Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Cagayan Valley:
Pagbaka sa konserbatismo at muling pagsulong

 Read this article in English

Sa isyung Marso-Abril 1999, inilathala ng Ang Bayan ang artikulo hinggil sa matagumpay na pagbaka ng rehiyon ng Gitnang Kabisayaan sa konserbatismo sa armadong pakikibaka. Ang sumusunod na artikulo ay halaw sa ipinadala ng rehiyon ng Cagayan Valley (Cagayan, Isabela, Neuva Vizcaya at Quirino) at nagbabahagi rin ng mahahalagang aral hinggil sa kanilang pagbaka at pangingibabaw sa suliraning ito.

Sa kabila ng maagap na pagyakap at pagtaguyod sa kilusang pagwawasto simula 1992 ng rebolusyonaryong kilusan sa Cagayan Valley, hindi agad nakabwelo ang iba�t ibang gawain sa rehiyon.

Taimtim na ninais iwasto ang dating adbenturismong militar at insureksyunismong lunsod ngunit umiral naman ang konserbatismo sa larangan ng armadong pakikibaka at ligal na demokratikong kilusan bunga ng di sapat na pagsapol sa dialektikong relasyon ng iba�t ibang aspeto ng rebolusyonaryong gawain.

Pangingibabaw ng konserbatismo

Matapos na mapagpasyang iwasto ang adbenturismong militar at insureksyunismong lunsod, nangibabaw mula 1997 ang konserbatismo bilang pangunahing balakid sa pagsulong ng mga rebolusyonaryong gawain sa rehiyon.

Hindi nasamantala ng mga rebolusyonaryong pwersa ang humuhusay na obhetibong kalagayan. Sa halip, papakitid ang mga baryo at bayang kinikilusan at papaliit ang bilang ng mandirigma at pormasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), mga kadre, kasapi at sangay sa lokalidad ng Partido at baseng masa. Ilang taon nang walang taktikal na opensiba.

Hindi nasapol na sa linya ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilyang nakabatay sa papalawak at papasinsing baseng masa, wasto at kinakailangang maglunsad ng mga taktikal na opensibang kayang ipagwagi. Isinasagawa ito kaalinsabay ng agresibong pagpukaw at pagpapakilos sa papalawak nang papalawak na bahagi ng mamamayan para sa rebolusyon.

Sa pagwawasto sa bertikalisadong pormasyon na buong panahong nasa gawaing militar, idineploy sa gawaing masa ang lahat ng yunit ng BHB na parepareho ang laki at walang tinukoy na tatayong sentro-de-grabidad.

Paisa-isa ang napasasampa sa hukbong bayan. Salik dito ang makitid na eryang nakikilusan, matamlay na gawain para sa rebolusyong agraryo, di masiglang pag-oorganisa sa hanay ng kabataan at, sa ilang yunit, pagdaragdag ng mas mataas na mga pamantayan sa pagpapasampa.

Sa kabuuan ay matamlay ang pagpapatupad ng minimum na programa ng rebolusyong agraryo bilang susing kawing ng mga gawain sa kanayunan. Ito�y kahit pa walang puknat at malala ang pagsasamantalang pyudal at malapyudal sa masang magsasaka at mayaman ang karanasan sa rebolusyong agraryo sa malawak na kanayunan ng rehiyon.

Hinarap lamang ang mga usapin sa lupa sa pagitan ng masa ngunit hindi nabigyan ng karampatang diin ang pagpapanday ng pagkakaisa ng masang magbubukid laban sa mga panginoong maylupa.

May umiral na kaisipan na bago ilunsad ang rebolusyong agraryo, kailangan munang ilatag ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa at ipalaganap ang mga kursong masa sa malawak na saklaw. Hindi nasapol na ang mga gawain at pag-oorganisa, edukasyong masa at pagpapakilos ay may dialektikal na ugnayan sa bawat yugto ng pag-unlad ng kilusang masa.

Sa pagtatakda ng masyadong malawak na erya ng responsibilidad ng mga yunit ng BHB, maraming mga lugar ang di naikutan at napabayaan na lamang. Maraming pagkakataong ibinaba sa antas ng grupong pang-organisa (GP) ang pagkilos sa baryo sa kabila ng pag-iral ng mga salik na angkop para sa mas mataas na antas. May mga kaso ring dinagdagan ang mga rekisito ng GP at binuwag o tumangging itayo ang mga komiteng pang-organisa at sangay ng Partido na nagdulot ng kabuuang pagbagal sa pagpapalawak at pagpapalakas ng mga organisasyong masa.

