|
Imperyalismong US, nanghihimasok sa eleksyon
Kasalukuyang nasa Pilipinas ang aabot sa 120 ahente ng imperyalismong US upang umano'y imonitor ang eleksyon sa Mayo 10 —isang tahasang panghihimasok sa mga panloob na usapin ng Pilipinas. Bukod sa mga tauhan ng embahada ng US, marami sa mga sinasabing magmamasid ay nagmula sa National Democratic Institute for International Affairs (NDIIA), isang institusyong hawak ng maka-Kanang AFL-CIO, isang pederasyon ng paggawa sa US. Marami rin ang mula sa International Republican Institute (IRI) na hawak ng Republican Party ni US President Bush.
Ang mga ultra-Kanang institusyong ito ay ginagamit na daluyan ng pondo mula sa National Endowment for Democracy (NED) na hawak ng US Central Intelligence Agency (CIA) para sa mga panghihimasok nito sa iba't ibang bansa. Sa pamamagitan ng NED, pinondohan ng CIA ang mga organisasyon sa Haiti noong Pebrero upang pabagsakin si Pres. Jean-Bertrand Aristide. Dito rin pinadadaloy ng US ang pondo para sa mga organisasyong naglulunsad ng mga paglaban kay Hugo Chavez, anti-imperyalistang presidente ng Venezuela.
May maitim na hangarin ang pagpasok ng "US monitoring team" na ito sa Pilipinas. Ang panghihimasok nito sa eleksyon sa Mayo 10 ay gagamitin ng imperyalismong US upang tiyakin ang interes nitong magkaroon ng mahusay na pagsasaayos ng tunggalian ng mga papet na pulitiko at pigilan ang posibleng pagsiklab ng kaguluhan pagkatapos ng eleksyon. Nababahala rin ang US sa posibleng pananalo ng makabuluhang bilang ng mga progresibong partido sa halalan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Mayo 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|