![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Patuloy na umiigting ang armadong pakikibaka ng Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC) laban sa papet at pasistang rehimen ni Alvaro Uribe. Nitong Pebrero ay aabot sa mahigit 40 ang mga sundalong napatay sa mga opensiba ng FARC. Labimpitong sundalo, kabilang ang isang upisyal, ang napatay sa pananambang na inilunsad ng mga mandirigma ng FARC noong Pebrero 9 malapit sa bayan ng Mutata sa hilagang prubinsya ng Urabia. Walo ring sundalo ang iniulat na nawawala. Bago ito, 16 na kawal ng Marines ang napatay nang paulanan ng mga rocket ang kanilang himpilan noong Pebrero 1. Walo naman ang napatay matapos pasabugan ng bomba ang isang nagpapatrulyang dyip ng militar. Sa kasunod na mga labanan, di kukulangin sa lima ang naging kaswalti ng gubyerno. Ang FARC ay isa sa mga pangunahing rebolusyonaryong armadong pwersa na lumalaban sa gubyerno ng Colombia mula pa noong 1964. Noong Agosto 2002, naglunsad ng malakihang opensiba laban sa FARC ang gubyerno ni Uribe. Sa kabila ng ayuda ng imperyalistang US, na ikinukubli nito sa kampanya laban sa droga, patuloy ang paglakas ng FARC. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|