Ilunsad ang mapagpasyang laban at kubkubin ang Malakanyang upang pwersahang patalsikin si Estrada
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal Pambansang Tagapagsalita Partido Komunista ng Pilipinas
Nakikiisa ang mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa sa mga sonang gerilya sa puong libong mamamayang naglulunsad ng malawakang mga demonstrasyon sa iba�t ibang dako ng Pilipinas simula noong hatinggabi ng Enero 16, kabilang na yaong mga nagtitipon sa EDSA-Ortigas. Umaasa ang Partido at ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) na ang mga demonstrasyong ito ay patuloy na lalawak sa mga susunod na araw at posibleng humantong sa kagyat na pagpapatalsik kay Estrada mula sa poder.
Para matupad ito, kailangang ilunsad ng mamamayang Pilipino sa mga susunod na araw ang mapagpasyang laban sa pamamagitan ng mga dambuhala, mapayapa, militante at sustenidong demonstrasyon sa lansangan na hahantong sa pagkubkob ng isang milyon o higit pang mamamayan sa palasyo ng Malakanyang. Kailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng iba�t ibang pwersang anti-Estrada para maipagtagumpay ito.
Kailangang ilunsad ang iba�t ibang mga aksyong masa, kabilang na ang mga welgang manggagawa, raling magsasaka, asembliya sa mga maralitang komunidad at mga walkout sa paaralan na pawang nakatuon sa pagtipon ng daan-daang libong mamamayan sa lansangan. Kailangang ilunsad ang mga aksyong masa sa iba�t ibang prubinsya. Maaaring maglunsad ng mga martsa-rali patungo sa Maynila mula sa mga kalapit-prubinsya upang ikonsentra ang pinakamalakas na pwersa at idulot ang pinakamalakas na bigwas laban sa rehimeng US-Estrada.
Kailangang maging mapagbantay at labanan ang mga kontrarebolusyonaryong grupong nagpapanggap na anti-Estrada na nais gamitin ang pagbulwak ng mga protesta upang isagawa ang panununog ng bus, paninira ng mga ari-arian, asasinasyon at iba pang mapanabotaheng pakanang maaaring idahilan ng gubyerno sa paglulunsad ng mga pasistang pagsalakay sa mga mapayapang demonstrasyon ng mamamayan. Gayundin, kailangang maging magbantay sa mga panatikong bayarang grupong maka-Estrada na maaaring pakilusin ng gubyerno upang maglunsad ng mga aksyong probokasyon laban sa kilusang anti- Estrada.
Binabalaan namin ang rehimeng US-Estrada sa anumang balak nitong gumamit ng pasistang panunupil laban sa lumalaking mga demonstrasyong anti-Estrada. Kailangang suwayin ng mga tropa at upisyal ng pulisya at militar ang mga kautusan ni Estrada na supilin ang mga demonstrasyon. Higit dito, kailangang tuluyan na nilang talikuran ang rehimen at arestuhin ang pinakamasasahol na elemento ng naghaharing pangkating Estrada, laluna yaong mga mag-iisyu ng order na supilin ang mga pagkilos ng mamamayan.
Habang naninindigan ang Partido at BHB na ang pakikibaka upang patalsikin si Estrada ay pangunahing isasakatuparan ng mga dambuhala, mapayapa at militanteng demonstrasyon sa lansangan, ang mga taktikal na opensiba sa kanayunan ay patuloy na paiigtingin ng BHB. Ituturing bilang lehitimong target ng mga taktikal na opensiba ng BHB ang mga tropang imomobilisa ng gubyernong Estrada patungo sa Kamaynilaan upang supilin ang paglaban ng mamamayan.
Tuluy-tuloy na nagpapalakas ang mga rebolusyonaryong pwersa, kapwa sa kanayunan at kalunsuran, upang wakasan ang rehimeng Estrada at labanan ang mga susunod pang reaksyunaryong gubyernong yuyurak sa pambansa at demokratikong interes ng mamamayan.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|