Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Pahayag:
Hinggil sa mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng BHB

 Read this article in English

Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal,
Tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas
Enero 24, 2001

Ngayong pinatalsik na ang rehimeng Estrada, dapat na ring ibasura ang militaristang patakaran at pagpapabaya nito kaugnay ng mga nadakip na tauhan at upisyal ng GRP na nasa pangangalaga ng Bagong Hukbong Bayan. Nasa kamay na ngayon ni Gloria Macapagal-Arroyo ang desisyon kung magbibigay ang GRP ng seryosong atensyon sa usapin ng pagpapalaya ng mga bihag ng digma.

Kung interesado si Macapagal-Arroyo sa pagpapalaya ng mga tauhan nilang sina PCI Abelardo Martin at Army Maj. Noel Buan, nakahanda ang rebolusyonaryong kilusan na makipag-usap sa mga emisaryo ng GRP, tanggapin at positibong aksyunan ang pormal na kahilingan nito para sa pagpapalaya ng mga bihag.

Sa nakaraan, ipinamalas ng rebolusyonaryong kilusan ang kahandaan nitong palayain ang mga bihag ng digma sa pamamagitan ng negosasyon nang palayain nito sina PCI Rene Francisco, Army Sgt. Joaquin Melad at SPO3 Martillano Magtagad noong 1997 at si Brig. Gen. Victor Obillo at Capt. Eduardo Montealto noong 1999. Bilang katugunan sa kahilingan ng Humanitarian and Peace Mission, inilabas ng pamunuan ng NDFP noong Pebrero 11, 2000 ang "Utos sa Pagpapalaya kay Police Chief Inspector Abelardo Martin".

Taliwas sa makataong alok na ito ang ipinakita ng gubyernong Estrada. Sa halip na iutos ang tigilputukan upang bigyang-daan ang pagpapalaya sa mga bihag, iniutos ni Gen. Angelo Reyes at Estrada ang pagtatambak ng 15 batalyon ng AFP sa Timog Katagalugan upang ilunsad ang mapangwasak na "military rescue operation". Hindi ito napagtakpan kahit dalawang ulit pa itong nagdeklara ng huwad na suspension of offensive military operations noong nakaraang taon.

Gayundin, taliwas sa mahusay na pangangalaga ng BHB sa mga bihag at pagkilala sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng internasyunal na makataong batas, ipinatutupad ng AFP ang patakaran ng pagtortyur at pagpatay sa mga bihag katulad ng kaso ni Armando "Ka Sixto" Cerna sa Mindoro noong Enero 2000 at ni Godofredo "Ka Paking" Guimbaolibot sa Compostela Valley noong Agosto 1999.

Upang mapalaya ang mga bihag ng digma, kinakailangang iwaksi ni Macapagal-Arroyo ang militaristang kaisipan ni Estrada at Gen. Angelo Reyes. Kailangan niyang unawain na mabibigo ang anumang "military rescue operation" katulad ng pagkabigo ni Estrada at General Reyes; at na mapapalaya lamang ang mga bihag ng digma sa pamamagitan ng negosasyon alinsunod sa mga internasyunal na makataong batas at alituntunin sa digmaan; at sa mga prinsipyo at mga panuntunang pinagkaisahan ng NDFP at GRP nang isinakatuparan ang pagpapalaya sa mga bihag ng digma ng BHB mula noong 1997.

Si Buan ay nasasakdal sa hukumang bayan para sa kaso ng pang-eespiya at mga war crime. Nahaharap din si Martin sa mga reklamong isinampa ng masa sa Dolores, Quezon, kung saan siya noo�y tumayong hepe ng PNP. Pormal nang nasimulan noong nakaraang taon ang proseso ng imbestigasyon, pagsasampa ng kaso at paglilitis.

Gayunpaman, nasa kapasyahan ng mga rebolusyonaryong organo ng demokratikong gubyernong bayan kung ipagpapatuloy o isusupinde ang prosesong ito upang bigyang-daan ang negosasyon at pagpapalaya ng mga bihag sa batayang makatao. Maaari rin itong bigyang kunsiderasyon sa layuning pampulitika tulad ng pagsisilbing isang confidence building measure para sa negosasyong pangkapayapaan. Magsisilbi rin sa ganitong layunin kung palalayain ni Macapagal-Arroyo ang mga bilanggong pulitikal.

Sa ano�t anupaman, kung walang matanggap na pormal na kahilingan ang BHB mula sa GRP para sa pagpapalaya kina Martin at Buan, nakahanda ang BHB na walang-taning silang pangalagaan bilang mga bihag ng digma na may garantiya ng maluwag at makataong pagtrato at pagrespeto sa kanilang mga karapatan alinsunod sa mga internasyunal na makataong batas at mga alituntunin sa digmaan.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Anihin ang mga tagumpay ng pakikibaka sa pagbabagsak sa rehimeng US-Estrada!
Patuloy na palakasin at paigtingin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo!

Parusahan si Estrada!
Bagong gubyernong Macapagal-Arroyo:
Nanunumbalik ang rehimeng US-Ramos

Paksyon-paksyon sa pulisya at militar
Ang papel ni Eduardo "Danding" Cojuangco sa huling mga buwan ni Estrada sa Malakanyang
Ang mga dambuhala, militante at mapayapang aksyong masa na nagpatalsik kay Estrada
Campaign Plan Balangai:
Patuloy na pasistang pananalakay sa Timog Katagalugan

Mga Pahayag:
Hinggil sa mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng BHB
Mga Pahayag:
Hinggil sa pambobomba sa Metro Manila

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.