Sa kalunsuran, sa layuning iwasto ang mga naging pagkakamali sa pag-oorganisa, tanging ang pagtatayo ng mga lihim na organisasyon ang hinawakan at binitawan ang pagbubuo ng mga ligal na pormasyon.

Napalampas din ang mga pagkakataong maglunsad ng mga aksyong masa dahil sa maling kaisipang magagawa lamang ito kapag nailatag na ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa malawak na lugar. Hindi nasapol ang dialektikong relasyon ng pagpapakilos at pagoorganisa.

Panibagong pagsulong ng pakikibaka

Huling kwarto ng 1998 nang tukuyin ng panrehiyong pamunuan ng Partido ang konserbatismo bilang pangunahing sagka sa pagsulong. Nanawagan ng pagbaka rito at pagsulong nang malaki. Masigla itong tinugunan ng mga rebolusyonaryong pwersa. Sa ikalawang kwarto ng 1999, nagrehistro na ang mga panimulang pagsulong sa mga larangang gerilya at kilusan sa lunsod at sentrong bayan.

Dumaraming yunit ng hukbong bayan ang mabilis na nakasasaklaw sa buong erya ng responsibilidad. Sa mga lugar na pinanghawakan ang rebolusyong agraryo bilang susing kawing sa pag-ugnay, pagmumulat, pagrekober at pag-oorganisa sa mamamayan, mabilis ang naging paglawak at pagbawi ng baseng masa. Mabilis na naitatayo sa buu-buong baryo at malalaking purok ang mga lihim na organisasyon ng magsasaka, kababaihan at kabataan.

Nagsisimula nang sumigla ang mga pakikibakang masa para ibaba ang upa sa lupa, itaas ang sahod ng mga manggagawang bukid at labanan ang pang-aagaw ng lupa ng mga burukrata kapitalista.

Sa unang hati pa lamang ng 1999, mahigit 300 pamilya sa iba�t ibang baryo sa Isabela at Quirino ang nabenepisyuhan sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawang bukid at presyo ng produkto ng mga magsasaka. Mga panimulang tagumpay ito ng rebolusyong agraryo.

Sa ikatlong kwarto ng 1999 ay dumoble ang laki ng organisadong masa mula sa dating bilang nito noong katapusan ng 1998. Dumoble rin ang bilang ng mga aktibista. Halos dumoble ang bilang ng mga komiteng pangorganisa at sa mas marami pang lugar ay hinog na ang kalagayan upang kagyat na mabuo ang mga ito. Itinatatag na rin ang mga lihim na selula sa hanay ng mga panggitnang pwersa sa kanayunan.

Muling umuugat ang Partido sa batayang antas. Dumarami ang naitatayo at muling napagaganang sangay ng Partido sa lokalidad na nadaragdag sa mga dati nang nakatayo.

Nagsisimula na muling dumagsa ang pagsampa sa BHB, laluna sa mga lugar na lumalarga na ang pakikibakang antipyudal. Pinakamasigla sa pagnanais na maging Pulang mandirigma ang mga kabataang organisado sa lihim at hayag.

Ang matagumpay na reyd sa isang detatsment ng PNP sa Barangay Pilitan, Tumauini, Isabela noong Hunyo 1999 ang bumasag sa matagal nang pagtigil ng mga taktikal na opensiba sa rehiyon. Pagkatapos nito, sunud-sunod na ang mga taktikal na opensiba na tumutugon sa mga kongkretong pangangailangan ng gawaing rekoberi at rekonstruksyon.

Sang-ayon sa kasalukuyang antas ng pangangailangan, pangunahing tinarget ng mga aksyong militar ang mga espiya o tinaguriang civilian informer na may utang na dugo sa mamamayan at rebolusyon at mga dating kasapi ng BHB na nagtakas ng mga baril at nakipagsabwatan sa kaaway.

Limang aksyong pagpaparusa ang isinagawa mula Hulyo hanggang Oktubre. Ang mga pinarusahan ay dumaan muna sa paglilitis ng hukumang bayan. Tatlo namang espiya ang pinarusahan.

