Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pasismo ng Estado:
UN Rapporteur, nagulantang sa laganap na paglabag sa mga karapatan ng mga pambansang minorya

 Read this article in English

Sa sobrang lala ng paglabag sa mga karapatan ng pambansang minorya, hindi na ito mapagtakpan kahit sa United Nations. Nagulantang si Rodolfo Stavenhagen, United Nations Special Rapporteur on Rights of Indigenous Peoples (upisyal ng UN na tumutuon sa mga karapatan ng mga pambansang minorya) sa kanyang inabutang kaawa-awa na kalagayan ng mga minoryang mamamayan sa kamay ng reaksyunaryong gubyerno at sandatahang lakas. Nasaksihan din niya ang malawakang paglabag sa kanilang mga karapatang-tao. Dumating sa bansa si Stavenhagen noong Disyembre 2-11 sa imbitasyon pa mismo ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Kabilang sa mga naitala niya ay mga kaso ng pang-aagaw sa mga lupaing ninuno at ang sapilitang pagrerekrut sa kanila sa mga grupong paramilitar.

Sa kanyang ulat na inihanda para sa UN, sinabi ni Stavenhagen na halos inutil ang mga batas na nagbibigay-proteksyon sa lupaing ninuno ng mga pambansang minorya. Aniya, binabalewala o kaya�y tahasang nilalabag ng gubyerno at malalaking negosyo ang mga ito. Sadyang maraming butas ang mga batas na pumapatungkol sa mga pambansang minorya upang makalusot ang malalaking panginoong maylupa at dayuhang negosyo na umaagaw sa kanilang lupain. Isa nang halimbawa rito, aniya, ang Mining Act of 1995 kung saan ang mga lupain ng mga minorya ang kalakhang inaagaw at sinisira.

Idinagdag ni Stavenhagen na ganoon din ang kaso sa pagpapatupad ng mga "proyektong pangkaunlaran." Maraming komunidad ang napapalikas o kaya�y napupwersang tanggapin ang malalaking proyekto gaya ng dam, trosohan, komersyal na plantasyon at minahan na tuluyang nagwawasak sa kanilang tradisyunal na ekonomya at kabuhayan, istruktura ng komunidad at mga pangkulturang gawi. Biktima rin ang mga minorya ng polusyon ng malalaking kumpanya na sumisira sa kanilang kapaligiran at kalusugan.

Malawakan ang paglabag ng AFP at mga grupong paramilitar sa ilalim nito sa karapatang-tao ng mga pambansang minorya, dagdag pa rin ni Stavenhagen. Kabilang sa mga naitalang kaso ang pamamaslang, detensyon, ebakwasyon, harasment at pwersahang rekrutment sa CAFGU. Nanawagan si Stavenhagen sa rehimeng Macapagal-Arroyo na pagtuunan ng pansin ang mga kaso ng pananalbeyds, panggagahasa at sapilitang pagpapasali sa mga grupong paramilitar laluna sa ilalim ng mga programang "kontra-insurhensya."

Harap-harapang binatikos ni Stavenhagen ang mga ahensya ng gubyerno laluna ang Commission on Human Rights sa pagpapabaya ng mga ito sa implementasyon ng mga batas. Inutil din, aniya, ang National Commission on Indigenous Peoples. Inireklamo rin niya ang surbeylans at panghaharas ng AFP sa kanyang mga pulong at pakikihalubilo sa mga pambansang minorya sa Benguet, Butuan City at iba pang lugar.

