Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
"Labanan ang kaaway hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon!"

 Read this article in English

Mula sa mensahe ni Armando Liwanag,
Tagapangulo ng Komite Sentral
ng Partido Komunista ng Pilipinas

Marso 29, 1999. Sa 81 larangang gerilya sa buong Pilipinas at maging sa kalunsuran at ibayong dagat, dumagundong ang di magagaping diwa ng Bagong Hukbong Bayan sa araw ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Muling pinagtibay ang kapasyahang ipagtagumpay ang laban ng masang anakpawis para sa tunay na paglaya sa saklot ng imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo. Inilarawan sa pamamagitan ng mga kultural na pagtatanghal, mga eksibisyong militar, mga talakayan at pag-aaral, ang natipong lakas sa loob ng 30 taon ng armadong pakikibaka na nakabatay sa papalawak at papalalim na baseng masa.

Sa pahayag ni Armando Liwanag, Tagapangulo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), binigyang-pugay niya ang lahat ng Pulang kumander at mandirigma dahil sa malalaking tagumpay na natamo ng BHB sa magiting nitong pakikibaka para sa mga karapatan, interes at adhikaing pambansa at demokratiko ng sambayanang Pilipino.

"Tiyak na ang lugar nito sa kasaysayan ng Pilipinas," wika ni Kasamang Armando Liwanag hinggil sa BHB bilang pangunahing sandata ng Partido at mamamayang Pilipino sa paglulunsad ng pangunahing anyo ng rebolusyonaryong pakikibaka, ang armadong pakikibaka. Nahigtan na ng Bagong Hukbong Bayan ang lahat ng armadong pakikibaka na inilunsad sa nakaraang sandaang taon�-ng Hukbong Bayan Laban sa Hapon (Hukbalahap) at Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB)�-para sa pambansang paglaya, maging laban man sa mga kolonyalista o sa imperyalismong US at mga lokal na reaksyunaryo. Naisagawa ito ng BHB sa pamamagitan ng paglulunsad ng matagalang digmang bayan, alinsunod sa linya ng bagong-demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba. Sa lakas na natamo na ng BHB, paulit-ulit na napabubulaanan ang propaganda ng kaaway na palusaw na ang hukbo ng mamamayan.

Nakatitiyak ang BHB sa patuloy na pagsulong hanggang tagumpay: Mula sa halos wala noong Marso 29, 1969, nakapagtipon ito ng makabuluhang lakas. Matatag nitong hinarap ang matinding teror ng pasistang diktadurang Marcos, nagtamo ng mga tagumpay sa pulitika at militar at nagpursige sa masinsin na pakikidigmang gerilyang nakabatay sa papalawak at papalalim na rebolusyonaryong baseng masa. Napangingibabawan nito ang mabibigat na disbentahe at sumusulong ito mula tagumpay tungo sa ibayong tagumpay.

Subalit nagpaalala rin si Kasamang Armando Liwanag na sa kabila ng maniningning na tagumpay ng BHB, dapat pa rin nitong isaisip ang mga sakripisyo, puspusang paggawa at maigting na pakikibakang kapalit ng mga tagumpay. Gayundin, hindi dapat maging kampante at magkasya sa mga tagumpay, bagkus ay maging mapagmatyag at militante hangga�t nananatiling nakatindig ang reaksyunaryong estado.

Inihanay sa pahayag ang mga mapanlabang tungkuling alinsunod sa sentral na layunin ng hukbong bayan na wasakin ang kontra-rebolusyonaryong estado ng malalaking kumprador burgesya at uring panginoong maylupa at ang pagbigay-kakayahan sa uring manggagawa at uring magsasaka na itatag ang demokratikong estadong bayan. Idiniin ni Kasamang Armando Liwanag na ito ang pinakamahusay na mapaglalaanan ng lakas ng rebolusyonaryong pwersa. Tuluy-tuloy na nahihiwalay ang reaksyunaryong rehimeng Estrada sa malawak na mamamayan bunga ng pangangayupapa nito sa kanyang imperyalistang amo na nagdudulot ng brutal na kapinsalaan sa mamamayang Pilipino. Ibayo pa itong nahihiwalay sa patuloy nitong pagmamaliit sa rebolusyon, pagmamataas upang pagtakpan ang kahihiyan sa pag-aresto ng BHB sa matataas na upisyal militar nito at pagwawakas sa usapang pangkapayapaan.

Ang patuloy at lumalalang krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino ay nagdudulot ng napakapaborableng kalagayan para sa ibayong pagsulong ng digmang bayan. Gayundin, ang walang katulad na krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista mula noong dekada ­30 ay nagtutulak sa proletaryado at mamamayan sa mga kolonya, malakolonya at maging sa mga industriyalisadong bansa, na magkaisa at armadong labanan ang imperyalismo, modernong rebisyunismo at lahat ng tipo ng reaksyon.

Bilang pagwawakas, idineklara ni Kasamang Armando Liwanag na: "Ngayon at sa hinaharap, ang rebolusyong Pilipino ay hindi lamang para makamit ang pambansa at panlipunang pagpapalaya ng sambayanang Pilipino kundi para rin mag-ambag sa pagsulong ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon at malawak na antiimperyalistang pakikibaka ng mamamayan ng daigdig."

 


Previous articleBack to topNext article

04 Marso 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang mas maigting pang mga opensibang militar at panunupil pagkatapos palayain ang mga bihag sa digmaan

Paninindigan ng NDFP
Paggalang sa Karapatan ng mga Bihag sa Digmaan

Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
"Labanan ang kaaway hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon!"
Sagisag ng Bagong Hukbong Bayan
Mga Ulat Koresponsal
Pananaig sa konserbatismo at pagsusulong ng armadong pakikibaka sa Gitnang Kabisayaan

Mga Ulat Koresponsal
Pagtalikod Sa Reaksyon, Pagsanib Sa Rebolusyon

Panunupil sa Texas Instruments
Pambubusabos sa mga manggagawa

Panunupil sa Texas Instruments
Pang-aapi sa kababaihan

Ang ICMLPO
Tungo sa pandaigdigang proletaryong pagkakaisa at pagtutulungan

Ang ICMLPO
MGA SIPI

Sosyalistang pagkakaisa?
Ang usapin ng pagkakaisa at ang mga Contra

Sa Ibayong Dagat
Imperyalistang pananalakay sa Balkan Peninsula

Pinagtubuan ang digma
Pahayag
Itigil ang digmang pananalakay ng U.S. at NATO

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.