Sa isang engkwentro sa Jones, Isabela noong Setyembre 7, siyam na tropa ng 45th IB ang napatay. Isang mandirigma ng BHB ang nasawi sa nasabing labanan. Isang iskwad ang napalabang yunit ng BHB at isang platun naman ang mga tropa ng AFP. Pagpapamalas ito ng mapanlabang diwa ng mga Pulang mandirigma.

Pagsulong ng ligal na demokratikong kilusan

Muling sumusulong ang ligal na demokratikong kilusan sa Cagayan Valley. Ang magkakasunod na mga aksyong masang inilunsad mula Hunyo hanggang Oktubre ay paghahanda sa mas malalaking pagsulong sa pakikibakang masa.

Libu-libong magsasaka, kabataan-estudyante, propesyunal at taong simbahan ang lumahok sa mga pagkilos laban sa monopolyo sa lupa ng malalaking panginoong maylupa, pandarambong ng mga imperyalista at burukrata kapitalista sa yaman ng bayan at pagsira sa kabuhayan ng masa, patuloy na pagtindi ng pasistang karahasan sa kanayunan, tangkang pagbago ng rehimeng Estrada sa Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at komersyalisado at mapanupil na sistema ng edukasyon.

Mula Hunyo hanggang Hulyo 1999, magkakasunod na aksyong masang nilahukan ng daan-daang magsasaka sa iba�t ibang panig ng rehiyon ang idinaos upang tutulan ang foreclosure ng reaksyunaryong gubyerno sa mga lupang sinaklaw ng programang operation land transfer. Pitong barangay ang kagyat na nakinabang dito.

Nailantad sa malawak na bilang ng mamamayan ang kahungkagan ng programa sa reporma sa lupa ng reaksyunaryong gubyerno. Napalahok sa kilusang masa ang malaking bilang ng mga panggitnang pwersa. Lumawak ang impluwensya ng hayag na progresibong kilusan sa iba pang lugar.

Noong Agosto 1999, mahigit 200 estudyante ang nagrali sa tanggapan ng Commission on Higher Education sa Tuguegarao, Cagayan upang igiit ang mga demokratikong karapatan ng mag-aaral at tutulan ang pagtataas ng matrikula. Ito ang unang organisadong pagkilos ng mga mag-aaral simula 1995.

Noong Agosto 21 at Setyembre 21, 1999, daan-daang magsasaka, kabataan at panggitnang pwersa ang dumalo sa iba�t ibang anyo ng pagkilos laban sa tangka ng rehimeng Estrada na baguhin ang konstitusyon ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas.

Noong ikatlong linggo ng Oktubre 1999, libu-libong magsasaka, panggitnang pwersa, kabataan at taong simbahan ang naglunsad ng iba�t ibang anyo ng pagkilos upang tuligsain ang konstruksyon ng planta at minahan ng karbon na sumasaklaw sa ilang bayan sa Isabela.

Panimula pa lamang itong mga pagsulong sa Cagayan Valley. Gayunma�y tiyak ang mas malalaking pagsulong sa pagpasok ng ika-21 siglo.

 


Previous articleBack to topNext article

Enero 2000
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Bibiguin ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ang solusyong militar ng reaksyunaryong rehimeng US-Estrada

Tungkol sa tumitinding pananalakay ng AFP sa MILF-BIAF
Mga bihag ng digma:
Sinasabotahe ng rehimeng US-Estrada ang pagpapalaya kina Martin at Buan

13 taktikal na opensiba ng BHB sa Timog Katagalugan noong 1999, lahat tagumpay!
Malaking bigwas sa tinipong maliliit na tagumpay
Patuloy sa 2000
Muling paglulunsad ng mga taktikal na opensiba ng BHB sa Negros
Lantarang pasista at teroristang paghahari ng rehimeng US-Estrada sa Timog Katagalugan
Armando "Ka Sixto" Cerna Jr.:
Biktima ng kalupitan ng AFP

Balikatan 2000:
Ibayong militarisasyon ng Gitnang Luzon

Tumitinding pasismo sa kalunsuran:
Mararahas na dispersal at pambubuwag ng welga

Lubusang pagkabulok ng lumang partido:
Ang pasistang pangkating Baguisa

Norberto Manero:
Larawan ng bayaran at pusakal na berdugo

Pagparusa kay Conrado Balweg
Cagayan Valley:
Pagbaka sa konserbatismo at muling pagsulong
Agresyon ng Russia sa Chechnya:
Pagpapalawak ng imperyong Ruso

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.