Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao:
Sa landas ng matatag na pagsulong

 Read this article in English

�Tiyak na ang agos ng pagsulong.�

Buong tatag itong idineklara ng Komisyon sa Mindanao ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) nang baybayin nito ang kalagayan ng rebolusyonaryong kilusan sa isla mula nang ilunsad ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto (IDKP) noong 1992-93. Sa espesyal na isyu ng Pulang Tamdanan (dyurnal sa pulitika ng Partido sa Mindanao) na inilathala sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng PKP, inilarawan ang pagpapanibagong-lakas ng rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao sa iba�t ibang larangan, laluna nitong nakaraang tatlong taon.

Anang Komisyon sa Mindanao, patuloy na lumaki at lumakas ang mga rebolusyonaryong pwersa mula 1995 hanggang kasalukuyan. Bunga ito ng matatag na pagtataguyod sa Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at pagpupunyaging sumulong muli ayon sa wastong linya ng demokratikong rebolusyong bayan at matagalang digmang bayan.

Hindi lamang napreserba ng Partido at rebolusyonaryong pwersa ang sarili. Ibayo pang nakonsolida sila sa pamamagitan ng pagtatakwil sa mga malubhang paglihis at pagkakamali sa nakaraan. Determinadong nagpanibagong-lakas sila sa pamamagitan ng masikhay na pagpukaw at pag-oorganisa sa masa at militanteng pamumuno sa armado at di-armadong pakikibaka ng mamamayan. Sa gayon, naigpawan ang malalaking pinsala at pag-atras na dulot ng adbenturismong militar at insureksyunismong lunsod at ng todong mga opensibang militar ng kaaway mula kalagitnaan ng dekada �80 hanggang maagang bahagi ng dekada �90. Muling tumatahak ang rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao sa landas ng matatag na pagsulong sa wastong rebolusyonaryong direksyon.

Pagpapalakas ng Partido

Pinakamahalagang tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto sa Mindanao ang konsolidasyon sa ideolohiya ng organisasyon ng Partido. Ang kamalayan ng buong Partido sa Marxismo- Leninismo-Maoismo at linya ng demokratikong rebolusyong bayan ay naitaas sa antas na di hamak na mas mataas kaysa alinmang panahon sa nakaraan.

Pagbubuo sa ideolohiya. Itinuring na numero unong prayoridad ng Komisyon at mga Komiteng Rehiyon ang gawain sa ideolohiya, partikular ang paglalagom ng mga karanasan, pagpapalaganap ng mga batayang dokumento ng pagwawasto, pagpapalaganap ng mga pagaaral sa tatlong-antas na kurso ng Partido, at malawak na pagpapatupad ng pagpuna at pagpuna-sa-sarili.

Mahigit 90% ng mga kadre at kasapi ng Partido ang nabigyan ng pag-aaral sa mga batayang dokumento ng pagwawasto. Halos kasabay ng pagpapalaganap sa mga dokumento ng kilusang pagwawasto ang kampanya ng pag-aaral sa Batayang Kurso ng Partido (BKP). Mahigit 80% ng mga buong-panahong kasapi ng Partido, liban pa sa mga kasaping nasa mga sangay at grupo ng Partido sa mga lokalidad ang nakatapos na ng kurso. Sinimulan din noong 1995 at patuloy na pinalalaganap ang pag-aaral sa Intermedyang Kurso ng Partido . Mula 1997 idinaos sa hanay ng mga namumunong komite at kadre sa antas ng mga rehiyon ang mga pinalalim na pag-aaral sa mga paksa at sangguniang babasahin ng BKP habang wala pa ang Abanteng Kurso na tuwirang pangangasiwaan ng sentral na pamunuan ng Partido.

