Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pinakamatitinding operasyong militar sa Cagayan Valley sa loob ng kalahating dekada

 Read this article in English

Isang malawakang kampanyang militar ang kasalukuyang inilulunsad sa katimugang bahagi ng Isabela. Kinasasangkutan ito ng 20 platun mula sa 45th at 54th IB at iba pang tropa sa ilalim ng 5th ID. Mula Oktubre 8 ay tinayuan na ng mga tsekpoynt at ginagalugad ng mga tropa ang mga bayan ng Jones, San Agustin, San Guillermo at Echague. Panay ang pagrerekisa sa mga sasakyan at kubo ng mga magsasaka sa katawa-tawang katwirang ito'y bahagi ng "kampanyang anti-terorismo" at "paghahanap ng mga elemento ng Abu Sayyaf". Ang kasalukuyang pinagsanib na malawakang pagkilos ng special operations teams at strike operations ang pinakamalaking operasyong militar na inilunsad sa rehiyon ng Cagayan Valley mula pa noong huling bahagi ng dekada 1990.

Pinupuruhan ng mga operasyong militar ang timog Isabela dahil nais supilin ang ipinamamalas na militansya ng mamamayan dito laban sa mga kontra-magsasaka, mapanlinlang at mapaminsalang mga proyekto. Ilan dito ang pagmimina ng Royal Cement Mining Corp. sa halos 24,000 ektaryang lupain sa Barangay Dicamay I, Dicamay II, Sto. Domingo at Dumawing sa Jones; ang Integrated Social Forestry Project, kung saan idinedeklarang "lupaing publiko" at inaagaw ang mga sakahan ng mga maralitang magsasaka upang tamnan ng Gmelina; ang pang-aagaw din ng lupa para sa 1,000 ektaryang plantasyon ng kape ng Nestl� Corporation sa Jones; at ang field testing ng Bt-corn ng Monsanto (isang higanteng korporasyong agribisnes) sa 1,700 metro kwadradong lupa sa Barangay Diarao, Jones.

Nais ding apulahin ng kaaway ang apoy ng matatagumpay na kampanya sa rebolusyong agraryo at ang lumalawak na mga pagkilos ng mamamayan laban sa militarisasyon, pagbubuo ng CAFGU at mga paglabag sa karapatang-tao. Noong Oktubre, inilantad at tinutulan ng organisadong magsasaka ang pakikipagsabwatan ng despotikong alkalde ng Jones na si Jesus Sebastian sa pagtatayo ng kampo ng Philippine Army sa Barangay Dibuluan. Kinukundena rin ng mga taga-Jones ang pagkasira ng pag-aaral ng mga bata dahil sa paggamit ng militar sa mga eskwelahan bilang kampo. Binatikos nila ang laganap na pang-aabusong militar tulad ng sapilitang pagpapataw ng kota sa mga taumbaryo sa pagtatayo ng mga kampo at detatsment ng militar; pagnanakaw ng mga sundalo sa mga alagang hayop ng masa; at di pagbabayad ng mga tropa sa mga binibili sa tindahan.

Sa baryo pa lamang ng Villabello sa Jones, di bababa sa 24 na kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala nitong Nobyembre bunga ng malawakang operasyong militar. Pinakamatitingkad rito ang pagdukot at pagbugbog ng mga elemento ng 45th IB kina Willy Lumaho at Tomas Vanhan, kapwa taga-Sityo Germitan ng naturang barangay noong Oktubre 22; at ang pagtortyur at sapilitang pagpapagiya ng naturan ding mga tropa kina Jerwin Maltezo, Feli at Romulo Ariola, pawang mga kabataang taga-Villabello, noon ding Oktubre.

Dahil sa takot na maimbestigahan ng mga myembro ng fact-finding mission na tumungo sa Villabello nitong Nobyembre 5, inilipat ng 45th IB ang kanilang tactical command post tungong Benguet. Ang tatlong platung strike force na noo'y nasa Villabello ay inilipat din sa mga kanugnog na baryo ng Madadamian at Mabbayad.

 


Previous articleBack to topNext article

Nobyembre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Ibayong isulong ang pakikidigmang gerilya sa buong bansa!
Ilang aral mula sa mga kamalian at kabiguan ni Misuari
Mga punto hinggil sa itinakbo ng mga kasunduan sa pagitan ng MNLF at GRP
Kulang na kulang ang pagbaba ng presyo ng langis
Mga ulat koresponsal: Pagtindi ng militarisasyon sa TK
Kampanyang militar laban sa Abu Sayyaf: Naghahasik ng lagim sa Basilan
Ilang matitingkad na kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng mamamayan sa Basilan
Pinakamatitinding operasyong militar sa Cagayan Valley sa loob ng kalahating dekada
Paglakas ng rebolusyonaryong kilusan sa Catanduanes: Nang masa�t Hukbo�y magkaisa
Ilang kwento sa likod ng mga taktikal na opensiba sa Bikol
Bagong papet na pasistang rehimen sa Afghanistan at ang estratehikong interes ng imperyalismong U.S.
Mga balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.