Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

PKP, nagpugay sa BHB
(mga sipi mula sa pahayag ng PKP sa ika-26 anibersaryo ng BHB)

Ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas ay naglabas ng mensahe nito kaugnay ng ika- 27 Anibersaryo ng Pagtatatag ng Bagong Hukbong Bayan. Si Kasamang Armando Liwanag, Tagapangulo ng KS, ay nagpalabas ng isang 18-pahina 3-seksyon na pahayag, �Magpugay sa Bagong Hukbong Bayan sa ika-27 Anibersaryo ng Pagkakatatag Nito� na may petsang Marso 29, 1996. Sumusunod ang ilang sipi:

Sa ngalan ng Komite Sentral at ng buong kasapian ng Partido Komunista ng Pilipinas, ako ay nagpupugay sa mga kadre at kasapi ng Partido, sa mga Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa okasyon ng ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag nito noong Marso 29.

Binabati namin kayo sa inyong kabayanihan at pagpupunyagi sa matagalang digmang bayan upang ipatupad ang bagong-demokratikong rebolusyon at sa naipong mga tagumpay sa loob ng mahabang panahon. Binabati namin kayo sa inyong pagwawasto sa mga kamalian at sa inyong pagpapanibagong- lakas sa proseso ng ikalawang dakilang kilusang pagwawasto at sa inyong mga tagumpay sa rebolusyunaryong pakikibaka laban sa rehimeng US-Ramos.

Tinatangkilik at inaaruga kayo ng mamamayan dahil ipinaglalaban ninyo ang kanilang pambansang karapatan at interes laban sa dayuhang monopolyo kapitalismo, lokal na pyudalismo at burukratakapitalismo at dahil kayo ang mapagpasyang instrumento para sa pagbabagsak ng reaksyunaryong estado, pagtatayo ng demokratikong estado ng bayan at pagkakamit ng sosyalistang hinaharap.

Ayon nga sa turo sa atin ng dakilang Mao, �Kung wala ang hukbong bayan, walang anuman ang mamamayan.� Dahil sa hukbong bayan, mapapalaya ng mamamayan ang sarili laban sa pang-aapi at pagsasamantala, mabubuo ang sariling demokratikong kapangyarihan at malilikha ang isang bagong Pilipinas na nagsasarili, malaya, makatarungan at maunlad.

I. Mga Tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan

Naipatutupad ng Partido Komunista ng Pilipinas ang absolutong pamumuno sa Bagong Hukbong Bayan sa pamamagitan ng wastong pang-ideolohiya at pampulitikang linya, pagbubuo sa hukbo bilang rebolusyunaryong pwersa para sa gawaing masa at para sa paglaban, pagbubuo ng Partido sa ubod ng hukbong ito at pagrerekrut ng mga mandirigma mula sa pinakamahusay na mga anak ng bayan.

Ang rebolusyunaryong partido ng proletaryado ay higit kailanman matatag na nagtataguyod ng pangideolohiyang linya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at ng pangkalahatang linya ng bagong-demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Tuwirang nakakapagpanibagong-lakas at napasisigla ng BHB ang sarili dahil may wastong partidong namumuno dito at nasa ubod nito. Gayundin, ang BHB bilang pangunahing organisasyon ng mamamayan na may malaking bilang ng kasapian ng Partido ay nagbibigay sa Partido ng isang malakas na rebolusyunaryong base.

Ang Komite Sentral at mga panrehiyong komite ng Partido ay wastong nakapaglagom ng rebolusyunaryong karanasan ng BHB, nakapaghalaw ng mga aral mula rito at nakapagtakda ng mga rebolusyunaryong tungkulin. Napuna at naiwaksi nila ang mga mayor na suhetibista at oportunistang kamalian na nakapaminsala sa mga rebolusyunaryong pwersa at baseng masa sa loob ng mahigit 15 taon.