Mga tampok na kaso ng paglabag sa karapatan ng mga pambansang minorya

Sa pakikipagpulong ng mga lumad sa Timog Mindanao, muli nilang idinaing ang patuloy na pangaagaw sa kanilang mga lupain at ang militarisasyong kaakibat nito. Sa ngayon, patuloy nilang nilalabanan ang proyektong geothermal plant ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa Mt. Apo. Pinagtibay ng mga minorya noong Disyembre 8 ang kanilang pagkakaisa laban sa umiigting na militarisasyon sa pamamagitan ng isang d�yandi o sanduguan laban sa komun na kaaway. Idinaraos lamang ang d�yandi para pagpasyahan ang mga usaping matinding nakaaapekto sa malawak na hanay ng mga minorya. Sa pagkakatanda ng mga minorya, sa buong kasaysayan nila ay ito pa lamang ang ikatlong d�yandi na inilunsad. Bago ito, nagkaroon ng d�yandi laban sa geothermal plant noong Abril 13, 1989.

Binatikos din ng mga lumad ang sapilitang pagrerekrut sa kanila sa mga grupong vigilante gaya ng Alsa Lumad at Alamara. (Sa kaso ng Alamara, pagsalaula ito sa alamara, terminong Ata-Manobo, na ang ibig sabihin ay "paghahanap ng hustisya".)

Dahil sa militarisasyon, dumaranas ang mga lumad ng maraming kaso ng paghahamlet, food blockade, pagnanakaw, pwersahang ebakwasyon at iba pa. Sa taong ito, aabot sa 87 kaso (625 biktima) ang paglabag sa karapatang-tao ng mga lumad.

Sa Kordilyera, inihapag ng mga Igorot ang kanilang mariing protesta sa patuloy na pagtatayo ng San Roque Multipurpose Dam na sumisira sa kanilang mga sakahan at nagiging sanhi ng matinding militarisasyon sa lugar. Inihayag naman ng mga magsasaka mula sa Mankayan, Benguet ang kanilang pagtutol sa 63-taong minahan ng tanso at ginto sa kanilang lugar.

Sa Baguio City, muling iniharap ng Ibaloi na angkang Cari�o ang malaon na nilang petisyong bawiin ang kanilang lupang ninuno na kinatitirikan ngayon ng Camp John Hay, dating base militar ng US. Unang ipinaglaban at naipanalo ni Mateo Cari�o, ninuno ng angkan, ang kasong isinampa niya laban sa kolonyal na gubyernong US noon pang 1909. Ang makasaysayang desisyon ng korte, na tinawag na Mateo Cari�o Doctrine, ang pinakaunang batas sa daigdig na kumilala sa karapatan ng mga pambansang minorya sa kanilang mga lupang ninuno. Ang doktrina ay ginamit nang batayan sa mga kasong isinampa ng mga pambansang minorya sa Canada, US at New Zealand para bawiin ang kanilang mga lupa. Malaki itong kabalintunaan dahil sa Pilipinas, ipinagkakait pa rin sa mga Cari�o ang kanilang lupain.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lahatang-panig na isulong ang rebolusyon!

Rebolusyonaryong pagbubuwis:
Isang lehitimong gawain sa paggugubyerno

Matatagumpay na opensiba ng BHB
(ero)Planong 747:
Bagong bansag sa lumang gimik

(ero)Planong 747:
Bagong bansag sa lumang gimik

Mga pantastikong laman ng Plan 747

Krisis pang-ekonomiya:
Ilang estadistika ng krisis

Krisis pang-ekonomiya:
Salbabida

Krisis pang-ekonomiya:
Mahirap ang buhay ng mga DH sa Hongkong

Mga maniobra ni Macapagal-Arroyo hanggang 2004 at lampas pa rito
Karanasan sa Maynilad:
Kabulukan ng patakarang pribatisasyon

Karanasan sa Maynilad:
Mga pangakong napako

Pasismo ng Estado
Pasismo ng Estado:
"Huwarang berdugo"

Pasismo ng Estado:
Pagkamatay ng mga peryodista, pinaiimbestigahan ng Amnesty International

Pasismo ng Estado:
UN Rapporteur, nagulantang sa laganap na paglabag sa mga karapatan ng mga pambansang minorya
Lumalaganap ang mga kritikal na dokumentaryong video
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.