Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina

 Read this article in English

Humantong sa gulo at sa bandang huli'y malawak na pag-aalsa ang ibayong paglubha ng pang-ekonomyang krisis sa Argentina. Nitong Disyembre 20, ikalawang araw ng matitinding kilos-protesta at kaguluhan sa iba't ibang bahagi ng bansa, napwersang magbitiw sa tungkulin si Presidente Fernando de la Rua.

Nagsimula ang kaguluhan nang daan-daang nagugutom na mamamayan ang dumagsa sa mga supermarket at nagnakaw ng mga pagkain noong Disyembre 18. May mga pamilihan ding sinunog ng desperadong mamamayan. Lima katao ang napatay, mahigit 100 ang nasugatan at humigit-kumulang 350 ang inaresto sa marahas na reaksyon ng pulisya.

Nagdeklara si de la Rua ng 30 araw na state of siege noong Disyembre 19 upang supilin ang lumalaganap na kaguluhan. Sinuspindi niya ang mga konstitusyunal na karapatan at binigyan ang gubyerno ng malawak na kapangyarihan para sugpuin ang karahasan.

Subalit pinaigting lamang ng deklarasyon ng state of siege ang galit ng mamamayan. Maging ang pangako ni de la Rua na kagyat na maglalabas ang gubyerno ng $7 milyon na halaga ng ayudang pagkain sa mahihirap ay hindi nakapigil sa libu-libong mamamayan na bumuhos sa mga lansangan ng punong lunsod ng Buenos Aires upang igiit ang kanyang pagbibitiw. Nag-ingay sila sa pamamagitan ng mga busina ng sasakyan at pagkalampag ng mga kawali at kaldero bilang protesta. Tatlong unyon ng mga manggagawa sa prubinsya ng Cordoba ang nagdeklara ng pangkalahatang welga.

Sa araw ng pagbibitiw ni de la Rua, umabot na sa 26 ang napatay, 200 ang nasugatan at mahigit 2,000 ang inaresto sa buong bansa kaugnay ng malawakang pag-aalsa.

Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang matitinding protesta dahil sa kawalang pag-asang malutas ang krisis sa malapit na hinaharap. Sa loob lamang ng 11 araw mula nang magbitiw si de la Rua, apat na ang humalili sa kanya at agad ring nagbitiw sa kabiguang makagawa ng mapagpasyang hakbang kaugnay ng krisis.

Sumiklab ang pag-aalsa bunsod ng matinding krisis na dinaranas ng bansa. Mag-aapat na taon nang nasa resesyon ang ekonomya ng Argentina at bunga nito ay umabot na sa 20% ang tantos ng disempleyo. Lumala pa ang kahirapan at diskuntento ng mamamayan nang magpatupad si de la Rua ng hakbangin sa pagtitipid alinsunod sa dikta ng International Monetary Fund (IMF). Binawasan ng hakbanging ito ang badyet para sa mga batayang serbisyong panlipunan.

Napipinto ang tuluyang pagsadsad ng ekonomya ng Argentina bunga ng kawalang-kakayahan ng gubyernong tumupad sa dedlayn ng pagbabayad sa $132 bilyong utang nito. Siyamnapu't pitong bilyong dolyar ($97 bilyon) o mahigit 73% ng utang na ito ay nalalapit nang matapos ang taning. Sa darating pa lamang na katapusan ng Disyembre, $600 milyong halaga ng mga bono ang dapat nang bayaran.

Kapag nagkataon, ito na ang pinakamalaking utang na di mabarbayaran sa takdang panahon ng alinmang bansa sa kasaysayan. Walang pag-asang makaligtas dito ang Argentina kung walang papasok na ayuda mula sa ibang bansa o sa mga internasyunal na ahensyang pampinansya.

Masaklap dito, tumatanggi ngayon ang IMF na ibigay ang nakatakdang $1.3 bilyong pautang dahil bigo raw ang bansa na balansehin ang badyet nito sa kabila ng ipinataw na pagtitipid. Nagpahayag din ang US na walang maaasahang kagyat na ayuda mula rito.

 


Previous articleBack to topNext article

Disyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Isang taon ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mamamayan
National Socio-Economic Summit: Higit pang pasismo at pagtatali ng Pilipinas sa neokolonyalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Special Purpose Assets Vehicle: Pagsagad sa neokolonyal na katayuan ng Pilipinas [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Pambansang badyet para sa 2002: Pondo para sa pasismo at pagpapakatuta [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Krisis sa ekonomya: Ilang mahahalagang datos [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Ang salamangka sa datos sa disempleyo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Resesyon sa US, Japan at Germany: Krisis sa mga sentro ng kapitalismo [Lumulubhang Krisis sa Ekonomiya]
Danding Cojuangco namamayagpag pa rin: Nakapamamayagpag pa rin si Danding sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo
Kasunduang SMC-Kirin: Maniobra para konsolidahin ang kontrol ni Danding sa SMC
Pinakamalaki sa kasaysayan ng papet na republika: Danding, nangangamkam ng lupa sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo, umaani ng tagumpay sa Isabela
Mga Ulat Koresponsal: Ka Haren at Ka Baste: Rebolusyonaryong kagitingan sa harap ng kaaway
Mga Ulat Koresponsal: Paglilinaw hinggil sa kalagayan ng mga bihag ng digma sa Dulong Timog Mindanao
Pananalanta ng pasistang estado: Labing-isang buwang kalbaryo ng militarisasyon sa kanayunan
Sa suporta ng imperyalismong US: Pinaiigting ang pananalakay ng Israel sa mamamayang Palestino
Bunsod ng napakalubhang krisis: Pag-aalsa, sumiklab sa Argentina
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.