Naiwaksi ng ikalawang dakilang kilusang pagwawasto ang mapanirang mga tunguhin ng modernong rebisyunismo, empirisismo at dogmatismo sa larangan ng ideolohiya at �Kaliwa� at Kanang oportunismo sa larangan ng pulitika. Ito�y kahalintulad ng unang dakilang kilusang pagwawasto laban sa mga rebisyunistang taksil na Lava at pangkating gangster na Taruc-Sumulong. Ang pagwawasto ng mga mayor na kamalian ay kinailangan upang muling maitatag ang Partido noong 1968 at ang BHB noong 1969.

Habang nagpapanggap na rebolusyunaryo ngunit sinisikap namang lusawin ang armadong rebolusyunaryong kilusan sa ideolohiya, pulitika at organisasyon, ang mga rebisyunista, dinagwawastong mga oportunista at lahat ng mga taksil ay lantaran nang sumanib sa panig ng kaaway. Ang kanilang kasalukuyang kontrarebolusyunaryong tindig at kilos ay wari nagsisilbing tulong biswal sa mga dokumento ng pagwawasto ng Partido.

Nakapagkamit ng malalaki at maniningning na tagumpay laban sa mga mayor na kamalian ang mga proletaryong rebolusyunaryo at ang mga Pulang kumander at mandirigma. Gayunman, nagpapatuloy ang pamumuna at pagpuna-sa-sarili hindi lamang laban sa mga nalalabing impluwensya ng mga mayor na kamalian sa nakaraan kundi maging sa mga partikular na kamalian at pagkukulang sa nakaraan at kasalukuyang gawain ng mga partikular na organo, yunit at indibidwal na tapat sa rebolusyunaryong simulain at nagnanais na paunlarin ang paraan at estilo ng paggawa at pakikibaka.

Isinusulong natin ang pambansa-demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Ito ay alinsunod sa malakolonyal at malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino na patuloy na palala ang kronikong krisis. Kasama ang buong sambayanan, inilulunsad ninyo ang pangunahing anyo ng pakikibaka, ang armadong pakikibaka na nakabatay sa gawaing masa sa kanayunan.

Ang Bagong Hukbong Bayan ay nabigyan na ng panibagong oryentasyon, pagsasanay at pagtatalaga para sa masaklaw at maigting na pakikidigmang gerilya na nakabatay sa papalawak at papalalim na baseng masa. Wala nang mga kumpanya at batalyon na pinananatili sa kapinsalaan ng gawaing masa at nagsisilbing malaking pabigat sa lohistika. Tumatayong sentro de grabidad ang pinalaking platun sa malalaking larangang gerilya at lugar na mabundok.

Ang kasalukuyang latag ng pwersa ay nagpapahintulot sa BHB na gumamit ng maliliit na tim, iskwad at platun at maging kumpanya para sa mga taktikal na opensiba. Ang antas, dalas, at tindi ng mga taktikal na opensiba ay nakabatay sa antas na nakamit ng gawaing masa. Sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba, isinasaalang-alang ang kakayahan ng baseng masa sa pagbibigay ng suportang lohistikal at paniktik at sa pagbibigo ng reaksyon ng kaaway. Pleksibleng magagamit ng hukbong bayan ang taktika ng dispersal, konsentrasyon at paglilipat sa isang pakikidigmang gerilya na pluwid kung mayroong baseng masa na nakakapagbigay ng lahat na kailangang suporta at ispasyo para sa maniobra.

Itinataguyod at sinusuportahan ng BHB ang mga kampanyang pinangungunahan ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika at mga organisasyong masa upang maglunsad ng rebolusyunaryong edukasyon, magpatupad ng reporma sa lupa, magpataas ng produksyon, magpahusay ng kalagayang pangkalusugan, magsanay ng milisya at mga yunit depensa, maglunsad ng pangkulturang pagtatanghal at iba pa. Kinukumpiska rin nito ang mga trosong iniluluwas sa malalawak na lugar sa Hilagang Luson at Mindanaw at binibigo ang panghihimasok ng mga kontrarebolusyunaryong grupo, kasama ang mga �NGO� na pinopondohan ng reaksyunaryong gubyerno at mga ahensyang imperyalista upang sirain at siraan ang rebolusyunaryong kilusan.