Komprehensibong nilagom ang mga karanasan ng Partido sa Mindanao mula 1979 hanggang 1992 at pinagkaisa ang pag-unawa ng mga rebolusyonaryong pwersa sa nakaraang rebolusyunaryong praktika at mga kongkretong sirkunstansyang istoriko nito. Tinukoy ang mga naging pagsulong at pag-atras at ang mga dahilan ng 12 mga iyon, at pinaghalawan ng mga aral na nagsisilbing gabay sa pagtutuwid ng mga kamalian at pagpapanibagong-lakas ng rebolusyonaryong kilusan. Nakapaglagom na rin ang apat na rehiyon ng Mindanao (ang Hilaga, Timog, Malayong Timog at Kanluran) at ang ilang mas nakabababa pang organisasyong panteritoryo ng Partido. Regular ang pagtatasa ng mga gawain sa iba�t ibang antas ng organisasyon at idinaraos kaugnay ng mga ito ang pagpuna at pagpuna-sa-sarili.

Ang mga namumunong komite at kadre ng Partido ay tumibay sa mahirap na pakikibaka. Walang-tigatig na nagpursigi sila sa demokratikong rebolusyon ng bayan sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan sa harap ng todong pagsalakay ng reaksyunaryong estadong papet at walang patumanggang pananabotahe at pag-atake ng mga kontrarebolusyonaryong rebisyunistang taksil. Kinailangan ding pangibabawan ang mga �Kaliwa� at Kanang tendensyang tumindi sa loob ng Partido bunga ng matagal na pamamayani ng mga disoryentasyon at pagkukulang at pagpapatung-patong ng mga pinsala at suliraning lumala at nagkumplika sa isa�t isa.

Kumplikado ang naging pakikitunggali sa mga rebisyunistang taksil na gumamit ng lahat ng tipo ng pangiintriga, pambabaluktot at pagtutulak ng rehiyunalismo at sentimentalismo para manghati at mangwasak. Pero ang mga kadre at kasapi ng Partido�liban sa kakarampot na tuluyang nagpakalulong sa rebisyunismo, oportunismo at kabulukan�ay nanatiling matapat sa mga proletaryong rebolusyonaryong prinsipyo, marangal na nagtanggol sa integridad ng Partido at rebolusyonaryong kilusan, at lubos na bumigo sa mga rebisyunistang taksil at kanilang kontrarebolusyonaryong operasyong demolisyon.

Sa ngayon, patuloy na pinatatagos sa lahat ng bahagi ng Partido ang kampanya sa edukasyon upang higit pang itaas ang antas ng teoretikong kakayahan ng mga kadre at kasapi ng Partido. Ang paglalagom ng ilang rehiyon ay kailangan pang isadokumento upang sistematikong maipalaganap sa kani-kanyang saklaw ang mga aral mula sa nakaraang praktika.

Patuloy ding mas sinisistematisa ang mga pulong pagtatasa at pag-aaral. Ang mga kadre ay kailangan din ng dagdag at mas sistematikong mga pagsasanay upang mapabilis ang kanilang komprehensibong pag-unlad. Kaugnay nito, binigyan ng partikular na pansin ng Komisyon ang pangangailangan ng higit na pagsasanay para sa mga lider ng mga yunit at pangkat na umaasikaso sa gawaing masa.

Pagbubuo sa Organisasyon. Napasigla rin ang pagpapalawak ng Partido bunga ng kilusang pagwawasto. Lumawak ang kasapian ng Partido. Sa kabuuan, higit pang napalalim ang balong pagmumulan ng mga bagong kasapi ng Partido dahil sa patuloy na nakapagpapalitaw ng mas maraming aktibistang masa mula sa hanay ng mga magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, at mga propesyunal sa kanayunan at kalunsuran. Lumaki nang 10% ang kasapian mula 1994 hanggang 1995. Patuloy pang napalaki ang kasapian sa mga susunod na taon at sa kasalukuyan, mas mataas nang mahigit 50% ang kasapian ng Partido kung ihahambing sa 1994. Malaking pag-igpaw ito kung ikukumpara noong 1992-1994, kung kailan sumadsad ang bilang ng kasapian mula sa rurok nitong ilang libo noong 1983-84.

