Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pakikibaka sa Tala Leprosarium, nagpapatuloy

 Read this article in English

Ang Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Hospital and Sanitarium (mas kilala bilang Tala Leprosarium) ay sumasaklaw sa 130 ektarya sa loob ng Tala Estate. Ang kabuuan ng 7,000 ektaryang Tala Estate ay sumasaklaw sa tatlong barangay ng Caloocan City.

Ang Tala Leprosarium ay isa sa walong ospital sa buong bansa para sa mga pasyenteng may ketong. Sa kagyat na paligid ng ospital nakatira ang may 3,000 leproso at pamilya nila. Mayroon itong 30 doktor at 74 na nars na naglilingkod sa mga maysakit. May 230 iba pang regular na kawani at 220 patient assistant o pasyente at kamag-anak nilang nagsisilbing taguyod sa ospital.

Ang mismong leprosaryum na may kapasidad para sa 2,000 kama ay balak itransporma bilang isang general hospital na may kapasidad para sa 200 kama. Sadyang tatalikdan na ng gubyerno ang tungkulin nitong ibigay ang kinakailangang serbisyo sa mga pasyente at pamilya nila. Dahil sa proyekto, mawawalan din ng trabaho ang mga doktor, nars, kawani at mga patient assistant ng ospital. Nasimulan at nagtutuluy-tuloy na ang konstruksyon ng general hospital.

May banta rin ang mala wakang dislokasyon sa komunidad bunga ng planong kumbersyon ng 70 ektarya nito sa isang proyektong pabahay ng National Housing Authority. Ang lupaing ito ay deklaradong reserbasyon para maipamahagi sa mga pasyente at pamilya nila sa bisa ng Proclamation No. 843 ng 1971. Subalit may pumalit nang bagong batas na pabor sa pribatisasyon at kumbersyon ng lupain tungong komersyal. Tutol dito ang mamamayan ng Tala, dahil mapalalayas ang mga residente ng komunidad na karamihan ay 20-30 taon nang naninirahan dito. Noong Mayo 15, giniba na ang mga bahay ng 82 pamilya sa isang sityo.

Tinukoy din ng lokal na pama halaan sa Caloocan na growth area ang Tala. Umano�y pinakapaborableng lugar ito ngayon sa Metro Manila upang pagtayuan ng negosyo. Kailangan diumanong paunlarin ang lugar para makaengganyo ng mga dayuhang negosyo. Balak ding ilipat dito ang city hall ng Caloocan.

Noong unang linggo ng Hulyo, limang araw na nagpiket sa tapat ng leprosaryum ang mga pasyente, pamilya nila, mga apektado sa komunidad at iba pang tagasuporta. Iginiit nila ang paglaban sa pribatisasyon at komersyalisasyon ng ospital, kumbersyon ng lupain at iba pang kaugnay na usapin. Mula pa 1999, taun-taong nagkakampo ang mga leproso, ang kanilang mga pamilya at iba pang apektado upang ipaglaban ang kanilang kapakanan. Noong Pebrero 2000, napagtagumpayan nilang maitaas ang arawang badyet sa pagkain ng bawat pasyente mula P35 tungong P50.

�LIPOL NA ANG KETONG SA PILIPINAS!�

Idinikta ng International Monetary Fund at World Bank sa gubyerno na dapat magbawas ng pondo para sa serbisyong panlipunan upang patuloy na makapangutang. Bilang tugon dito, inilabas ng gubyernong Estrada ang Executive Order 336 na malisyosong nagdeklara na nalipol na ang ketong sa Pilipinas. Hindi na umano nakababahala na 63 na lamang sa bawat isang milyong Pilipino ang may ketong. Anang gubyernong Estrada, mula 38,570 rehistradong pasyente noong 1986, naging 8,746 ito noong 1997 at napagaling ang 88,117 sa loob ng 13 taon mula 1986.