Ang BHB ang pangunahing instrumento ng Partido upang makamit ang pag-asa-sa-sarili ng rebolusyunaryong kilusang masa. Nililikom nito ang mga kontribusyon ng masa. Ipinatutupad nito ang patakaran sa pagbubuwis. Nagsasagawa ito ng makabuluhang gawaing produksyon para sa sariling pangangailangan. Nagsasamsam ito ng armas at iba pang lohistika mula sa kaaway.

Patuloy na pinatutunayan ng kasalukuyang mga tagumpay na ang mga wastong paraan ng pagpapalawak at pagpapatatag na binuo at ipinatupad sa unang sampung taon ng armadong rebolusyunaryong kilusan ay nananatiling angkop at mabisa. Kalakhang bahagi ng gawaing masa mula 1992 ay iniukol sa pagbawi ng baseng masa na nawaldas dahil sa mga �Kaliwang� oportunistang kamalian ng adelantadong pagbubuo ng malalaking yunit ng BHB at pagwawaksi sa matyagang gawaing masa at solidong pag-oorganisa sa masa. Sa proseso ng kilusang pagwawasto, tuluy-tuloy at makabuluhang lumawak ang baseng masa sa pambansang saklaw.

Isinusulong ang mga kampanyang masa upang ipatupad ang minimum na programa sa reporma sa lupa at pagpapataas ng produksyon, sanayin ang mamamayan para sa depensa, itaas ang pangkulturang antas ng mamamayan, pahusayin ang pampublikong kalusugan at kalinisan, biguin ang pangangamkam ng lupa at pananalanta ng kapaligiran ng mga kumpanya sa pagtotroso at pagmimina, at iba pa. Sa proseso ng pagkokonsolida ng baseng masa, naitatayo ang mga lokal na sangay ng Partido mula sa hanay ng mga rebolusyunaryong aktibistang masa.

Sa pambansang saklaw at sa kanayunan, patuloy tayong nagtatagumpay sa pagpapatupad ng patakaran at taktika ng pambansang nagkakaisang prente at antipyudal na nagkakaisang prente. Ang ating patakaran sa nagkakaisang prente ay para sa pagtataguyod kapwa ng armado at ligal na mga anyo ng pakikibaka pero pangunahin para sa armadong pakikibaka. Ang kabuuang patakaran natin sa nagkakaisang prente ay hindi malilimita sa ligal na pakikibaka kahit na may mga organisasyon sa nagkakaisang prente na nagkokonsentra sa ligal na pakikibaka.

Kailangang makuha sa panig ng rebolusyon ang petiburgesyang lunsod bilang isang batayang rebolusyunaryong pwersa. Subalit kailangan ding ilantad at labanan ang mga antikomunistang mumunting grupong petiburges na nagpapakadalubhasa sa paninira at pag-atake sa mga rebolusyunaryong pwersa. Ang mga grupong ito ay dinidirihe at pinopondohan ng mga imperyalista at uring mapagsamantala upang salakayin ang mga rebolusyunaryong pwersa mula sa loob at sa tagiliran.

Ang mga ahensyang psywar at paniktik ng mga imperyalista at lokal na reaksyunaryo ang nagpapasayaw sa mga taksil at sa kanilang mga dayuhang kasabwat para sa kanilang kampanya ng paninira laban sa rebolusyunaryong kilusan sa pambansa at pandaigdigang saklaw. Malinaw na ang buong larawan ng kanilang kampanya. Ito ay isang mayor na bahagi ng iskemang �low-intensity conflict� na itinutulak ng imperyalismong US at ipinatutupad pangunahin ng rehimeng Ramos.

