Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mas malaking palagiang presensyang militar, itinutulak ng US

 Read this article in English

Diin ngayon ng US ang palakihin pang lalo ang presensya ng mga tropa nito sa Southeast Asia at ilan pang rehiyon at palakasin ang kakayahan nilang maging makilos at mas mabilis na magpalipat-lipat mula sa kasalukuyan nitong mga base militar. Ito ang sinabi ni Deputy Defense Sec. Paul Wolfowitz ng US sa pagtatapos ng Asian Security Conference na idinaos sa Singapore nitong Mayo 31.

Ayon kay Wolfowitz, isinasagawa ngayon ng US ang "masusing pagtatasa at pagrereorganisa" ng kasalukuyang latag ng mga pwersang militar nito, laluna sa Southeast Asia.

Sa kanilang pagtatasa, kulang ang presensya ng militar ng US sa rehiyon. Tanging ang mga tropang Amerikano sa Mindanao ang litaw na presensyang militar ng US sa rehiyon ngayon. Ang iba pang pwersa nito ay nakabase sa Northeast Asia (Japan at South Korea) at pawang nakaumang sa North Korea. Mula nang mapatalsik ang dalawang base militar ng US sa Pilipinas, nagpakasapat na ang US sa pagmamantine ng mga barkong pandigma sa karagatan ng Asia-Pacific bilang garantiyang panseguridad at paraan ng mabilisang pagpapakat ng mga tropa nito sa rehiyon.

Pinaplano ng US na patatagin ang presensya nito sa Southeast Asia sa pamamagitan ng paglalatag ng malawak na lambat ng maliliit na taktikal na baseng tinatawag nitong deployment bases o forward operating bases. Planong itayo ang mga ito sa Pilipinas, Vietnam, Singapore, Malaysia at Australia. Sa partikular, balak umano ng US na magbase ng mga tropang panlupa sa Pilipinas at tropang nabal sa Vietnam. May plano rin ang US na bawasan ang 20,000-kataong pwersa sa base militar nito sa Okinawa, Japan at ilipat ang marami mula rito sa itatayong forward operating base sa Pilipinas.

Kinumpirma naman ng upisina ng Defense Minister ng Australia na ipinaabot na ng US ang plano nitong pasaklawin at patatagin ang presensyang militar sa kanilang bansa. Sa partikular, hinihiling ng US ang pagbabase ng mga eroplanong pandigma at ng 5,000 tropang Marines sa Australia. Sa kasalukuyan, may ilan nang eroplanong pandigma at tropang panlupang nakikisukob sa mga base militar ng Australia.

Dati nang masaklaw na tinalakay ang paksang ito sa dokumentong "Rebuilding America's Defenses" na ipinagawa noong Setyembre 2000 nina ngayo'y Bise Pres. Richard Cheney, Defense Sec. Donald Rumsfeld at iba pang susing upisyal ng US. Kamakailan ay inilathala ang dokumento sa dyaryong Sunday Herald sa US sa harap ng mga redispusisyon ng tropang militar na binabalak ng US.

Hindi na rin umano sasapat ang pagpapalakas lamang ng kasalukuyang presensyang nabal sa karagatan ng Asia-Pacific o ang pagsandig sa kasalukuyang tropang militar na nakaistasyon sa rehiyon. Para sa mga layuning militar at pampulitika, marapat umanong mag-istasyon ng pwersang panlupa at panghimpapawid na mataas ang kakayahang maging makilos (rapidly mobile) partikular sa Southeast Asia.

Ang mga pwersang ito ay magsisilbing suplementaryo o pansuporta sa mga tropang permanenteng nakaistasyon sa Japan at Korea. Ayon din sa dokumento, kinakailangang hindi bababa sa lakas-brigada o lakas-rehimyento ang nakaistasyon sa naturang mga taktikal na base sa anumang panahon upang "epektibong makapagsagawa ng mga tradisyunal na operasyong panlupa habang pinananatiling mataas ang kakayahang maging makilos ng naturang mga pwersa."

Bagamat sa simula ay magsisilbing pansuporta lamang ang mga deployment bases, maaari pang palawakin at pasaklawin ng US ang mga ito batay sa pangangailangan.

Ang itatayong deployment bases o forward operating bases ay magsisilbi ring pusisyunan ng mga kagamitang pandigma. Hindi kinakailangang magsimula sa wala ang paglalatag ng gayong mga taktikal na base. Ayon sa dokumento, maaaring makisukob na lamang ang US sa nakatayo nang mga base militar ng bansang hihimpilan (o host country), na "pauunlarin" na lamang. Ipababalikat ng US sa host country ang aktwal na "pagpapaunlad" at iba pang maliliit na gastusin sa pagtatayo ng base. Upang ibayo pang makatipid, gagamitin ng US ang armadong pwersa ng host country upang imantine ang naturang mga base. Ang anumang karagdagang gastos para sa gayong pag-aayos ay maaaring ituring na bahagi ng "ayudang panseguridad" sa naturang bansa. Sa gayon, kaagad, madali at matipid na maitatayo ang mga taktikal na base.

Sinabi rin sa dokumento na bagamat sa simula ay magsisilbing pansuporta lamang ang deployment bases, maaari pang palawakin at pasaklawin ng US ang mga ito batay sa pangangailangan. Kumpara sa mga permanenteng base, mas katanggap-tanggap din ang gayong pleksibleng klase ng mga base laluna sa ilang nag-aalangang alyado ng US.

Sa Pilipinas, kahit hindi pa naipatatanggal ng US ang mga prubisyon sa konstitusyong nagbabawal sa mga dayuhang base militar at armas nukleyar, ang gayong mga taktikal na base ay kasalukuyang madulas nang maitatayo sa pamamagitan ng mga umiiral na kasunduan, tulad ng Mutual Defense Treaty, Military Assistance Pact, Mutual Logistics Support Agreement at Visiting Forces Agreement. Gayunman, itinutulak pa rin ng US ang pagbabago sa konstitusyon ng Pilipinas upang higit pa itong lumuwag para sa anupamang posibilidad na magtatag ng mga pirmeng base militar sa bansa sa hinaharap. Sa gayo'y mahahawan ang daan para sa mas malawakan, mas matindi at mas tahasang interbensyong militar ng US sa bansa. Bagamat sa simula ay magsisilbing pansuporta lamang ang mga deployment bases, maaari pang palawakin at pasaklawin ng US ang mga ito batay sa pangangailangan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Hunyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ibayong inaarmasan ng US ang rehimeng Arroyo

Mas malaking palagiang presensyang militar, itinutulak ng US
Sa kabila ng tigil-putukan:
Patuloy ang atake ng AFP sa MILF

Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay sa rebolusyong agraryo, inaani sa Samar

Sa Ibayong Dagat:
Kasinungalingan sa likod ng gera sa Iraq

Sa Ibayong Dagat:
Bagong planong nukleyar ni Bush

Sa Ibayong Dagat:
Dambuhalang propagandista ng imperyalismo

Sa Ibayong Dagat:
Mga sundalong British, nantortyur ng mga Iraqi

Sa Ibayong Dagat:
Parang pelikulang Rambo

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.