Workers Rights.

Mayroong malalim na pag-unawa si Dean Malay sa pangangailangang makibaka para sa pambansang kalayaan. Hanggang kaya ng kanyang katawan, lumahok si Dean Malay sa mga talakayan, protesta at demonstrasyon laban sa mga base militar ng US hanggang noong matagumpay na naisara ang mga ito noong 1991.

Sumapi si Dean Malay sa National Democratic Front, kabilang ang ilan pang prominenteng patriyotiko at demokratikong propesyunal, at aktibong lumahok sa mga pulong, talakayan at pag-aaral. Buung-buo niyang sinuportahan ang paninindigan at pagkilos ng kanyang asawa, ang nauna nang yumaong si Paula Carolina "Ka Ayi" Malay, at mga anak at manugang nila para sa pambansa-demokratikong rebolusyonaryong kilusan.

Kabilang si Dean Malay sa sumuporta sa Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto noong 1992 at aktibong naghikayat sa mga kasama na yakapin at isulong ito.

Lubos na pinahahalagahan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang mga ambag ni Dean Malay sa rebolusyonaryong kilusan. Malalim ang pakikipagkaibigan ng Partido Komunista ng Pilipinas kay Dean Armando Malay. Ang pagkakaibigang ito ay habampanahong pahahalagahan at aalalahanin ng mga rebolusyonaryong Pilipino.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hunyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Arroyo, kandidato ng imperyalismong US sa eleksyong 2004

Kasunduang ilibre ang US sa pag-uusig sa ICC, kinundena
Pakulo sa Mindanao:
Malakanyang nagpakulo ng panlilinlang sa pagdalaw ni Arroyo

Mga Ulat Koresponsal:
Tatlong mahahalagang aral

Mga Ulat Koresponsal:
Pakikibakang agraryo sa Isabela at Cagayan:
Interes sa pautang napababa, presyo ng mais napataas

Matagumpay na opensiba ng BHB:
9 Sundalo ng 52nd Recon Coy, patay sa kontra-opensiba ng BHB

Dean Armando Malay:
Isang patriotiko at demokratikong mamamahayag at tagapagtaguyod ng karapatang-tao
Bihag na sarhento, pinalaya ng BHB
Sa Ibayong Dagat:
Mga bulaan, ibayo nang nalalantad at itinatakwil

Sa Ibayong Dagat:
Marami pang palsipikasyon

Sa Ibayong Dagat:
Paglaban sa US, lumalawak sa Iraq at Afghanistan

Sa Ibayong Dagat:
Kasakiman ng G8 sa Africa

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.