Marami sa mga rebolusyunaryong aktibistang masa sa kalunsuran at kanayunan ay umuunlad bilang mga proletaryong rebolusyunaryo. Paparaming bilang nila ang sumasampa sa Bagong Hukbong Bayan at nag-aalay ng serbisyo sa kanayunan. Ang serbisyo sa gawaing masa sa loob ng isang panahon ay isang rekisito para marekrut sa BHB.

Unti-unti nang nagbubuo ang BHB ng mga tim ng armadong partisanong lunsod mula sa mga mandirigmang nakapaglingkod na nang ilang taon sa mga yunit ng BHB, may mahusay na kaalaman sa lunsod at hindi kilala ng kaaway at ng mga taksil. Ang mga naturang tim ng armadong partisanong lunsod ay napaiilalim sa angkop na kumand ng BHB na nakabase sa kanayunan at nasasaklaw ng mga kaukulang organo ng Partido.

Taliwas sa sinasabi ng rehimeng US-Ramos, ang bilang ng tauhan at armas ng BHB ay patuloy na lumalaki. Sa pagpapalala ng kronikong krisis ng naghaharing sistema, ang rehimen mismo ang nagsisilbing di sinasadyang pinakamahusay na tagarekrut ng BHB. Sa pagdedeploy nito ng militar, pulis at pwersang paramilitar laban sa rebolusyunaryong pwersa at mamamayan, ito rin ang nagsisilbing pinakamahusay na suplayer ng armas at lohistika sa BHB. Ang pagkabigo ng mga kampanya sa panunupil ng rehimen ay pinatutunayan ng walang tigil na lumalaking badyet militar ng gubyerno. Ang pag-imbento ng mga �ghost surrenderees� ay isang mayor na raket ng mga upisyal na sibilyan at militar na personal na nangungulimbat ng pera mula sa mga pondong nakalaan para sa �amnestiya at rehabilitasyon�.

Determinado ang BHB na paunlarin ang matagalang digmang bayan sa estratehikong mga yugto at ilunsad ang masaklaw at maigting na pakikidigmang gerilya batay sa papalawak at papalalim na baseng masa sa kasalukuyang yugto ng estratehikong depensiba. Malinaw na ipinapakita ng kilusang pagwawasto ang angkop at mabisa sa usapin ng ideolohiya, pulitika at organisasyon at gayundin sa estratehiya at taktikang militar.

II. Mga Paborableng Kundisyon para sa Matagalang Digmang Bayan

Ang mga patakaran at hakbangin ng rehimeng US-Ramos na tuwirang dikta ng mga dayuhang monopolyong kompanya at bangko at sa pamamagitan ng IMF, World Bank at WTO ay lalong nagpalalim at nagpalala sa atrasado at agraryong katangian ng ekonomya. Ang tinaguriang Medium- Term Development Program ng rehimeng US-Ramos ay programa para sa anti-industriyalisasyon at hindi para makalikha ng bagong nag-iindustriyalisang bayan.

Wala ni isang proyekto para sa mabigat o batayang industriya upang masimulan ang pagbasag sa pre-industriyal at agraryong katangian ng ekonomya. Malakihan ang importasyon ng mga yaring sangkap para sa mga plantang muling-pagimpake, at ng makinarya at pang-istrukturang bakal para sa mga proyektong imprastruktura at real estate upang mapalobo ang kabuuang pagkwenta ng halaga ng industriya. Ang angkat na mga kotseng panluho at mga kompyuter ay itinuturing na sangkap pamproduksyon. Naglipana ang mga �sonang industriyal� kahit walang anumang plantang industriyal na itinatayo.

Wala nang pagpapanggap ang rehimen na ito�y nagpapatupad ng reporma sa lupa at sa katunayan ay tinalikuran na nito ang mga bogus na programa sa reporma sa lupa ng mga nauna sa kanya. Napipilitang isauli ang mga �land transfer certificates� at �emancipation patents� na naunang ipinamahagi sa mga magsasaka. Sari-saring taktika ang ginagamit ng rehimen upang agawan ng lupa ang mga magsasaka at etnikong minorya. Pinakamasahol ang paggamit ng iba�t ibang uri ng armadong pwersa at pananakot laban sa kanila. Malalawak na lupaing agrikultural ang sinasaklaw ng mga dayuhan at lokal na korporadong espikulador ng lupa at may-ari ng mga plantasyon.