Dumarami na rin ang mga kasapi ng Partido at aktibistang naipapadala sa kanayunan mula sa kalunsuran. Mula 1996 hanggang ngayon ay umabot sa mahigit 100 ang sumampa sa hukbo mula kalunsuran. Patuloy pang pinalalakas ang tunguhing ito. Ganap na kabaligtaran ito ng dating daloy na mula kanayunan patungong kalunsuran, bagay na inengganyo ng insureksyunistang linyang RAWA (�red area - white area�) at nagpahina sa Partido at kilusan sa kanayunan at sa kabuuan.

Mulat na itinataguyod ng organisasyon ng Partido sa Mindanao ang prinsipyo ng demokratikong sentralismo. Naituwid na ang sobrang demokrasya, gayundin ang burukratismo na naging matinding sakit ng organisasyon noon. Mahigpit na ipinatutupad ng mga namumunong organo ang sistemang komite kung kaya�t makikita ang malusog na takbo ng organisasyon ng Partido sa iba�t ibang antas.

Gayunpaman, tinukoy ng Komisyon sa Mindanao ang pangangailangang pag-ibayuhin ang pagsisikap na palakihin pa ang organisasyon ng Partido relatibo sa mabilis na paglawak ng organisadong masa. Patuloy na binabaka kaugnay nito ang tendensyang magtakda ng napakataas at sektaristang pamantayan, gayundin ang simpleng kapabayaang pag-ukulan ng karampatang pansin ang sistematikong pagpapalawak.

Armadong pakikibaka at kilusan sa kanayunan

Patuloy na lumalawak ang pamumuno at impluwensya ng Partido at pambansa-demokratikong kilusan sa Mindanao. Sa 24 probinsya sa buong isla, kinikilusan ang 18. Animnapu�t limang porsyento ng mga prayoridad na bayan at lunsod ay kinikilusan din.

Rebolusyonaryong kilusang masa sa kanayunan.

Masigasig na lumalawak ang saklaw ng mga larangang gerilya. Nitong 1998, halos 200% ang idinami ng bilang ng mga baryong kinikilusan kung ihahambing sa bilang noong 1994. Kabilang dito ang ilandaang komunidad ng mga lumad na aktibong lumalahok sa rebolusyonaryong pakikibaka. Napatigil ang pagkitid ng mga larangang gerilya noong 1995 at nakapagbukas pa ng mga bago mula noon. Nabawi noong 1996-97 ang malaking bahagi ng dating Gitnang Mindanao (Central Mindanao Region) na ginulo ng operasyong demolisyon ng mga rebisyunistang taksil.

Nabalikan ang malaking bahagi ng Kanlurang Mindanao at lumawak ang dati nang mga larangang gerilya sa Hilaga, Timog at Malayong Timog Mindanao. Iilan na lamang sa dating mga larangang gerilya ang hindi pa nababalikan. Sa kasalukuyan, mayroon nang 22 larangang gerilya sa buong isla, sangkapat ng kabuuang bilang ng mga larangang gerilya sa buong bansa .

Gayunpaman, nanawagan ang Komisyon sa buong kasapian na bigyan ng sentral na pansin ang ibayong pagpapabilis sa pagpapalawak at pagkokonsolida sa baseng masa. Tinatawagan ng Komisyon ang pansin ng buong organisasyon ng Partido sa pagpapaunlad ng mas marami pang buong-panahong kadre at mandirigma para lalo pang mapalawak ang baseng masa at mga larangang gerilya.

Antipyudal na pakikibaka. Paparami na mula 1996- 97 ang nailulunsad na mga antipyudal na pakikibaka sa kanayunan. Bukod sa mga kampanya para sa pagpapababa ng upa sa lupa, pagpapataas ng sahod ng mga manggagawang bukid, pagpapababa ng interes sa pautang, at pagpapababa ng upa sa mga kiskisan, mayroon ding nailunsad na ibang tipo ng pakikibakang masa kaugnay sa lupa.

