Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pananalanta ng pasistang estado:
Sa ikalawang kwarto ng taon

 Read this article in English

Di bababa sa 30 ang naitalang kaso ng mga paglabag sa karapatang-tao mula nang maluklok ang rehimeng Macapagal-Arroyo hanggang ikatlong linggo ng Hunyo. Umabot na sa 54 ang nabibiktima ng walang-pakundangang pamamaril, mga arbitraryong pag-aresto at pagbimbin, mga pagdukot (forced disappearances), iligal na panghahalughog, harasment at koersyon.

Inaasahang lalo pang darami ang mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao at mga alituntunin sa digma bunga ng pag-uutos ni Macapagal-Arroyo ng malawakang opensibang militar laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Ang sumusunod ang ilan pa sa mga naitalang paglabag sa mga karapatang-tao nitong ikalawang kwarto ng taon:

Hunyo 19. Pagdemolis ng mga pulis at Demolition Team ng National Housing Authority sa mga bahay sa Baryo Mandaragat, Balic-balic sa Smokey Mountain sa Tondo. Hinaras, binugbog at pinagkukulong ng mga nandemolis ang mga residenteng nanlaban. Tinangay pa ng mga nandemolis ang mga damit, salapi at iba pang ari-arian ng mga residente.

Hunyo 15. Pagparatang ng pulisya kay Felix Robrigado, isang dating estudyante sa UP, bilang siyang pumaslang kay Cagayan Gov. Aguinaldo. Natagpuan umano ng mga pulis ang pang-estudyanteng ID ni Robrigado sa pinagtaguan ng mga Pulang mandirigmang nagparusa kay Aguinaldo. Ani Robrigado, 1999 pa nawala ang kanyang ID habang nakikipamuhay sa mga magsasaka sa Cagayan.

Hunyo 10. Pagpapabaya ng mga tropa ng 22nd IB sa mga labi ni Ma. Graciella "Ka Sisa" Miranda, isang Pulang mandirigma, sa Sityo Tugawe, Barangay Bololo, Guinobatan, Albay. Matapos paslangin ang gerilya sa isang opensibang militar, iniwan na lamang ng mga sundalo ang kanyang bangkay upang mabulok sa lugar na pinagkubkuban sa mga kasama.

Unang linggo ng Hunyo. Pagpapataw ng curfew ng mga pwersa ng 24th IB sa mga residente ng Barangay Nabuklod, Floridablanca, Pampanga na bahagi ng pinaglulunsaran ng pagsasanay-militar na Carat 2001 ng pinagsamang mga tropang Amerikano at AFP; panliligalig sa komunidad ng mga Aeta na tinitirhan ng may 400 pamilya sa pamamagitan ng paggala ng mga sundalo sa mga komunidad at pag-usisa sa mga pangalan at hanapbuhay ng mga tao sa bawat bahay.

Mayo 29. Pagpapalikas sa mahigit 800 pamilya sa walong magkakaratig na mga barangay sa Malita, Davao del Sur sa ngalan ng pagtugis sa mga umatake sa Pearl Farm Beach Resort sa isla ng Samal; pagsosona ng mga tropa ng 25th IB sa mga baryo sa baybay-dagat ng Malita, Davao del Sur at walang- katwirang pagbabawal sa mamamayan dito na maglabas-masok sa lugar. Sapilitan pang pinapila ng mga sundalo ang kalalakihan sa magkakatabing baryo. Dalawang lalaking nakabonet ang inutusan ng mga sundalong piliin mula sa mga ito kung sino ang umatake sa Pearl Farm.

Mayo 28. Pagmasaker ng mga sundalo ng 69th IB at Tarlac PNP sa tatlong sibilyan sa isang pakikisagupa sa BHB. Ang mga sibilyan ay nakilalang sina Marcelino Dela Cruz, isang Aeta na pastor ng United Methodist Church; at Remy Rueda Rivera at Adelaida Cabiao, mga magsasaka ng Sityo Baag, Barangay San Pedro, San Jose, Tarlac. Dinakip din sina Jun-Jun Morales, edad 18; Gerardo Blanco, 17; at Melanie dela Cruz, 17 at apat na buwang buntis na asawa ni Marcelino. Ilan sa mga nasawi ay may tama ng bala sa ulo. Ayon sa mga nakasaksi, ang mga bangkay ay pinagkakaladkad at pinagbabalibag ng mga berdugo sa pinaglulanang helikopter.

