Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
38 armas nasamsam ng BHB sa mga taktikal na opensiba

 Read this article in English

Tatlumpu�t walong armas na iba�t ibang kalibre ang nasamsam ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa serye ng mga taktikal na opensiba nitong huling linggo ng Oktubre. Labindalawang pwersa ng kaaway ang napatay at di bababa sa tatlo ang nasugatan.

Sa Northern Samar. Sampung malalakas na riple at siyam na pistola ang nadagdag sa arsenal ng BHB nang salakayin ng mga Pulang mandirigma nitong Oktubre 24 ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Gamay.

Sakay ng walong pampasaherong dyip, nilusob ng mga Pulang mandirigma bandang alas-6:30 ng umaga ang munisipyo ng Gamay, sa hilagang-silangang bahagi ng prubinsya. Habang nakikipagbarilan ang pwersang pang-assault ng BHB sa apat na pulis sa hedkwarters, pinasok ng ibang gerilya ang mga bahay ng dalawang pulis na malapit sa munisipyo.

Isang pulis ang nasugatan. Walang tinamong pinsala ang mga Pulang mandirigma.

Sa Isabela. Napatay ang pitong tropa ng pinagsanib na pwersa ng 53rd Reconnaissance Company (RC) at ng 45th IB nang ambusin ang mga ito habang tumatawid ng ilog sa Sityo Kurawitan, Barangay Binatug, San Mariano noong umaga ng Oktubre 25.

Ayon sa pahayag ni Victor Servidores, tagapagpahayag ng Fortunato Camus Command (FCC) ng BHB-Hilagang Silangang Luzon, di rin bababa sa pito ang nasugatan sa ambus na tumagal nang humigit-kumulang limang oras. Taliwas sa pahayag ng 5th ID na anim na gerilya ang napatay, walang kaswalti sa hanay ng BHB.

Sa Bulacan. Tatlong pulis ang napatay at sampung armas ang naagaw sa matagumpay na reyd ng BHB sa detatsment ng Maritime Command ng Philippine National Police (PNP) sa Barangay Poblacion, Hagonoy, Bulacan noong gabi ng Oktubre 30.

Pagkababa sa sinasakyang van, mabilisang pinasok ng mga Pulang mandirigma ang himpilan, na malapit sa munisipal na istasyon ng pulisya. Makaraan ang sampung minutong putukan, napatay ang tatlong pulis at nasugatan ang isa. Umatras ang BHB sakay ng dalawang bangkang de-motor na nakadaong sa ilog sa likuran ng detatsment.

Walong M16, isang .45 at isang .38 ang nasamsam ng BHB. Ayon sa pahayag ng Komiteng Larangang Gerilya sa Kanlurang Bulakan-Pampanga, pinarusahan ang PNP Maritime Command dahil protektor ito ng malalaking negosyante sa pangisdaan at kinokotongan nito ang maliliit na mangingisda.

Sa Zamboanga del Sur. Dalawang elemento ng CAFGU ang napatay at nasugatan ang isang sarhento nang salakayin ng mga Pulang mandirigma ang detatsment ng 51st IB sa Barangay Fatima, San Miquel noong madaling araw ng Oktubre 27. Sinunog muna ng BHB ang kampo bago umatras dala ang nakumpiskang tatlong malalakas na riple.

Sa Tarlac. Isang M16, isang M14, isang 9 mm at isang .38 ang nasamsam ng mga mandirigma ng Nelson Mesina Command ng BHB nang lusubin nila ang detatsment ng PNP sa Barangay Lubigan, bayan ng San Jose noong Oktubre 26. Dumating ang mga gerilya sakay ng tatlong dump truck ng Provincial Engineers� Office.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Nobyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang kontra-mamamayang maniobrahan ng mga reaksyunaryo

Gubyernong US, negatibo ang pagtaya sa ekonomya ng Pilipinas
Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
38 armas nasamsam ng BHB sa mga taktikal na opensiba
Hacienda Luisita, niyayanig ng protesta
Mga Ulat Koresponsal:
Naglalagablab ang Daba-daba sa Panay

Sa Ibayong Dagat:
Mga atake ng mga gerilyang Iraqi sa mga pwersa ng US, tumitindi

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.