Lumalalang disempleyo
Parami nang parami ang mga manggagawang walang hanapbuhay. Bukod sa milyun-milyong nadaragdag sa pwersa sa paggawa taun-taon na hindi makakita ng trabaho, daan-daan libong mga manggagawa ang nawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga kumpanya bunsod ng krisis sa ekonomya.
Sa unang kwarto ng taon, dalawang milyon ang naidagdag sa pwersa sa paggawa, kabilang na ang 400,000 nagtapos ng kolehiyo ngayong taon. Samantala, wala namang bagong hanapbuhay para sa kanila.
Bukod rito, iniulat ng National Statistics Office na 380,000 ang nawalan ng trabaho mula Oktubre 2001 hanggang Marso 2002. Walang saysay ang ipinagmamalaki ni Macapagal-Arroyo na programa para sa "emergency employment".
Sa desperasyong makakita ng trabaho, 2,700 manggagawa araw-araw ang umaalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Noong 2001, umabot sa 866,590 ang umalis na overseas contract workers kumpara sa 841,628 noong 2000. Kahit ang mga manggagawang may mataas na antas ng kasanayan at mga propesyunal ay lumalabas ng bansa.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|