|
Alyansa laban sa pagtataas ng buwis, binuo sa kongreso
Binuo sa kongreso noong Agosto 2 ang Alliance of Legislators Against Regressive Taxes (ALERT) para labanan ang plano ng rehimeng Arroyo na patawan ng mga karagdagang buwis ang mamamayan sa harap ng laganap na paghihikahos at disempleyo.
Ang ALERT, na pinangungunahan ng mga kinatawan sa kongreso ng Bayan Muna at Anakpawis ay binubuo sa ngayon ng 39 na mambabatas na pumirma sa House Resolution No. 91 na nananawagan sa gubyerno na lutasin muna ang mga problema sa pangongolekta ng buwis bago magpataw ng mga dagdag na buwis.
Ayon sa resolusyon na isinampa ni Teodoro Casi�o ng Bayan Muna, aabot sa P285 bilyon ang nawawala taun-taon dahil sa iba't ibang problema kaugnay ng pagbubuwis. Tinukoy ng ALERT bilang mga pangunahing salik sa malaking kakulangan sa nakokolektang buwis ng gubyerno ang malawakang pag-iwas ng malalaking negosyante sa pagbabayad ng buwis, ang malaking kabawasan sa taripang kinokolekta dahil sa liberalisasyon ng kalakalan at ang sobra-sobrang insentibong ibinibigay sa mga pinapaborang industriya. Ayon din sa ALERT, napakalaki rin ng depisit sa badyet dahil umaabot sa 75% ng nalilikom ng gubyerno mula sa pagbubuwis at iba pang paraan ang nilalamon lamang ng pagbabayad sa utang.
Inaasahang dadami pa ang sasali sa ALERT mula sa kongreso at senado sa harap ng matinding pagtutol ng mamamayan sa mga pinaplanong bagong pasaning buwis.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Agosto 2004 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|