Sa Malayong Timog Mindanao, lumakas ang kampanyang masa laban sa pangangamkam ng lupa ng Western Mining Company. Dito, hindi lamang batayang masa ang napakilos kundi napasuporta rin ang maraming panggitnang pwersa. Sa Timog Mindanao, malaganap ang kampanya laban sa IFMA (Integrated Forest Management Agreement). Sa munisipalidad ng Talaingod, Davao del Norte, ang masang lumad ay nagsusulong ng ligal at armadong paglaban sa Alcantara & Sons (Alsons), isang kumpanya sa logging na nangangamkam sa lupain ng mga Ata-Manobo. Sa Hilagang Mindanao, naglunsad ng mga pakikibakang masa laban sa pangangamkam ng lupa ng mga kumpanyang pag-aari ng malalaking burgesya komprador. Sa Kanlurang Mindanao, matagumpay ang kampanyang masa upang makabalik ang mga minoryang Subanen sa kanilang mga lupain na sapilitang nilikas nila noong dekada �80 hanggang maagang bahagi ng dekada �90 dahil sa matitinding operasyong militar ng AFP.

Nasimulan na rin sa rehiyon ang kampanyang masa laban sa pangangamkam ng lupa ng mga dayuhang minahan.

Libu-libong mamamayan sa buong Mindanao ang napakilos at sumuporta sa mga aksyong masang ito.

Tinukoy ng Komisyon ang pangangailangang pasiglahin at palaganapin pa ang mga antipyudal na pakikibaka dahil ito ang susing kawing ng gawaing masa sa kanayunan. Kailangan ding paghusayin ang pagsisiyasat at pagsusuri sa mga sosyo-ekonomikong isyu sa bawat baryo upang matumbok ang mga kongkretong problemang nagpapahirap sa masa at matugunan ng mga angkop na taktika at kampanyang masa.

Sa loob ng mga larangang gerilya, lumalawak ang saklaw ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika na karamihan ay nasa antas baryo at larangan. Ang mga organong ito, na tumatayong binhi ng Pulang pamahalaan, ay nakapagpapatupad ng mga batas ng gubyernong bayan sa saklaw nilang teritoryo.

Armadong pakikibaka. Mula 1995, mahigit 50 taktikal na opensiba ang isinagawa at mahigit 100 matataas na kalibreng armas ang nasamsam ng hukbong bayan sa Mindanao. Nitong Pebrero 17, sa isang operasyong gumulantang sa kataas-taasang pamunuan ng GRP at AFP, dinakip ng Merardo Arce Command ng BHB sa Timog Mindanao sina Brig. Gen. Victor Obillo at Kapt.Eduardo Montealto sa Bgy. Carmen, Baguio, Lunsod ng Davao. Ang lahat ng ito ay pruweba ng mapagpasyang pagpihit mula sa mga pinsala, pagatras at pasibidad na bunga ng malulubhang paglihis at pagkakamali sa nakaraan.

Bunga ng mga tagumpay sa pagpapalawak at pagpapalakas ng baseng masa, higit na tumatag, sumigla at lumaki ang hukbong bayan. Muling sumigla ang pagrekrut ng mga Pulang mandirigma at ang pagpapalawak ng mga pwersang gerilya.

Ang bawat larangan ay may pangunahing yunit gerilya na kadalasan ay platun ang pormasyon bagamat mayroon pang iskwad pa lamang. Ang mga yunit gerilya na ito ay gumaganap ng mga komprehensibong tungkulin sa militar, gawaing masa at produksyon. Mataas ang antas ng kanilang disiplina at mahigpit ang ugnayan sa masa.

