![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Marso 9. Dalawang sundalo ng 19th IB ang pinarusahan sa isang operasyong isparo na isinagawa ng mga magsasakang kasapi ng milisyang bayan. Dalawang M16 ang nakumpiska sa taktikal na opensibang ginanap sa Barangay Cabatuan, Palapag, Northern Samar. Pebrero. Isang elemento ng Maritime Police ang inagawan ng pistolang .45 ng mga magsasakang kasapi ng rebolusyonaryong organisasyong masa sa Salvacion, San Isidro, Northern Samar. Agad na ibinigay ang .45 sa mga Pulang mandirigma. Disyembre 1998. Dinisarmahan ng BHB ang ilang masasamang elemento sa Barangay Happy Valley, San Isidro, Northern Samar. Isang .357 at dalawang .38 ang kinumpiska mula sa kanila. Sa huling bahagi rin ng 1998, matagumpay na inilunsad ng milisyang bayan sa Las Navas at Catubig, Northern Samar ang "Operation Bawi" laban sa mga mangangalabaw sa baryo. Limang ninakaw na kalabaw ang nabawi at naibalik sa mga may-ari. Matagumpay ding idinaos noong Disyembre 26- 31 ang isang kampanyang propaganda sa mga sonang gerilya sa Can-avid, Eastern Samar. Sa serye ng mga pulong masa na inilunsad sa tulong ng milisyang bayan, mahigit 600 magbubukid mula sa apat na baryo at sityo ang nanood ng pelikulang "Resurgence" (Muling Pagsulong). Ang pelikula na produksyon ng National Democratic Front ay naglalarawan ng muling pagbangon ng rebolusyonaryong kilusan sa gabay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto. Lubos itong ikinagalak ng masa sa mga baryong binabalikan ng BHB dahil nakita nilang matatag pa ring sumusulong ang rebolusyonaryong kilusan. Nobyembre-Disyembre 1998. Mahigit 500 manggagawang bukid mula sa 18 baryo sa Northern Samar ang naglunsad ng matagumpay na antipyudal na pagkilos. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, naigiit ng mga magsasaka sa panginoong maylupa na umentuhan ang kanilang sahod nang P10 (mula P25-P30 hanggang P35-P40 bawat araw). Samantala, ibayong napaghusay ng mga Pulang mandirigma sa Silangang Kabisayaan ang kanilang kakayahang magsulong ng pakikidigmang gerilya nang maglunsad ng serye ng mga kurso sa pagsasanay sa gawain sa pulitika at militar. Bago natapos ang taon, 79 treyni mula sa dalawang larangang gerilya sa Samar ang dumalo sa dalawang magkasunod na pagsasanay. Kabilang dito ang isang iskwad ng milisyang bayan. Sa Southern Leyte, 39 na Pulang mandirigma rin ang nagsanay noong Setyembre. Ang lahat ng ito ay hakbang pasulong para sa rebolusyonaryong kilusan di lamang sa Silangang Kabisayaan kundi sa buong kapuluan. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|