![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nang sabitan ng medalya ni Gloria Macapagal-Arroyo si Col. Jovito Palparan noong Disyembre 21, matingkad na nailarawan ang kalunus-lunos na kalagayan ng karapatang-tao sa Pilipinas. Si Palparan ang binansagang "Berdugo ng Mindoro." Bilang kumander ng pusakal na 204th Bde ng Philippine Army, responsable si Palparan sa napakaraming kaso ng pananalbeyds, pagdukot, pagtortyur, sapilitang ebakwasyon, harasment at iba pang abusong militar. Binibiktima nila pangunahin ang mga di armadong sibilyan sa isla. May mga pagkakataong siya mismo ang nagsagawa ng gayong mga pandarahas, tulad sa kaso nina Juvy Magsino, bise alkalde ng Naujan, Oriental Mindoro; at Edu Paringit, cameraman sa Calapan City, Oriental Mindoro. Si Magsino, na inakusahang tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at si Paringit, na pinaratangang Pulang mandirigma, ay parehong hinaras at binantaan mismo ni Palparan. Sinabitan si Palparan ng medalya matapos siyang masugatan sa ambus ng BHB noong Nobyembre 24 sa Villaflor, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Ang pagpaparangal kay Palparan ay parangal na rin sa karumal-dumal niyang rekord ng kahayupan sa isla. Sa ilalim ng kasalukuyang rehimen, si Palparan ang huwaran sa paglulunsad ng brutal na teroristang gera laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|