Bukod sa mga buong-panahong yunit ng BHB, mayroon pang libu-libong kasapi ng milisyang bayan na nagpapatuloy sa kanilang kabuhayan sa bukid habang pana-panahong lumalahok sa mga operasyong gerilya, tumutulong sa pangangalaga sa kaayusan sa mga baryo, at tumutupad ng iba pang suportang gawaing militar.

Patuloy na pinalalaganap at sinisistematisa ang pagsasanay na pulitiko-militar ng mga Pulang kumander at mandirigma. May sapat na bag-as ng mga kadreng militar na may malawak na karanasan sa pamumuno sa hukbo at sa pagpaplano at pangunguna sa mga aksyong militar.

Rebolusyunaryong kilusan sa kalunsuran

Lumalawak at lumalakas ang ligal na demokratikong kilusan sa kalunsuran. Ang mga ligal na organisasyong masang nagtataguyod sa pakikibakang pambansademokratiko ay nasa unahan ng hayag na mga pakikibaka laban sa tumitinding pagsasamantala�t pang-aapi ng nakaraang reaksyunaryong rehimeng US-Ramos at ng kasalukuyang reaksyunaryong rehimeng US-Estrada.

Mula 1995, isinagawa ang mga protesta at mobilisasyong masa sa mga pangunahing syudad ng Mindanao tulad ng Davao, Iligan, Cagayan de Oro, General Santos, Butuan, Tagum at Pagadian. Lumaki taun-taon ang bilang ng masang lumalahok sa mga mobilisasyong masa, mula sa iilan noong unang mga taon ng dekada �90 hanggang sa ilang daan at ilang libo na ngayon. Nasaksihan ang malalaking mobilisasyon sa mga raling inilunsad laban sa pakanang �charter change� o cha-cha ni Ramos at mga mobilisasyon laban sa pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, sa GATT-WTO, sa Visiting Forces Agreement at iba pa.

Ang progresibong kilusang unyon ay pursigidong nagpapanibagong-lakas kasabay ng determinadong pagpapalawak ng rebolusyonaryong kilusang lihim sa mga pabrika, plantasyon, minahan at iba pang konsentrasyon ng mga manggagawa. Lumawak nang dalawang ulit ang bilang ng kinikilusang pabrika kumpara noong 1993-94. Palatandaan naman ng paglawak ng progresibo at militanteng unyonismo ang patuloy na paglaki ng mobilisasyon tuwing Mayo 1 at pagdami ng manggagawang lumalahok sa mga anti-imperyalista, antipasista at antipyudal na mga protestang masa. Noong 1997-98, garapal na nagsabwatan ang ilang aristokrata sa paggawa at malalaking kapitalista para buwagin ang mga progresibong unyon at patalsikin sa mga pabrika ang mga progresibong lider manggagawa. Mahigpit itong nilabanan ng militanteng kilusang paggawa at ng masang manggagawa.

Samantala, lumalawak din ang kilusang kabataan at estudyante. May mga progresibong organisasyon sa

SA KABUUAN, MALINAW NA MAS SOLIDO ANG MGA TAGUMPAY NA NAKAMIT NGAYON NG ORGANISASYON NG PARTIDO SA MINDANAO BUNGA NG PAGTALIMA SA WASTONG LINYA AT MGA PATAKARAN.
ilampung malalaking eskwelahan sa iba�t ibang bahagi ng Mindanao. Ang mga progresibong pwersa sa mga paaralang kinikilusan ay aktibong nagpapakilos sa masang estudyante sa mga pakikibaka laban sa papet at reaksyunaryong paghahari, bukod sa paninikil ng kalayaang akademiko at iba pang demokratikong karapatan ng mga estudyante at guro at patuloy na pagtaas ng mga bayarin sa pag-aaral. Ang masang kasapian sa ligal na mga organisasyon ng kabataan ay patuloy na lumalahok sa mga sektoral at multisektoral na mobilisasyon. Dumarami ang mga sulong na aktibistang masa mula sa hanay ng kabataan na nagpapasyang tumungo sa kanayunan at direktang lumahok sa armadong pakikibaka.

