|
|
Kasabay ng mga maniobra ng Akbayan sa kongreso, pilit na pinagbabangga ng rehimen ang interes ng mga magsasaka na umano�y mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa makatarungang paggigiit ng mga biktima ng batas militar. Nakasaad sa kasalukuyang reaksyunaryong batas na lahat ng nakaw na yamang makukuha sa pamilyang Marcos ay gagamitin para sa huwad at maka-asenderong CARP. Sa isang pahayag, kinundena ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at PAMALAKAYA ang kontra-magsasaka at kontra-karapatang-taong maniobra ng rehimeng Arroyo. Ayon sa KMP, ginagamit ng mga Marcos at mga kroni nilang katulad ni Danding Cojuangco ang maka-asenderong CARP upang makapanumbalik sa poder. Anumang pagsusuhay sa batas na ito ay tahasang sumasagasa sa kabuhayan at karapatan ng milyun-milyong magsasaka. Nanawagan naman ang SELDA na kagyat nang ipagkaloob sa mga biktima ang buong halaga. Sa samutsaring maniobra ng reaksyunaryong estado upang pabagalin kundi man tahasang sagkaan ang proseso ng indemnipikasyon, pinangangambahan ng maraming biktima na nagagastos o nawawaldas na ang $683 milyon. Ayon kay Arroyo, may bahagi na itong nagastos sa �reporma sa lupa.� May mga nagsasabing kinunan din ito ni Arroyo ng panggastos sa nakaraang eleksyon. Dagdag sa lahat ng ito, nagpahayag ng labis na kagalakan si Imelda Marcos sa pinakahuling desisyon sa korte sa US noong Pebrero 4. Ayon sa 9th US Circuit Court of Appeals, hindi maaaring baligtarin ng mga korte sa US ang desisyon ng Korte Suprema ng Pilipinas noong 2003 na nagbigay-kontrol sa gubyerno sa $683 milyong nakaw na yaman ng mga Marcos. [Ang desisyon ng 9th US Circuit Court of Appeals ay inilabas bilang tugon sa apila ng mga biktima ng batas militar (na nagsampa at nanalo sa kaso sa Hawaii) sa isang mababang korte sa US na baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema.] Nagbigay ito kay Imelda Marcos ng tulak na makipagkasundo kay Arroyo hinggil sa hatian sa nakaw na yaman. Matatandaan na noong 1993, nakipagkasundo ang rehimeng Ramos sa mga Marcos sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government. Ayon sa kasunduan, magkakaroon ng 75-25 hatian sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos, pabor sa rehimen. Subalit kapalit nito, hindi masasampahan ng mga kasong kriminal at sibil ang mga Marcos sa mga kasalanan nila sa sambayanang Pilipino. Pinawalambisa ng Korte Suprema ang kasunduang ito.
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|