Ang ketong o HANSEN�S DISEASE ay isang nakahahawang sakit na dulot ng mikrobyong Mycobacterium leprae. Inaatake nito ang balat, nerbo, baga, mata, daliri at iba pang bahagi ng katawan. Noong 1997, may 1.2 milyon ang naitalang taong may ketong sa buong mundo. Malaking bahagi nito ay konsentrado sa Southeast Asia. Nahahati sa dalawa ang mga leproso�mga may malubhang impeksyon (multibacillary patients) at mga may di malubhang impeksyon (paucibacillary patients). Noong huling bahagi lamang ng dekada 1940 natuklasan ang gamot para rito. Maaari na ngayong magamot ito sa loob ng 12 buwan. Ang pasyenteng mahigit isang linggo nang ginagamot ay wala na ring peligrong makahawa.

Para umayon sa EO 336, sistematikong pinaliit ang bilang ng mga may ketong. Sinuhulan ng P10,000 ang ilan upang magpadeklarang di na pasyente. May mga binantaan pang palalabasin sa ospital nang walang tatang gaping kabayaran kung di magpapadeklarang magaling na. Pinauuwi na ang iba pa at idinedeklarang discharged na sa ospital. Ipinapadala sa leprosaryum sa Bikol ang iba. Sa halos 3,000 pasyente sa Tala, 900 na lamang ang aktwal na rehistrado bilang pasyente.

Sa kabila ng EO 336, tuluy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng gubyerno ng pandaigdigang ayuda para sa paggagamot ng mga may ketong. Noong 2000, halimbawa, tumanggap ang gubyerno ng $150,000 mula sa American Leprosy Missions, at $410,200 naman noong 2001. Ginagamit na lamang ang listahan ng mga rehistradong pasyente para manghuthot ng ayuda mula sa ibayong dagat.

Ang rehimeng Macapagal-Arroyo ay walang ginagawa upang resolbahin ang suliranin sa Tala at sa katunaya�y inendorso nito ang proyekto. Ipinagpapatuloy lamang ng rehimen ang pang-aapi sa mga leproso at sa mamamayan sa Tala.

MGA ISYU SA LOOB NG LEPROSARYUM

Samantalang pangunahing suliranin ng mga pasyente sa Tala ang pagsasara ng leprosaryum, problema rin nila ang kapabayaan at pang-aapi sa kanila sa loob ng leprosaryum. Wala silang sapat na gamot, pagkain at iba pang batayang pangangailangan. Isang partikular na usaping patuloy na tinututulan ng mga pasyente at pamilya nila ang pagrarasyon ng bulok na karne at isda sa kanila. Ang mga patient assistant na 20-30 taon nang naglilingkod sa ospital ay napagsasamantalahan din sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng P15 lamang na sahod kada araw.

TULOY ANG PAGLABAN

Hindi na humihingi ng awa ang mga pasyente at mga pamilya nila. Namulat sila sa katotohanan na sa pamamagitan lamang ng kanilang sama-samang pagkilos malalabanan ang pang-aapi sa kanila. Marapat nilang lubusin ang iba�t ibang anyo ng sama-samang pagkilos, palawakin at konsolidahin ang kanilang hanay habang itinataas ang antas ng paglaban at militansya kasama ng iba pang sektor ng lipunan. Sa gayon, makikilala ang Tala hindi bilang komunidad ng mga taong may nakahahawang sakit, kundi bilang isang komunidad na may maningning na kasaysayan ng nakikibakang mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

Agosto 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tumitindi ang pagpapakatuta ni Macapagal-Arroyo

Panghihimasok militar ng US
Pinulot sa basurahan
Vigilantismo sa Davao, dadalhin sa pambansang antas
Naghihingalong sistemang pangkalusugan sa bansa
Philhealth, instrumento para sa pagkakamal ng tubo
Pakikibaka sa Tala Leprosarium, nagpapatuloy
Pagpapasara sa 10 ospital:
Inaagrabyado ang masa sa Isabela

Programang GMA 50:
Bigong solusyon sa malalang suliraning pangkalusugan ng mamamayan

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanya sa rebolusyong agraryo sa Ilocos at Kordilyera, tagumpay

Mga Ulat Koresponsal:
Presyo ng tabako, naitaas

Malaking bigwas sa imperyalismong US:
Pandaraya ni Bush at ng malalaking negosyo sa US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.