Balita
PKP, nakidalamhati sa pagkamatay ni FPJ
Nagpahayag ng pakikidalamhati ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagkamatay ng artista at dating kandidato sa pagkapresidente na si Fernando Poe Jr. (FPJ). Sa isang pahayag nitong Disyembre 14, tinukoy ni Gregorio �Ka Roger� Rosal, tagapagsalita ng PKP, ang interes ni FPJ sa mga usaping panlipunan at ang madalas niya dating pag-anyaya sa mga kasama na tumungo sa kanyang bahay para maglunsad ng mga talakayan hinggil sa gawain ng rebolusyonaryong kilusan. Ani Rosal, hindi nagdalawang-isip si FPJ na magbigay ng anumang makakaya niyang suporta para sa mga pagsisikap na kapaki-pakinabang sa masang manggagawa at magsasaka. Bilang kandidato sa pagkapresidente noong nakaraang eleksyon, aniya, nagpahayag din ng interes si FPJ sa usapang pangkapayapaan at pagharap sa mga ugat ng gera sibil.
Si FPJ ang pinakamahigpit na karibal ni Gloria Arroyo noong nakaraang eleksyon at isa sa mga naging biktima ng malawakang pandaraya at itim na propaganda ng rehimen. Sa tindi pa rin ng galit ng kanyang mga tagasuporta, tinanggihan at winasak nila ang mga padalang bulaklak nina Arroyo at mga kaalyado niyang sina Jose de Venecia at Franklin Drilon. Inaasahang daan-daang libo hanggang milyong katao ang makikimartsa sa kanyang libing ngayong Disyembre 22.
Namatay si FPJ sa ospital noong madaling araw ng Disyembre 14 sa edad na 65 anyos matapos siyang magkaroon ng matinding stroke (pagbabara ng ugat sa utak).
Depisit sa BOP sumirit
Sumirit tungong $459 milyon o $25.7 bilyon nitong Nobyembre ang depisit sa balance of payments (BOP) ng Pilipinas. Sa loob lamang ng Nobyembre, tu-maas nang $275 milyon ang depisit, kumpara sa $6 milyong pagtaas nito sa Oktubre. Tina-tayang aabot ang depisit sa BOP sa $516 milyon sa katapusan ng taon.
Ang pagsirit ng depisit sa BOP nitong Nobyembre ay pangunahing idinulot ng pagbabayad ng gubyerno ng bahagi ng dambuhalang utang nito sa mga dayuhang institusyon. Hindi na mapunan kahit ng mga remitans ng mga overseas contract workers (OCW) ang utang na kinakailangang bayaran ng gubyerno buwan-buwan. Aabot sa $8 bilyon o `448 milyon taun-taon ang ipinapasok ng mga OCW sa naghihingalong ekonomya ng bansa. Sa kabilang banda, aabot na sa `3.73 bilyon ang utang ng bansa.
Ang BOP ay ang balanse ng halagang pumasok at lumabas sa bansa sa mga transaksyon tulad ng kalakalang panlabas, remitans ng mga OCW, dayuhang pamumuhunan at pagbabayad sa utang.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|