![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nagmartsa patungong Kongreso nitong Hulyo 22 ang ilanpung libong mamamayan upang ipanawagan ang kanilang mga hinaing at ilantad ang tunay na kalagayan ng bansa. Para harapin ang mga ito, ipinamalas ng rehimen ang kahulugan ng �malakas at matatag na republika� sa pamamagitan ng pagpapakat ng 8,000 pulis sa Commonwealth Avenue at paglatag ng patakarang �no tolerance� sa mga demonstrador. Nauwi ang mapayapang asembliya sa madugong kumprontasyon nang magsimulang mambato ang pulisya at mang-aresto ng mga nagpuprotesta. Labing-isang lalaki, kabilang ang isang abugado, ang inaresto ng mga pulis. Labingtatlo ang nasugatan sa insidente. MGA TAMPOK NA ISYUKinundena ng mga lider ng Bagong Alyansang Makabayan at mga organisasyong kaalyado nito ang matatapang na salita ni Macapagal-Arroyo hinggil sa �malakas at matatag na republika�, na walang iba kundi panabing sa kanyang mabuway at mahinang paghahari. Anila, wala itong iba pang kahulugan kundi ang papatinding represyon at panggigipit ng rehimen sa mamamayang tumututol sa pamamalakad ng rehimen. Inihalintulad nila ito sa �Bagong Lipunan� ng diktadurang Marcos na walang ibang ibinunga kundi ang sistematikong pagsikil sa mga karapatang sibil at malawakang paglabag sa karapatang-tao. �Mga kasinungalingan� � ito ang bansag ng mga kongresista ng Bayan Muna sa ipinagmayabang na mga �tagumpay� ni Macapagal-Arroyo. Anila, hindi nakikita ni nararamdaman ng mamamayan ang epekto ng mga �naabot� na target ng rehimen. Naniniwala ang mga kongresista na gagamitin ni Macapagal-Arroyo ang mga mapanupil na hakbang (tulad ng panukalang batas na �kontra-terorismo�) hindi lamang sa itinuturing niyang mga terorista, kundi laban sa kanyang mga kakumpitensya sa pulitika at laban din sa mamamayan. Tinapatan ni Carmen �Nanay Mameng� Deunida, kilalang lider ng mga maralita ng lunsod, ang SONA ni Macapagal-Arroyo. Ang 15 minutong talumpati ni Nanay Mameng hinggil sa tunay na kalagayan ng mga maralitang Pilipino ay nagtapos sa panawagang patalsikin sa poder si Gloria Macapagal-Arroyo. Kabilang sa libu-libong maralita ng lunsod na dumalo sa protesta ay ang tatlong batang taga-Payatas na ginamit niya sa kanyang gimik na �bangkang papel� at pinangakuan niya sa kanyang unang SONA noong nakaraang taon. Ayon sa mga bata, hindi natupad ni Macapagal-Arroyo ang kanyang pangakong pabahay para sa mga taga-Payatas at hustisya para sa daan-daang natabunan ng basura sa isang kahindik-hindik na trahedya roon noong Hulyo 2000. Mariin namang kinundena ng mga pambansang minorya ang rehimeng Macapagal-Arroyo dahil sa sistematikong pagpapabaya nito sa kanilang kapakanan habang hinahayaan ang mga dambuhalang dayuhang korporasyon na kamkamin ang kanilang mga lupang ninuno, huthutin ang mga likas na yaman sa kanilang kalupaan at wasakin ang kanilang pamumuhay. Anila, sistematikong ipinapatupad ng rehimen ang henosidyo sa kanila sa pamamagitan ng mga proyektong �pangkaunlaran� at mga operasyong militar. Ayon sa Moro-Christian People�s Alliance � inaatake ng rehimen ang relihiyong Islam sa patuloy na pagsuporta nito sa �digmang kontra-terorismo� ng imperyalismong US. Maraming Moro ang iligal na inaaresto at pinararatangang �terorista� dahil lamang sa kanilang relihiyon. Inihalimbawa nila ang pag-aresto ng pitong Moro sa isang madrasah (paaralang panrelihiyon) sa Pangasinan noong Mayo. Dumalo rin sa protesta ang mga syentista at mananaliksik upang ilantad ang kalunus-lunos na kalagayan ng pananaliksik at pagpapaunlad (research and development) sa larangan ng syensya at teknolohiya. Anila, puro hangin lamang ang mga pangakong pondo at suporta para rito. Itinawag-pansin ng mga dumadayong Filipino-American mula sa Out US Troops-Now! ang malawakang paglabag sa mga karapatang-tao ng mga Pilipino sa US sa ngalan ng �digmang kontra-terorismo�. Anila, matapos ang mga atake noong Setyembre 11, ipinatupad ng US ang mga rasista at mapang-aping patakaran na nagresulta sa pagpapalayas sa US ng 479 na Pilipino. Marami na ring Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa kanilang nasyunalidad � kabilang ang 28,000 airport controller na sinisante kamakailan dahil sa racial profiling (pagkilatis batay sa lahi), isang hakbanging panseguridad na isinasagawa sa US dulot ng pangamba sa mga Arabo at iba pang lahi. Dapat mangumpisal si Macapagal-Arroyo at humingi ng kapatawaran sa kanyang mga kamalian sa pulitika at ekonomya � ito naman ang panawagan ng Promotion of Church People�s Response. Anila, dapat ikumpisal ni Macapagal-Arroyo ang kanyang mga kasalanan laban sa mamamayan, sa kabiguang ibaba ang singil sa kuryente at presyo ng mga pangunahing bilihin. SA IBA PANG LUGARBaguio City. Isandaan ang nagmartsa, dala-dala ang isang dambuhalang anay na gawa sa karton. Ang anay na ihinawig kay Macapagal-Arroyo � dahil sa pag-akusa niyang �anay� ang dati niyang mga kaalyadong tumutuligsa ngayon sa kanya � ay isinakay sa isang malaking bangkang papel. Iloilo. Dalawang libo ang nagmartsa sa mga lansangan ng Jaro at Molo. Kabilang dito ang mga magsasakang nagdala ng mga sprayer para sugpuin ang pinakamalaking peste sa Pilipinas � ang reynang anay na si Macapagal-Arroyo. Bacolod. Higanteng anay din ang dala-dala ng may 500 nagpuprotesta rito bilang simbolo ng �pambansang peste� � ang rehimeng Macapagal- Arroyo. Davao City. Nilitis ng may 5,000 katao ang rehimeng Macapagal-Arroyo sa isang hukumang bayan na isinagawa sa Rizal Park dito. Ang hatol: May sala! Ang sentensya: Patalsikin sa poder! ![]()
|
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|