Tangkang ekstorsyon ng Malakanyang, ibinunyag ng Fraport
Matinding dagok sa rehimeng Arroyo ang pinakahuling pagbubunyag ng ekstorsyon ng mga kapanalig ng rehimeng Arroyo sa Fraport AG, ang kumpanyang German na pangunahing kasosyo sa pagtatayo ng Terminal 3 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Pormal na naghapag ang Fraport ng reklamo tungkol dito sa International Center for the Settlement of Investments Disputes (ICSID), isang ahensya sa ilalim ng World Bank.
Inireklamo ng Fraport na humingi ng aabot sa $70 milyon ang personal na abugado ni Arroyo�si Atty. F. Arthur Villaraza�at si Jose Miquel �Mike� Arroyo, asawa ng presidente, upang mapatalsik sa proyekto ang pamilyang Cheng, ang dummy na pinalalabas na may-ari ng mayorya ng mga sapi sa PIATCo. Magkasosyo ang Fraport at PIATCo sa pagtatayo ng NAIA Terminal 3.
Dagdag pa, �mariing iminungkahi� ni Gloria Tan-Climaco, noo�y presidential adviser for strategic projects, na kunin ng Fraport AG ang serbisyo ng Villaraza-Angangco Law Offices dahil malakas ang kuneksyon nito sa Malakanyang. Ang nasabing opisina ay nasa LTA Building, na pag-aari ng pamilya ni Mike Arroyo.
Ayon sa Fraport, hinihiling ng gubyerno na patalsikin ng Fraport ang pamilyang Cheng para bigyang-daan ang pagpasok sa proyekto ng grupo ni Lucio Tan, kroni ng Malakanyang. Kabilang sa mga direktang nagpresyur sa Fraport si Atty. Avelino Cruz, Chief Presidential Legal Counsel. Nang hindi pumayag ang Fraport sa kagustuhan ng Malakanyang, pinawalambisa ng Korte Suprema noong Mayo ang kontrata ng Fraport at PIATCo sa pagtatayo ng proyekto.
Ang pagbubunyag ay nilaman ng sulat sa ICSID noong Setyembre 17 nina Wilhelm Bender at Manfred Schulch, chairman at vice chairman ng Fraport AG. Hiniling ng Fraport sa ICSID na mamagitan ito sa pakikipagnegosasyon ng kumpanya sa gubyernong Arroyo na bayaran ito ng $425 milyong danyos sa arbitraryong pagpapawalambisa sa kontrata at sa mga nagastos na ng Fraport sa pagtatayo ng paliparan.
Noong Enero pa tumampok ang mga katiwalian sa NAIA 3 nang sampahan ng kaso sa Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ang pitong malalapit na tauhan ng presidente kaugnay ng maanomalyang pagbibigay sa PIATCo ng kontrata para sa NAIA 3. Kabilang sa sinampahan ng kasong katiwalian si Edgardo Manda, general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) at dating deputy chief of staff ni Arroyo noong siya�y bise presidente pa. Muling tumampok ang kaso nitong huli nang nagsampa na ang Fraport ng kaso sa ICSID
Pinakahuli lamang ang kaso ng katiwalian kaugnay ng Fraport sa tampok na mga iskandalo sa korapsyon na kinasasangkutan ng mag-asawang Arroyo. Noong Oktubre 13, ipinrisinta ni Sen. Panfilo Lacson ang ikatlong bahagi ng kanyang pagbubunyag tungkol sa pangungurakot ng mga Arroyo. Kabilang sa 23 ebidensya ng korapsyon laban sa mga Arroyo ang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office at Government Service Insurance System para sa kampanyang pampulitika ng presidente
Sa panahon ding ito, ika-11 ang Pilipinas sa mga bansang pinakakorap sa talaan ng Transparency International, isang organisasyong naghahanay taun-taon ng mga bansa sa buong daigdig ayon sa lala ng korapsyon. Mula ito sa katayuang pang-12 noong nakaraang taon. Sa Southeast Asia, pang-apat ang Pilipinas sa pinakakorap na bansa�pagtakapos ng Bangladesh na numero una sa buong mundo, Indonesia at Vietnam.
|