Gawaing nagkakaisang prente. Sa gawaing nagkakaisang prente, namamalas ang paglawak at pagunlad ng batayang alyansa ng anakpawis. Marami-rami nang petiburges at iba pang sektor ang lumalahok sa mga pakikibakang nagdadala ng makabayan at demokratikong linya sa iba�t ibang usapin. Lumaki rin ang bilang ng mga lihim na selula at balangay ng mga alyadong organisasyon ng National Democratic Front (NDF) sa hanay ng mga panggitnang pwersa. May ilang libo na ang kabuuang kasapian ng mga ito. Mahigit 50% ang itinaas ng bilang nila kung ikukumpara sa dami noong 1994.

Ang Mindanao-wide Peace Forum na ginanap mula Mayo 24 hanggang Hulyo 4, 1998 at pinangunahan nina Ka Luis Jalandoni at Ka Coni Ledesma, mga kinatawan ng Pambansa Demokratikong Prente ng Pilipinas (NDFP) sa usapang pangkapayapaan, ay umani ng malawak na suporta mula sa iba�t ibang sektor. Umabot ng 10,000 ang dumalo sa mga konsultasyong ginawa sa mga lunsod ng Pagadian, Ozamiz, Dipolog, Gen. Santos, Cagayan de Oro, Butuan at Davao.

Gayunpaman, idiniin ng Komisyon na kailangan pang palawakin ang kasapian ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa at ng mga ligal na progresibong organisasyon dahil ang mga ito ang nagsisilbing daluyan sa malawakang paglulunsad ng mga rebolusyonaryo at militanteng pakikibaka na nagtataguyod at nagtatanggol sa interes ng malawak na masa ng sambayanan. Kailangan ding kabigin ang mas malaking bilang ng mga panggitnang pwersa at palakasin at palawakin ang mga organisasyong kinabibilangan nila.

Napanatili ang ugnay ng rebolusyonaryong kilusan sa masang Moro na nasa loob o malapit sa mga larangang gerilya. Naitayo ang ilang rebolusyonaryong grupo sa kanilang hanay sa ilang lugar na hindi kinikilusan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). May mga pagunlad din sa gawaing alyansa sa mga rebolusyonaryong Moro. Maaaring umunlad pa ang pagtutulungan ng NDFP at MILF sa pulitika at militar sa patuloy na pagharap ng dalawang rebolusyonaryong pwersa laban sa iisang kaaway (tingnan ang kaugnay na artikulo sa itaas).

SA KABUUAN, malinaw na mas solido ang mga tagumpay na nakamit ngayon ng organisasyon ng Partido sa Mindanao bunga ng pagtalima sa wastong linya at mga patakaran. Kaakibat nito�y mahigpit ang panawagang �sunggaban ang araw, sunggaban ang oras� upang makapagtamo pa ang Partido at rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao ng mas marami pang mga tagumpay at mas mabilis na pagsulong.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Enero 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Patawan ng rebolusyonaryong kaparusahan si Imelda at mga kasapakat ng diktadurang Marcos

Kontra-rebolusyonaryong digma at pasismo sa kanayunan
Ang mga pasistang krimen ni Hen. Panfilo Lacson sa Cebu
Laban sa Warrentless Arrest ni Lacson
Heneral ng AFP, 2 pang upisyal
Inaresto ng BHB

Sino ang itinuturing na kombatant?
Rebolusyonaryong kilusan sa Mindanao:
Sa landas ng matatag na pagsulong
Alyansa ng NDF at MILF
Pagkakaisa at pagtutulungan laban sa reaksyunaryong kaaway

Sa ngalan ng batas
Pangangamkam ng lupa sa Cagayan Valley

Mabuhay ang proletaryong internasyunalismo!
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.