Ang pinopondohan ng WB na National Integrated Protected Areas (NIPAS), ang Integrated Forest Management Agreement at ang Mining Law of 1995 ay mga bagong ligal na pakana upang palayasin ang mga magsasaka at etnikong minorya mula sa lupa at ihain ang lupaing publiko sa mga dayuhan at lokal na korporadong mangangamkam. Sa ilalim ng naturang batas, mahigit anim na milyong ektarya o 22 porsyento ng kabuuang lupain ng Pilipinas ay ihinahain sa mga dayuhang korporasyon sa pagmimina para sa eksploytasyon ng mina, troso, tubig at iba pang rekurso.

Ang paglubha ng krisis pang-ekonomya ng Pilipinas ay malinaw na ipinapakita ng bumibigat na pasaning dayuhang utang, papabilis na lokal na pangungutang ng gubyerno, paggamit sa dayuhang espikulatibong kapital, pribatisasyon ng mga pag-aari ng estado at iba�t ibang uri ng pagpapabigat sa pasaning buwis at pagpapataas ng implasyon katulad ng expanded value-added tax at paulit-ulit na pagpapataas ng presyo ng langis. Ito�y mga desperado at mapagpatiwakal na hakbang na ginagamit ng reaksyunaryong estado upang makatawid sa lumalalang depisit sa badyet at sa kalakalan.

Napakalawak ng disempleyo. Nagsisikip ang mga komunidad ng iskwater sa dami ng mga � odd jobber�. Yaon namang may trabaho ay biktima ng pagpapaliit ng sahod at pagkakait ng seguridad sa trabaho at karapatan sa pag-uunyon. Malalawak na erya sa bayan ang itinatakdang �sonang industriyal� na sonang libre sa unyon at welga upang maka-akit ng dayuhang pamumuhunan. Ginagamit ang militar, pulisya at pwersang paramilitar ng estado gayundin ang mga pribadong grupong maton upang salakayin ang mga manggagawa at wasakin ang mga unyon.

Ang implasyon, mabigat na buwis at papamahal na gastusin para sa serbisyong publiko ay umu-ukok sa tunay na kita ng malawak na masa ng mamamayan. Nasasaksihan ng petiburgesyang lunsod ang pagliit ng dati nang limitadong kita at nahaharap sa papaliit na oportunidad sa hanapbuhay. Papalaking bilang ng mga nakatapos sa kolehiyo ay napipilitang maghanap-buhay sa ibang bayan bilang mga manggagawang mababa ang uri at pasahod na pinagkakaitan ng mga karapatang tinatamasa ng mga manggagawa sa dinadayong bayan.

Ang panggitnang burgesya na nagpoprodyus para sa lokal na pamilihan ay tuwirang nagigipit o naiitsapwera ng mga dayuhang monopolyo at malaking burgesya kumprador na napapaboran ng patakaran sa � import-liberalization� at mga insentiba sa produksyon ng produktong pangkonsumong reeksport na mababa ang dagdag-na-halaga.

Malaganap at masidhi ang ligalig panlipunan. Nag-uumalpas ang ligal na demokratikong kilusang masa ng mga manggagawa, magsasaka at petiburgesyang lunsod. Tumitindi at lumalawak ang mga aksyong protesta ng masa. Papalaking bilang ng manggagawa at nakapag-aral na kabataan ay sabik na lumahok sa armadong pakikibaka sa kanayunan. Ang mga magsasaka at manggagawang bukid ay masiglang lumalahok at sumusuporta sa rebolusyunaryong armadong pakikibaka. Ang pampulitikang krisis ng naghaharing sistema na lubusang nalantad sa ilalim ng rehimeng US-Marcos ay hindi mapahupa.