Mayo 10. Pagsalbeyds kay Virgilio Alcantara, kapatid ni Tirso "Ka Bart" Alcantara na tagapagsalita ng Melito Glor Command ng Timog Katagalugan, sa Barangay Binan, Pagsanjan, Laguna

Mayo 5-6. Malawakang pagsona, pagreyd, iligal na pag-aresto at paghahasik ng lagim ng mga elemento ng Philippine Army, Philippine Marines at SWAT ng PNP sa mga maralitang komunidad sa Maynila, Malabon, Navotas at Caloocan City na pinaghihinalaang tirahan ng mga lider ng pwersang maka-Estrada. Ilampung residente ang inaresto. Sa Barangay Tangos, Dagat-Dagatan, Caloocan City, nalunod noong Mayo 5 ang apat-na-taong gulang na si John Gabriel Damasco nang tumalon ito sa ilog kasama ng kalalakihang umiwas sa mga nagreyd na pulis.

Mayo 3. Maramihang iligal na pag-aresto ng mga kagawad ng militar at pulisya sa mga lalaking kabataang residente ng Barangay 101 at 105 o "Happyland". Isa itong temporaryong settlement site para sa mga dating taga-Smokey Mountain sa Tondo, Maynila. Pinaghubad sila bago sapilitang pinasakay sa pito hanggang 10 siksbay.

Abril 30. Pagpatay ng armadong kalalakihan sa reeleksyunistang si Konsehal Peter Dangiwan ng Bayan Muna bandang umaga sa Barangay Tawang, Balbalan, Kalinga. Si Dangiwan ay kilalang tagapagtanggol ng mga karapatang-tao at tagapagtaguyod ng interes ng mamamayan. Tutol siya sa pagpasok ng mga dayuhang korporasyon sa pagmimina at sa presensya ng mga sundalo ng AFP. Isinulong din niya ang pagbuwag sa CAFGU sa Balbalan.

Abril 26-Mayo 7. Pagbomba, pagpataw ng food blockade, panghaharas, pagbabanta, pagnakaw at pagwasak sa ari-arian ng mga Banwaon na nakatira sa Barangay Balit, San Luis, Agusan del Sur. Ginawa ito kaugnay ng malawakang operasyong militar na inilunsad ng mahigit 300 tropa ng 62nd, 36th, 28th at 20th IB sa ilalim ng Task Force Diamond.

Tatlong sibilyan ang namatay at lima ang nasugatan sa pambobomba. Di bababa sa apat na bata ang kinailangang ipagamot dahil sa shock. Pinaulanan ang barangay ng 45 na 105 mm howitzer, 10 granada mula sa 90 RR at 24 na 81 mm mortar.

Isang sakahan ang nawasak, tatlong bahay ang nasunog at dalawang bomba ang sumabog malapit sa isang eskwelahan.

 


Previous articleBack to topNext article

Hunyo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ilantad at labanan ang mga maka-imperyalista at anti-mamamayang patakaran at hakbangin ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo

Power Reform Act:
Nagbibigay-daan sa higit na dayuhang dominasyon sa ekonomya

Singil sa serbisyong tubig, tataas
Pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo:
Patuloy na pagkakamal ng superganansya ng mga dambuhalang kumpanya ng langis

Pananalanta ng pasistang estado:
Sa ikalawang kwarto ng taon
Mga Ulat Koresponsal:
Tinuligsa, tumitinding militarisasyon sa Oriental Mindoro

Mga Ulat Koresponsal:
Makatarungan ang pagpaparusa kina Mayor Platon at Rep. Punzalan -- Melito Glor Command

Pagsuspinde ng GRP sa usapang pangkapayapaan, binatikos ng NDFP
Bwitre ng Cagayan
Col. Aguinaldo, pinarusahan ng BHB

Hudyat sa pag-iibayo ng pandaigdigang pakikibaka:
Pandaigdigang liga sa pakikibaka ng mga mamamayan, itinatag

Mga balita ng pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.