Ang lantad na teroristang paghahari ay nagpapatuloy sa kabila ng manipis na palamuting burgesdemokratiko ng mga institusyon at prosesong monopolisado ng malaking burgesya kumprador at panginoong maylupa. Ginagamit ng rehimeng USRamos ang karamihan sa mapanupil na batas, ang pinalaking makinarya at mga kampanya sa pagsupil na pinalawig mula sa 1972-86 na pasistang diktadurang Marcos upang takutin ang mga karibal na paksyon sa pulitika at ang buong bayan.

Hindi pa kuntento sa mga upisyal na instrumentong terorista na mana sa panahon ng rehimeng US-Marcos, tinatangka ng kasalukuyang rehimen na amyendahan ang 1987 konstitusyon ng reaksyunaryong estado at magtulak ng mga panukalang batas sa tabing ng paglaban sa terorismo at krimen upang makapag-ipon ng kapangyarihan, lampasan ang anim na taong limitasyon sa panunungkulan ng pangulo, ibasura ang mga pormal na garantiya ng karapatang sibil at pulitikal, ilagay sa alanganin ang mga karibal na paksyon at supilin ang buong bayan. Samantala, ang pinakatampalasan na mga sindikatong kriminal ay pinatatakbo ng mga upisyal ng militar at pulisya.

Ang mga paksyong pulitikal na tuwirang tagapagmana ng pasistang diktadurang Marcos ay malinaw na dominante. Ang ala-ala at nalalabing pwersa ng mga Marcos ay ibinabalik sa mabuting katayuan sa pambansang saklaw. Ang pampulitikang lakas ng pamilya ay bumabangon. Sampung taon matapos ang kanyang pagbagsak, wala ni isang kasong kriminal na nagpagpasyahan sa mga reaksyunaryong korte sa PIlipinas laban sa pinakamalaking mga kakutsaba sa krimen. Ang mahigit 10,000 biktima ng paglabag sa karapatang tao na nanalo sa kaso laban sa �Marcos estate� sa isang korte sa US ay patuloy na pinagkakaitan ng hustisya ng reaksyunaryong estado ng Pilipinas. Ang patuloy nilang pagdurusa ay nananawagan para sa rebolusyunaryong hustisya.

May tinataguriang pangkalahatang kasunduang pangkapayapaan sa hanay ng mga paksyon ni Ramos, Enrile at pamilyang Marcos sa loob ng reaksyunaryong sandatahang lakas. Matagal na itong itinutulak ng Pentagon at inareglo sa likod ng publiko. Ito�y pormal na itinanghal upang matakpan ang dramatikong depeksyon ni Brig. Gen. Raymundo Jarque sa National Democratic Front. Ang tinaguriang pangkalahatang kasunduang pangkapayapaan ay nakatutok laban sa ibang paksyon at laban sa mamamayan. Subalit nananatili ang magkakatunggaling materyal na interes kahit na sa hanay ng kasalukuyang naghaharing mga paksyon.

Ang mga tauhang militar at pulis sa lahat ng antas ay nasasangkot sa kriminal na mga aktibidad sa malawakang saklaw. Ang mga tauhan ng CAFGU at CVO ay naging mga pribado at armadong gang ng mga lokal na tirano o kaya�y nasadlak na sa panunulisan liban sa mga kaso na nahimok o dili kaya�y nalusaw na ng NPA ang mga yunit ng CAFGU at CVO.

Sa kabila ng paglalansag ng mga baseng militar ng US, patuloy na nagagagamit ng pwersang militar ng US ang teritoryo ng Pilipinas at mga pasilidad militar. Ang nangyari lamang ay nawala ang gastos sa pagmamantini ng mga baseng militar ng US sa Pilipinas at ang mga pwersang militar ng US ay kumambyo sa paggamit ng mga pasilidad militar ng Pilip